Chapter Six
ABALA siya sa nalalapit na fashion gala ng RJS, she is already mixing and matching the new outfits and none of them seems so right. Pakiramdam niya ay naaasar lang siya at sa tingin niya ay hindi niya ito magawa ng tama. If only Belle was here pero wala ito, she is on leave dahil sa maselan ang pagbubuntis nito.
Claude successfully woed her bestfriend's heart and she on the other hand successfully escaped from Belle's brother's presence. Nagawa niyang umiwas dito and mahirap lang gawin ay ang alisin ito sa sistema niya at ang nararamdaman niya sa binata. It's getting worser and worser, kung may mas malalama pa sa mga salitang iyan ay iyon na.
Why is she so irritated? Dahil siguro may nabasa na naman siya sa newspaper, may nakita na naman siyang kasama ang lalaking iyon. If only he can settle with one woman and marry her baka matanggap na ng puso niya na kailangan niyang sumuko. Pero hindi eh, iba-iba ang nafefeature sa newspaper na mga babae.
Newspaper at hindi tabloid, those women weren't just mere typical women. Ang mga babaeng nakakasama nito ay pawang magaganda at kilala sa lipunan, some of them handles businesses, some of them were daughters or granddaughters of businessmen. Kaya nga nagtataka siya kung ano ba talaga ang gusto ni Jaxon sa mga babae at hindi nito magawang magsettle sa isa. No steady girlfriend and after their date months ago hindi na uli ito nagtangkang lumapit sa kanya which hurts and stings a bit.
Hindi na uli ito nakipag-usap sa kanya, kung iniiwasan niya ito mas lalo siya nitong iniwan. Ayaw niyang mainis pero iyon ang nararamdaman niya, how can see stop feeling like this?
Nasa kalagitnaan siya ng kanyang malalim na iniisip ng magring ang kanyang cellphone. Wala siyang balak sagutin iyon pero panay ang ring at walang nakasulat na name sa caller ID. Dahil naiinis na siya sa ingay ay inis na sinagot niya iyon.
"Hello?" sagot niya pero hindi inalis ang mga mata mula sa mga telang hawak niya. "Yes, this is Ashley." Iritadong sagot niya sa tumatawag sa kanya. Anuman ang nasa isip niya ay biglang naglaho ng marinig ang sinabi ng kausap niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at biglang namuo ang luha sa kanyang mga mata. Para bang nahihirapan na siyang huminga at nanlulumong tumayo. Nabitiwan niya ang hawak niyang tela at natulos lang na parang kawayan sa gitna doon.
"Ash." She heard Belle's voice. "Ash, are you okay?" bigla itong nag-aalala ng makita siya. tiningnan niya ito, her bestfriend is heavily pregnant. Lumapit ito sa kanya at siya naman ay agad na yumakap sa kaibigan habang umiiyak. "Ash, ano ba huwag ka namang ganyan. Please stop crying kinakabahan ako sa iyo eh." Belle's voice is cracking like she is about to cry too. She wanted to stop she really does pero paano?
"Belle..." she is sobbing when she felt like she can't bear it anymore. Ang tagal niyang hinanap ang mga taong iyon, ang dami niyang gustong sabihin sa kanila pero mababalitaan nalang pala niya na hindi na niya makikita pa ang mga... all her pains and her thoughts were faded as the black hole tried to engulfed her senses and she laid her soul to somewhere she wish it couldn't be retrieved.
Pagkagising niya ay sobrang sakit ng ulo niya, wala siya sa kanyang condo unit at nasa hindi pamilyar na silid siya. She tried to remember what had happen before she got there. Oh, may tumawag sa kanya iyong detective na inihire niya para hanapin ang kanyang mga magulang. Then he told her that her parents were dead—so long dead.
Nag-init na naman ang kanyang mga mata ng biglang bumukas ang pinto at isang galit na galit na Jaxon ang nabungaran niya, nakaramdam siya ng takot sa reaksyon nito. He is really mad kaya siguro umurong ang luha niya.
BINABASA MO ANG
Royale Series 2: BE MY FOREVER (COMPLETED)
Short StoryPaalala: Contains matured scenes and not suitable for children below 18, be a responsible reader. Teaser: Isa lang ang gusto ni Ashley at iyon ay makasama ang best friend niyang si Belle. Pero mapaglaro ang tadhana dahil kinailangan nitong umuwi par...