[HunHan]

3.4K 136 54
  • Dedicated kay All HunHan Shippers
                                    

Parang maraming HunHan shippers kaya eto na ginawan ko na po huehue. Isipin niyo na lang na ang Brat na si Sehun ay magandang dilag dito. :D hoho Advance Merry Christmas!

COMMENT COMMENT COMMENT.

[ kindly play the music on the multimedia section. patuloy niyo lng ung kanta hanggang sa matapos niyo tong basahin ]

--

It's Christmas again. Paskong nagdaan nanaman na wala ka. Hindi ko nanaman nakita ang presensya mo

Pinatugtog ko ang radyo at muling umupo sa rocking chair. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang parol na nakasabit sa bintana. Ito ang parol na ginawa naming dalawa nung nandito siya nung isang Pasko. Naalala ko kung gaano kami kasaya habang ginagawa ang parol na iyan. Isa yan sa mga iniingatan kong gamit dahil napaka-importante niyan para sakin. 

Umihip ang malakas na hangin at ibinalot ko lalo ang bandanang suot ko. Halos mag-aapat taon na nung huli ko siyang makita. Miss na miss ko na siya. Kung bakit ba kasi kailangan pa niyang lumisan para lang sa trabaho. Wala akong ni katiting na alam tungkol sa mga nangyayari sa kanya. Para bang nawala na lang siya ng parang bula?

Out of coverage area lagi yung cellphone niya kapag tinatawagan ko. Ginawa ko na lahat ng pwedeng maging way para lang macontact siya pero wala pa rin. Nag-aalala na ako sa kanya pero biglang may dumating na liham na galing sa kanya.

Napangiti ako nung mahawakan ko ang liham niya para sakin na naglalaman ng hintayin ko daw siya. Na mahal na mahal niya daw ako at wag niya daw akong ipapagpalit sa iba. Na hihintayin ko daw siya kahit anong mangyari.

Yun nga ang ginawa ko at naghihintay parin ako hanggang ngayon sa pag-uwi niya. Na tuwing Pasko ay sabik na sabik akong baka umuwi na siya. Ganun naman lagi eh. Tuwing Pasko siya umuuwi pero sa apat na Pasko na nagdaan ay walang ni anino niya ang nagpakita.

Nagbabakasakali ako ngayong Pasko... ngayong araw ng Pasko... uuwi siya rito at kakain kami ng sabay. Na madadagdagan ng tao dito sa bahay, Hindi puro ako lang. Hindi yung lagi na lang akong mag-isa nagdidiwang ng Pasko.

Minsan nga naisip kong wag na lang magdiwang ng Pasko dahil wala naman yung mahal ko sa buhay. Sawa na rin kasi akong mag-isang nagdidiwang ng Pasko. Na mag-isa akong kumakain sa hapagkainan. Na lagi na lang ako mag-isa.

Kung pwede lang sana sumama sa kanya sa trabaho eh ginawa ko na kaso sa kasamaang palad... Hindi na ako makakapaglakad ng maayos. Na parang pabigat na lamang ako kung sasama pa ako sa kanya.

Oo, putol ang aking mga paa at nagpapasalamat ako sa lalaking minahal ako ng tunay kahit may diperensya ako. Siya ang lalaking tinanggap ako kahit pilay man ang mapapangasawa niya. Na hindi ako makalakad sa Altar kasama siya kundi kailangan niya pa akong akayin. Siya yung lalaking walang sawang mahalin ako. Na perpekto daw ako para sa kanya.

Pinunasan ko ang lumandas na luha sa aking pisngi. Nasan ka na ba? Hindi ka pa ba uuwi? Ang sabi mo uuwi ka tuwing Pasko? Nagdaan ang apat na Pasko pero hindi ka pa rin nagpapakita? Kailan ka ba muling magsusulat ng liham para sakin? Miss na miss na kita. Sana minsan naisip mong mag-isa lang ako dito sa bahay natin. Nalulungkot rin ako sa pagiging mag-isa ko.

Tinulak ko ang paa ng aking wheelchair at tumungo sa terrace. Kitang-kita ko ang sigla sa paligid. Mga pamilyang nagsasaya na ngayong Pasko. Mga ilaw na kumikislap. Ang mga maiingay nilang boses na siyang ikinalulungkot ko dahil buti pa sila ay masaya.

Inangat ko ang ulo ko at pinagmasdan ang mga bituing nagniningning ngayon. Naalala ko bigla na sinabi niya sakin na kapag nalulungkot daw ako ay tumingin lang ako sa mga bituin at isipin na nasa tabi ko lang raw siya. Na binabantayan niya daw ako. Na may Luhan daw na nagmamahal sakin at hinding hindi daw ako iiwan.

Pumikit ako. 

Sana dumating yung araw na paggising ko eh nasa tabi na muli kita at makikita ko ang tulog mong mukha. Sana pagbukas ko ng pintuan ng bahay ay nandun ka; nakangiting nakatayo. Sana sana... Sana umuwi ka na sa bahay natin. Namimiss na kita eh. Tinutupad ko pa rin kasi hanggang ngayon na hintayin kita hindi ba? Eto na nga at hinihintay pa rin kita hanggang ngayon kahit apat na taon mo nang sinabi yun. Nagbabaka-sakali akong makikita ko muli ang iyong mukha at ang pagmamahal mo sakin. Hindi naman masamang umasa hindi ba? Ikaw naman ang nagsabing hintayin kita. At dahil nga sa mahal na mahal kita, hihintayin kita kahit pumuti man ang mga buhok ko. Alam kong darating ka. Pinangako mo sakin na hindi mo'ko iiwan diba? Diba?

Ngumiti ako. Alam kong darating ka...

He died.

He died because of his Boss.

He killed him.

And all the letters he had written for her was burned.

While She...

She didn't know anything...

All she do is to hope for someone who would never come back to her.

EXO Otp'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon