Chapter 7 (Finale)

1.4K 54 21
                                    

"Holy cow. What have you done guys?"

Hindi pa rin makapaniwala si Anne sa nakita. Pagsilip nya kasi sa butas kung saan nangagaling yung amoy ng perfume ni Vhong, sumulpot doon ang nakangiting muka ng taong mahal nya. Halos maiyak na sya sa sobrang saya ng makita nya ang taong laman ng isip nya noong nakalipas na 5 taon. Ang taong hinintay ng puso nya. Ang taong sumalo sa kanya noong alam nyang hindi na nya kaya.

Her tears are falling. Lumabas si Vhong sa kahon at niyakap sya. She can't believe na nasa harap na nya ang taong mahal nya. Araw-araw, hinihiling nya na dumating na si Vhong. Sobrang gandang regalo ni Vhong sa buhay nya.

"A-are you real? Is this reality? Am I just dreaming? Guys naman. Please wag nyo na akong gisingin." Anne heard sobs. Everyone in the room is crying. Crying because of happiness.

"Totoo ako Anne. Nandito na ko." Vhong said and held her hands. Anne closed her eyes.

"No. Hindi ako naniniwala. Sampalin mo ko." Hinintay nyang may dumapong sampal sa muka nya. But she was wrong. Hindi kamay ang dumapo. Vhong kissed her. Pagdilat nya, nagpalakpakan lahat ng nasa lounge habang sya, tulala pa rin dahil sa di pa rin makapaniwala.

Nang marealize nyang totoo na nandun na si Vhong. Napatili sya at yumakap kay Vhong.

"Aaaaaaaaah!!!!!! Thank you!!!! I love you!!!" Sabi nya habang yakap pa rin si Vhong. Naggroup hug sila habang umiiyak pa rin.

~~

"Yes! May napagraduate na naman tayo sa Torpe University!! Sa wakas!!!" Sabi ni Teddy at itinaas ang mga kamay.

"Hindi nalang ViceRylle ang totoo, pati VhongAnne na!! Yehey!!" Dagdag pa ni Jugs.

Magkakatabi ang loveteams ng Showtime. VhongAnne-ViceRylle. Sweet moments ng ViceRylle habang ang VhongAnne naman, medyo nagkakahiyaan pa.

"Kumusta ka na Anne? May boyfriend na ba?" Tanong ni Vhong.

"Wala noh! Sasabihin ko bang mahal kita kung.. Ay!" Sabi ni Anne at tinakpan ang bibig. Lihim na napangiti si Vhong sa narinig.

"Guys! Excuse muna kami ha. Kausapin ko lang si Anne." Sabi ni Vhong at hinila si Anne palabas papuntang rooftop.

Pagdating nila doon, humanap sila ng spot na mauupuan. Nagdala din sila ng Coke in can. Sa simula, walang may gustong magsalita. Kinuha ni Anne ang phone nya at pinlay yung recording ni Vhong.

Sa simula nagulat si Vhong. Pero hinayaan nya lang na magplay yung recording. Tiningnan nya si Anne. Nililipad ng hangin ang buhok nito. Napangiti sya. Nakita nya kasi yung suot ni Anne. Medyo maiksi yung dress na yun kaya nagshort si Anne. Bumagay naman kay Anne. Si Anne yan e.

"Ang bait ni Santa." Panimula ni Vhong. Nalilito namang tumingin si Anne dito.

"Huh? Bakit?" Alam na ni Anne na pick up line ni Vhong yun. Ganun naman lagi, alam na nya kung ano at kelan babanat si Vhong ng ganun.

"Kasi binigay nya sakin si Frosty the SnowAnne." Pareho silang nag-iwas ng tingin. Pareho silang naawkward.

"Nakakamiss pala noh? Nakakamiss ang VhongAnne. Kumusta na kaya yung mga fans natin? Hopia pa rin kaya sila?" Tanong ni Vhong. Tiningnan naman sya ni Anne. Nagngitian sila.

"Miss na miss na nila tayo. Syempre hopia sila. Nawala kasi yung 'Vhong' sa 'Anne'. Naiwan lang yung 'Anne'." Sad tone na sabi ni Anne. Nakatingin ito sa malayo. Si Vhong naman yung tumingin dito.

"Namiss naman nung 'Vhong' si 'Anne'. Sobra." Sabi ni Vhong na nagpaawkward uli ng sitwasyon. Anne chuckled. Napatingin si Vhong kay Anne.

Nilabas nya yung picture ni Anne sa wallet nya, "Akala mo ikaw lang. Meron din kaya akong alaala mo." Nagulat si Anne sa nakita. Pero napangiti na din.

That should be HIM *VhongAnne*Where stories live. Discover now