22. What's this Feeling?

2K 106 135
                                    

Chapter TWENTY-TWO

[Francine]

I kept on looking at my wall clock. Anong petsa na, wala parin si Ezra. May balak pa bang pumasok yun? Wag mo sabihing ako nanaman ang sasalo ng mga trabaho niya ngayon!

I decided to go to her house.

Bigla nalang siyang nawala noong isang araw, without a trace. Nag-aalala ako, hindi kaya na-kidnap na yun ng mga kaaway ng Marcos!? Naman kasi eh, kekerengkeng nalang sa sikat pa! Baka naman sinalvage na yun ng mga fans ni Sandro! Ang sakit niya sa ulo!!!!

I rode a taxi and reached her house after 40 minutes of travel including traffic.

I rang the door bell, but she's not responding.

Wala din akong nakikitang movements sa loob.Don't tell me hindi pa yun nakakauwi?? Ano na bang nangyayari don!!

Nagawi ang mata ko sa katabing mansion. Somebody's watering the palnts kaya minabuti kong doon nalang magtanong.

I saw a chubby guy holding a hose."pssssst!" I called for his attention. Lumingon naman siya agad.

"totoy, hardinero ka ba ng mga Marcos??"
He smirked.

"no, I'm..."

"okay sige it doesn't matter, kilala mo ba yung may-ari ng bahay sa tabi niyo??" I asked.

"ito??" he said while pointing at Ezra's house.

"ikaw kung may nakikita ka pang ibang bahay sa tabi nyo??" I sarcastically said, obvious na nga eh magtatanong pa!
Nakamot niya ang ulo,

"si Ate Ezra ba??" he said

"yon! BINGO! Napansin mo ba kung naka-uwi na siya? Bigla kasi siyang nawala nong isang araw at hindi ko pa siya nakaka-usap until now. Alam mo ba kung nasan siya?" I said.



"I can't tell you where she is, but she's with my kuya" he said.

"ah... eh nasan kuya mo??" I asked.

"nasa Barrio Masugid" he said.

Laftrip to ah! He can't tell me where she is pala ha!?

"ah... so nasa Barrio Masugid din si Ezra??"
Kumunot ang noo niya.

"how did you know??" gulat na gulat niyang tanong!
Ewan ko sayo totoy! Sakit mo sa bangs!



"sige ha? Thanks!" I said. I was about to turn my back nang isang malakas at mahabang busina ang nakapagpa-atras at magpabagsak saakin.

I almost got hit by a car! Ilang inches nalang nasa langit na ako!

"MARUNONG KA BANG MAG-DRIVE GAGO!!!!" Hindi ko napigilang mapasigaw nang maalis ang pagkagulat ko sabay ng isang malakas na sipa sa gulong niyang nasa harapan ko.
The window slowly rolled down.



"Simon!" I heard the gardener shouted.
Si?? mon??

Nag-angat ako ng tingin.



"sorry. Paharang-harang ka kasi sa daan eh" I saw the guy on the driver's seat.
My eyes grew wide.

I can't hide my shock.

Maya maya, bumaba siya ng sasakyan, and before I knew it, nasa harapan ko na siya. He offered his hand to me to help me stand. Hindi na ako nag-atubiling tanggapin iyon.

SWITCH (Sandro Marcos Fanfiction)- COMPLETEDWhere stories live. Discover now