🔸🔹Two🔹🔸

271 46 22
                                    

"Uy Kuya,libre mo ako kwek-kwek ah!"hayzz yan na naman siya,Marikit naman eh!Yang Kuya mo na naman!

Uwian na kasi wala naman kaming practice sa basketball kaya sasabay na ako kay Marikit umuwi,magkapitbahay kami kaya sabay na kaming umuuwi,tska maraming tambay jan sa tabi-tabi mapano pa itong babaeng 'to hehe

"Tsk,palibre ka ng palibre,kinokotongan mo lang ako eh,tignan mo yang tiyan mo,lumalaki na tsk tsk tumataba kana hahaha"Hahaha ang cute niya lang asarin,pikunin kasi.Ewan,may dalaw ata 'to araw-araw eh

"Hmp!Hindi naman ako mataba,chubby lang ako,sabihin mo lang kung ayaw mong manglibre Kuya,hindi yung aasarin mo pa ako,jan kana nga!"Nako naman!balat sibuyas talaga to',hindi mabiro.Pero alam ko pakipot lang 'yan hihi.

"Hoy teka!Kit!Ito na oh!Ilan ba kasi gusto mo?"Sigaw ko sakanya ng papalayo na siya.Lumapit siya sa'kin sabay kapit sa braso kong may biceps

"Hmm..isang dosena lang Kuya!" 'Yan na naman siya sa 'Kuya' niya, naka ilan na ba siya?

"Wow,lang?nilalang mo lang yung 12 na pirasong kwek-kwek?baka naman sumakit tiyan mo niyan!atsaka magkano isang stick?"grabe siya,ang gastos niya,pano pa kaya pag kinasal na kami at nagkaroon din ng isang dosenang anak?ay teka nga!bat isang dosena?ang dami non!baka nga hindi na kami makabili ng isang isang pirasong kwek-kwek pag 12 anak namin!teka nga ulit!bat ba iniisip ko kasal at anak agad?ni hindi pa nga ako nangliligaw eh!baliw kana John!masyado kang advance

"Ay teka Kuya,itanong ko lang"tapos lumakad na siya dun sa stante ng kwek-kwekan

"Manong,ilang piraso po yung isang stick ng kwek-kwek atsaka magkano po?"ano daw?Manong?bat hindi din Kuya!ako lang ba talaga kinikuya niya?nakakabanas ah!

"Apat na piraso yung isang stick,sampung piso pagisang stick iha"sabi ni Manong,tinignan ko yung barya ko,aba ayos!sakto lang,trenta pesos nalang pera ko.Buti na lang malapit lang yung bahay sa school,hindi na kailangang mamasahe pa.

"Manong pabili po trenta pesos"sabi ko Kay manong

"Dito niyo po ba kakainin?O iplastic nalang"tanong ni Manong,anong 'Dito niyo po ba kakainin?'eh para sakanya lang naman lahat yan eh

"Dito ko nalang po kakainin manong,pero penge po plastic cup para sa suka"hay nako,ang takaw talaga nito, baka pati yung plastic cup lamunin din niya

Kinuha na niya yung kwek-kwek na nasa plastic cup na may suka tapos sinimulan ng kumain.Sinimulan na rin naming maglakad pauwi

"Kuya gusto mo?"buti naman naisipan niyang yayain ako kumain,pera ko kaya yung pinangbili jan.Kanina pa'ko takam na takam sa kwek kwek niya, 'yung pagkain huh?Baka ibang kwek kwek na sa isip niyo

"Sige,pasubo nalang aahh"sabay bukas ko ng bibig ko

"Ano bayan Kuya,ano ka?baby?Pabebe 'to,kumuha ka kasi dapat ng pantusok mo"Sungit!Pera ko Kaya pinambili jan, dapat nga nasa loob na ng alkansya ko 'yung trenta pesos ko eh

"Hindi na,sige lang kain ka lang jan,itutubig ko na lang tong gutom ko.Makita lang kitang busog,okay na'ko"Tapos nginitian ko lang siya,inirapan niya na muna ako tapos tinuloy niya lang yung pagkain niya,nilabas ko yung tubig ko sa bag at uminom,nakalahati ko 'yung tubig, mainit kasi at pagod na rin akong maglakad

"A-ck aack tu--big K-uya!"Napalingon ako kay Kit, napahawak siya sa dibdib niya habang nakapikit.

Mabilis niyang hinablot sakin yung tubig ko at ininom,okay?Ininom niya lang yung ininuman ko...Wahhh!Nag indirect kiss kami!Ang bakla lang pakinggan pero kinikilig ako puta!

Kuya Zone [Oneshot]Where stories live. Discover now