Ang Susi

46 1 12
                                    


                            Ang bawat tao ay may kapareha, mayroon nang taong nakatakda para satin simula palang nang maisilang tayo dito sa mundong ito. Ang isang tao'y hinahanap ang kabiyak nang kanyang puso, ang magpupuno sa kaniya , ang magbubuo sakanya at ang magmamahal sakanya nang lubusan. Nasaakin ang Pad lock ngunit nakanino ang susi? Ang susi ng aking puso?

Isang umaga nananaman ang sumibol, isang panibagong araw upang humanap nang rason upang mabuhay at isang panibagong araw nananaman upang aking makakasama ang nakakainis kong kaibigan—ay hindi ko siya kaibigan—ahh basta sabay lang kaming lumaki, magkakilala lang kami! Hindi ko siya kaibigan!

"Psst! Tan Tan!" tawag saakin ng isang lalaking ayaw ko nang makita, naku naman bakit ba ayaw niya akong lubayan!

Lumingon ako sakanya at tiningnan ko siya ng masama "Ano ba Jace! Thana! Thana yung pangalan ko pwede ba!" Naaasar kong sambit sakanya saka pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko ng libro.

Tumabi ito sa akin at saka niya ako inakbayan "ito naman, ang aga aga ang sungit na bahala ka tatanda kang dalaga" pang iinis niya saakin

Padabog kong inalis ang pagkakaakbay niya saakin at saka ko siya tinarayan "Masungit ba! Masungit ba kamo?! Wag kang mag pakita sakin at sige nakangiti ako buong araw at saka mas gugustuhin ko nang maging matandang dalaga kaysa makasama ang isang katulad mong nakakairitang bakla! Shooopi!" Pang iirap ko sakanya sabay alis sa library at iniwan kong mag isa si jace doon, bahala siya sa buhay niya.


Uwian na at sinalubong ako ng aking pinsan na si Cleo at—ugh! Kasama niya ang kanyang ka M.U.

"Thanie! Tara labas tayo, kain tayo sa Starbucks, double-date tayo, sama mo na si Jace" sabi nito habang nakadikit ito na parang tuko sa ka M.U niyang si Neo

Napakunot ang aking nuo "at bakit ko naman isasama ang lalaking iyon?" Tanong ko

"uhh—'di ba boyfriend mo iyon?" Sabi ni Cleo na may halong pang iinis sa kanyang pananalita

"Cleo, nakikita mo 'to ha?! Nakikita mo ba ito?!" Tanong ko sakanya sabay pakita ang naka kamao kong kamay

Tumawa ng mahinhin si Cleo "Ito naman 'insan di mabiro" saad nito

Nang biglang may kung ano nalang ang nalaglag sa itaas ng puno.

"Aba, ba't nga hindi tayo mag date Thana?, Ano Cleo tara na?" Biglang sabat nitong Jace na ito at sabay – sabay niya kaming hinila palabas ng Campus, ayy—ang ibig ko palang sabihin ay sabay hila "saakin" palabas ng campus kasi etong pinsan ko ehh payag namang kasama itong panget na lalaking ito.


Ilang minutong biyahe at nakarating na kami sa Starbuck, Si Jace na ang nag order sa counter at dahil sa walang masyadong tao ngayon dito ehh agad rin naming nakuha ang order naming at nag kuwentuhan kaming apat. Lumalalim na ang aming pag-uusap at napansin kong tila marupok na ang relasyon nila Cleo an Neo, lagi nalang silang nag gigitgitan sa tuwing kami'y may pag-uusapan tila mayroon silang ibang pananaw sa mga bagay bagay at hindi nila matangap ang mga ito.

"Ano ba! Bakit nabaling ito saakin ha?! Hindi ba't ikaw itong unang nanloko?!" Panunubat ni Cleo

"Aba, At anong gusto mong palabasin ngayon ha? Na ako ang masama? Na nambabababae ako?! Cleo ilang beses ko nang gusting tuldukan ang relasyong ito! Ni wala nga dapat akong tapusin sapagkat simula palang ay wala nang tayo! Hindi kita kasintahan at ganoon din sayo! Ngunit ayaw kitang saktan, pinilit ko! Sinubukan kong mahalin kang muli ngunit ang puso ko'y tumitibok sa ibang babae!" Pag papaliwanag ni Neo

"huh!, ganoon ba?!" panimula ni Cleo "babae! Ito ba yung batang babaeng pinangakuan mo? Eto ba yung batang babaeng nakalaro mo DATI? Ito ba yung batang babaeng pinangakuan mo ng iyong puso? Ito ba ang batang babaeng kalian mo lang naalala! ANG BABAENG NI HINDI MO ALAM KUNG ANO ANG PANGALAN!, ANG BATANG BABAENG HINDI MO MATANDAAN ANG PAGMUMUKHA! ANG DATI! ANG NAKARAAN!" Sigaw nito kay Neo, ang attention ng mga tao ay nabaling saamin, pabulong akong humihingi ng tawad sa mga taong nandito ngayon at salamat ay hindi na sila ganoon nag usisa at bumalik na sila sa kani-kanilang gawain.

Kinuha ni Cleo ang kaniyang bag at bago siya umalis ay may sinabi siya saakin " Nasaiyo parin ba? Ang kuwintas na may padlock?" tanong nito saakin

Tango ang aking isinagot

"Itapon mo na, wag ka nang manirahan sa nakaraan wag mong gayahin ang 'ISANG TAO DIYAN!'" pag paparinig nito sabay alis sa Starbucks.

Sinubukan kong habulin si Cleo pero hindi ko na siya naabutan, grabe! Ang bilis niya namang mag lakad, ano siya si Flash?

Bumuntong hininga ako at naglakad lakad nalang, grabe ganito ka stress pala kapag pumasok ka sa isang relasyon,

Napunta ako sa park, ayy oo nga pala eto yung park na laging kong pinupuntahan noong bata pa ako—teka bakit nga pala ako napunta dito? Ayy—oo nga pala naglakad lakad pala ako na parang ewan kanina.

Umupo ako sa swing at nag paduyan-duyan doon at bigla kong naalala...

"Ang Padlock ay may Susi" Sabay sabay naming sabing tatlo—tatlo? Oo tatlo, andito pala sina Neo at Jace; Hinid ko namalayang sinundan pala nila ako.

Napatingin ako sakanilang dalawa at naalala ko ang nakaraan, may pinangakuan akong batang lalaki—teka si Neo ba iyun?

"Neo! Nasaakin ang padlock ng iyong susi" pahayag ko sakanya ngunit bumali nananaman si Jace

"Ngunit nasaakin ang susi sa iyong Padlock Thana" saad nito

Naguguluhan ako ano na ang nangyayari, hindi ko na maintindihan. Pinakita nila sakin ang susi at halos magkamukha sila, iba lang ang disenyo ng dulo ng susi na kanilang hawak. May pinangakuan ako sakanila, oo isa sakanila ang matagal ko nang hinahanap ngunit tama ba ang aking maging disesyon na mahalin ang kung sinumang pinangakuan ko noon?

Ngunit paano kung ang dalawang susi ay ang susi para sa Padlock ko? Paano kung ang dalawang susing ito ay nakapag bukas sa padlock ko? Sino ang aking pipiliin?

Si Jace na aking kababata at matagal nang nariyan para saakin, ako'y kaniyang kilalang kilala at napapatawa sa tuwing ako'y malungkot; madalas man niya akong asarin, hindi ko ikakailang masarap siya kasama o si Neo na kilala ko mula noong kami ay nasa ika-anim na baiting na nariyan para saakin upang ako'y tulungan at gabayan; nagpapagaan ng araw ko sa tuwing ako'y nagkakaroon ng problema... sino? Sino sakanila ang dapat kong piliin?

"Ilabas mo ang Padlock Thana upang magkaalaman na, Iisa lang ang may hawak ng susi ng padlock na iyan, isa lang saamin" sabi ni Jace habang nakangiti

Papalapit silang dalawa, naghahalong emosyon ang aking nararamdaman ngayon, magkahalong kaba at galak ngunit sino nga ba? Hindi ko alam—Biglang nagdilim ang aking paligid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Susi (O N E S H O T)Where stories live. Discover now