Pailalim

187 9 6
                                    

Genre: Mystery
Archetypes: The Dandy | The Outlaw 
Theme: Forbidden Love

* * *

Wala kang makita. Masyadong madilim! Ikinilos mo ang isang kamay, hindi mo maigalaw! Nagsimula ka ng mag-panic.

Tangina! Nasaan ka?

Sumigaw ka nang malakas. Impit na tunog lang ang kumawala. Sinubukan mo ulit. At ulit. At ulit. Hanggang sa may narinig kang kaluskos. Natigilan ka.

Minura mo ang sarili sa pag-iingay. Sana hindi ka na lang umimik! Tanga-tanga!

Kumabog nang husto ang dibdib mo nang papalapit na nang papalapit ang yapak. Sunod-sunod ang naging paghinga mo. Mabibigat. Pati ang pawis mo sa mukha ay lumapot sa kaba.

Natanaw mo sa sulok ang pigura ng isang tao. Mas tumindi ang takot na nararamdaman mo.

Lumapit siya papunta sa'yo. Inatras mo ang sarili ngunit hindi ka gumalaw. Sinubukan mo ulit, mas malakas mong itinulak ang sarili palikod. Gumalaw ka pero hindi sapat.

Humalakhak siya. Nanindig ang mga balahibo mo.

"Nakakaaliw kang pagmasdan."

Napalunok ka sa lalim ng boses niya. Nakita mo ang mata niyang nagniningning nang makalapit siya sayo. Hindi mapatid ang kanyang ngisi samantalang ikaw ay naluluha na.

Lumuhod siya at mariin kang tinitigan. Malabo man ang mata dahil sa namumuong luha, nasulyapan mo ang maganda niyang mukha.

Ngunit ang mga mata nito... hindi normal ang kasiyahan.

Hinaplos niya ang binti mo. Pataas. Ang init ng kanyang malapad na palad ay nanatili sa iyong balat.

"Ang tagal kong nakamasid lang sa'yo." Inalis niya ang hawak sa binti mo saka tumayo. Nanlaki ang mata mo nang bigla siyang umupo sa iyong kandungan.

Parang bibigay na ang binti mo sa bigat niya. Marahan niyang hinaplos ang iyong mukha, animo isa kang porselanang babasagin.

"Nararamdaman mo ba?" Diniin niya ang sarili sa'yo. Impit na sigaw ang lumabas nang ikaw ay magprotesta. "Para ka sa akin, alam ko." Bigla niyang dinilaan ang leeg mo.

PUTANGINA!

Humakhak siya bago umalis sa kandungan mo. Nakita niya ang luha sa iyong mukha.

"Umpisa lang ang pagluha mo. Kalaunan ay ngingiti ka rin sa piling ko."

Tinalikuran ka niya. Naiwan kang nandidiri at umiiyak.

***

Nagdiriwang ang loob mo. Nakuha mo na rin ang 'yong pinakamamahal. Ang tagal mo ring naghintay at napag-isa. Sa wakas, may makakasama ka na.

Sa paglabas mo, may batang lalaki ang napatingin sa'yo. May pagtataka sa kanyang mukha. Hindi mo siya inintindi.

Patuloy kang naglakad patungo sa bahay nila. Kalmado ka kahit gusto mong tumakbo patungo roon. Ayaw mo nga lang matuon ang atensyon sa'yo kapag nakita nilang pawis na pawis ka. Kailan ka ba nakisama sa maraming tao? Kung hindi mo lang siya mahal, malamang, wala ka ring pakialam.

Napangisi ka nang malasahan ang balat niya sa dila mo. Maalat pero may konting tamis. Pumailanlang sa alaala mo ang panahong pinagmamasdan mo lang siya, noong hinahangaan mo siya sa malayo. Ngayon, nasa iyo na.

"Nasaan man siya ngayon, Nay, alam kong masaya siya." Nakita mong umiyak ang babae sa harap ng lahat. Maraming sumunod sa kanyang pagluha maliban sa'yo. Ah, bakit ka nga naman maaantig sa sinasabi ng babaeng mahal niya?

"Naalala ko..."

May lumabas na ngiti sa babae at nainis ka sa ngiting 'yon. Naalaala mo ang ilang beses na paghalik niya sa babae tuwing ngumingiti ito.

"...nung pinakilala ko siya kay Mama. Tapos sabi ng nanay ko mas maganda pa siya sa'kin." Tumawa ito nang mahina. "Kilala po natin 'yun, maarte sa katawan at laging ginagawang runway ang daan." Nagtawanan lahat pwera sa'yo. Napansin ka tuloy ng nanay niya. Nagkatinginan kayo. Nginitian ka niya. Hindi mo kayang ngumiti kaya tumango ka na lang.

"Mamimiss ko siya. Sobra." Parang pagbuhos ng tubig sa talon ang pagluha ng babae. Iniwas mo ang iyong tingin. Ayaw mong maawa, hindi ngayon. Sapat na ang oras nila, ikaw naman.

Bago ka makaalis ay nilapitan ka ng nanay niya. Hindi mo maintindihan kung bakit ka nito pinapansin. Alam ba nito? Imposible. Walang nakakaalam kung saan kayo nakatago hindi ba? Sinigurado mo 'yun.

"Salamat at nakapunta ka," sabi nito na may haplos pa sa braso mo.

"Walang anuman."

"Magkaibigan pala kayo ng anak ko?"

Umiling ka. "Hindi po. Pero kilala ko siya."

"Ah... paalis ka na ba? May hinanda kaming pagkain. Baka gusto mon—"

"Hindi na po. May gagawin pa ako."

"Ganun ba? Saan ka na ba umuuwi?"

Nangunot ang noo mo sa tanong niya.

"Sa bahay."

"Bahay? 'Di ba sa inyo 'yung nasunog na bahay dati?"

Ah, kilala ka niya dahil don.

Pero hindi niya rin alam ang ginawa mo noon.

Ngumiti ka. Yumuko at nagpaalam nang hindi mo sinagot ang tanong niya.

Pagdating mo sa inyong bahay nandoon pa rin ang batang lalaki. Nagkatinginan kayo.

"San ka galing, kuya?"

"Sa ilalim."

Nakita mo na naman ang mata niyang naguguluhan. Naisip mong pwede mo siyang isama.

"Gusto mong makita?" Ngiting-ngiti siyang tumango at sumunod sa'yo. Tinahak niyo ang daan papuntang ilalim. Kung saan nakatira ang nanay at tatay mo. At kung saan naghihintay siya sa'yo.

Catharsis III: Unveiling of the Last Man StandingWhere stories live. Discover now