CREAM O

1K 52 19
                                    

Cody's POV


"Hon, saan ka galing? Sabi nila sa office niyo hindi ka daw pumasok kahapon." Si Shania agad ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa office namin.

Napatigin ako sa aking wrist watch, 8:34am, ang aga pa lang andito na siya sa office.

Ano bang sadya niya dito ng ganito kaaga?

First time, kasi kadalasan tulog pa siya sa mga oras na to dahil puyat sa kagigimik.

"Ano kasi... uhm.. masakit ang katawan ko. Para akong lalagnatin kahapon." Pagdadahilan ko.

"Ha? Bakit hindi mo ako tinawagan?." Nag-aalalang sabi niya tapos lumapit sa akin at hinipo ang noo ko. "Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?"

"A-ayos na a-ako."

Ang hirap namang magsinungaling.

"A oo nga pala. Ipinapasabi ni daddy na sa bahay na daw tayo magdinner bukas ng gabi."

Patay! Kukulitin na naman ako na pakasalan ang anak nila.

"Sige."

Pumayag ako agad pero ang utak ko nag-iisip na nang pwedeng idahilan para hindi makadalo bukas.

Shania is not stupid, kaya alam kong nahahalata na niya ang pagbabago sa akin.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Torres' Residence

Sa kasamaang palad hindi ako nakahanap ng lusot para hindi makaattend sa dinner na to. At kahit siguro makahanap ako ng dahilan baka magmaktol lang si Shania.

Kaya ngayon, para akong naiinterogate.

"Ayaw mo bang ipagpatuloy ang studies mo abroad?" Tanong ni Mr. Torres habang kumakain kami sa parihabang dining table.

"Hindi na po siguro. May mas mga importanteng bagay po na kailangan kong pagtuunan ng pansin." sagot ko. Pero sa katunayan, ayaw ko nang magkaroon pa ng mas maraming utang na loob sa kanila. Lalo pa ngayon na may balak na akong hiwalayan ang anak nila.

"Siguro naman kasali sa mga importanteng bagay na yan ang pagpapakasal niyo ni Shania." seryosong sabi ng daddy niya.

Napalunok ako sa sinabi ng matandang Torres. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kasal na naman ang usapan.

"Ah, opo. Konti na lang po at pwede na." sagot ko.

"Aba'y bilisan mo kasi hindi na kami bumabata, gusto na naming magkaapo."

"Dad, wag niyo namang masyadong ipressure si Cody." Sabi ni Shane pero I know naman e na pati siya atat na atat na. Baka nga pakana niya ang dinner na ito para macorner ako ng mga magulang niya.

"Ilang taon ka na ba?"

"34 po."

"And Shania is 28, it's about time you get married."

"Opo." Sabi ko na lang. "It's about time I get married.."



...but not to your daughter..

- - - - - - -

After that dreadful dinner, I asked Shane na maglakad lakad muna sa park before kami umuwi.


"Hon, bat ang tahimik mo?"


"May iniisip lang ako." -sagot ko.


"Ano naman yun?"

Back in Time [Completed]Where stories live. Discover now