Chapter 2

228 7 0
                                    

Annys' POV

Nandito ako ngayon sa bago kong school. Galing akong Seoul, Korea at lumipat lang kami ng pamilya ko dito. Ang totoo nyan ayaw ko talaga lumipat dito sa Pilipinas. Kung tatanungin niyo, I'm a full korean. Magaling lang akong magtagalog dahil yung nanny ko is Pinay and tinuruan nya kong magsalita ng Filipino language. Pumunta kami dito dahil sa stepmom ko dahil sabi nya sa daddy ko na may kailangan lang siyang balikan na importante sa Pilipinas. Mahal ko rin naman ang Pilipinas because of my nanny but hindi yun sapat na rason para iwan ko ang lifestyle ko sa Korea. Paano na ang studies ko? Kailangan ko pa mag-adjust sa new environment na to. Higit sa lahat paano na ang mga kaibigan ko? Mamimiss ko sila.


Papunta na ko sa school ko. First day ko ngayon at sa totoo nyan kakaenroll ko lang kahapon. Ughhhh. Dahil diyan naalala ko na naman yung asshole na yun. May nakasagutan kasi ako na male student kahapon sa likod ng school. Ang kapal ng mukha nya awayin ako. Ano siya hari? Naaalala ko pa lang mukha nya nag-iiba na timpla ng sikmura ko. Paano pa kaya pag nakita ko siya? Baka tuluyan na kong sumuka. Ang ayaw ko sa lahat yung mayabang pero ang pinakaayoko sa lahat eh yung nang-aaway ng babae dahil tayo ay dapat na nirerespeto. Siguro bakla yon. Ay tama! Bakla nga siguro yun pero mas asshole yung ugali nya.




Andito na ko sa tapat ng faculty at hinanap ang magiging adviser ko. Si Teacher Jang. Kumatok na ko sa pinto ng faculty.

"Good Morning po. I'm Annys Hong. Hinahanap ko po si Teacher Jang."

"Ay iha. Ikaw ba yung transferee? Nako nandun si Tr. Jang sa may third cubicle sa right."

"Ah okay po. Thank you very much." Pagkatapos kong magpasalamat ay agad kong pinuntahan si Tr. Jang sa directions na sinabi nung isa pang teacher kanina.


Nakita ko ang isang babae. Maikli ang buhok nya at di gaano kaputi. Siya na siguro si Tr. Jang.

"Hi po. Tr. Jang?" Agad naman akong tinignan ng babae at mukhang alam nya na ako yung transferee.

"Oh hello. Ikaw siguro si Annys Hong. Nice to meet you. Ako pala si Tr. Jang and I will be your adviser for the remaining months since two quarters na ang nagdaan before ka nakalipat." Inilahad nya ang kanyang kamay at agad ko naman itong tinanggap.

"Yes po. I'm Annys Hong. Thank you po." Agad kaming umalis ng faculty dahil ipapakilala daw nya ko sa magiging classmates ko.


Nandito na kami sa tapat ng classroom. I'm nervous. Different environment na kasi tong papasukan ko.

"Dito ka muna Annys ah." Tumango na lang ako at pumunta na sya sa loob ng classroom. Sinabi nya sa buong klase na meron silang bagong classmate. Ayan mas lalo tuloy akong kinabahan. Nagbigay naman siya ng go signal sa akin para pumasok ng classroom.

"Good day! I'm Annys Hong. Please take care of me." Nagbow ako pagkatapos, nakasanayan na din kasi sa Korea. Ngumiti ako sa aking mga bagong mga kaklase ngunit isang karumal-dumal na tukmol na asshole na bakla ang aking nakita. Wtf? Why of all people? I mean why? Bakit kaklase ko sya? Dahil sa inis, hindi ko man lang namalayan ang susunod kong nasabi.




"Asshole." Shet. Did I just say that? Halatang nagulat silang lahat even si Tr. Jang. Juskopo Annys Hong. Yan agad ang maiiwan mong first impression.


"What Annys?" Tanong ni Tr. Jang. OMG Annys think of an excuse. Matalino ka malulusutan mo yan.








"Ah. Tr. Jang. Asul po. Asul yung kulay ng walls. Favorite ko ang color blue po kasi." Wow ang ganda talaga. Ang ganda ng excuse ko. Nakita ko naman na nagsmirk yung tukmol. Hay. Asshole talaga.

Sean's POV

"Asshole." Sambit nya at alam kong para sa akin iyon.

"What Annys?" Tinanong siya ni Tr. Jang. Halata namang nagpanic siya dahil doon. Ang cute nya. What. Ano ba yan. Bakit ko nasabi iyon. Tandaan mo Sean you hate girls kaya lahat ng babae para sayo pangit. Cute ka diyan.

"Ah. Tr. Jang. Asul po. Asul yung kulay ng walls. Favorite ko ang color blue po kasi." That's it? Yun na ang excuse nya? Ang lame pero ang cute? Sean yan na naman tayo sa cute word na yan.

"Ah sige. Akala ko you said a bad word. Pero paalalahanan lang kita Annys. Hindi pwede ang mga bad words sa school na ito. Sige maupo ka na dun sa vacant seat." Paalala ni Tr. Jang sa kanya. Palapit na siya sa vacant seat which is sa unahan ko lang naman. Tinignan niya ko ng masama bago siya maupo. Buti na lang hindi nakatingin si Jason kung hindi patay na naman ako sa kadaldalan nito.


Napansin ko na nakipagkilala sa kanya yung katabi niyang babae. Nginitian niya yung seatmate nya. Ang cute ng smile nya. Urghhh. Bakit ko ba laging nasasabi yung word na yun? Cute. Cute. Cute.


Hindi na lang ako nakinig dahil alam ko naman na yung lesson. Nag-advance study yata to.

So far wala namang interesting na nangyari ngayong araw bukod sa bago naming classmate. Half day lang kami ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers kaya hindi na rin kami binigyan ng lunch break. Nagsiuwian na rin ang iba pa naming mga classmates nang lumapit sa aking yung isang babae. I know her by face lagi na lang siyang may inaabot sa akin na hindi ko kailanman tinanggap. Bakit di pa to sumusuko?

"Hi Sean! Nagbake ako ng cookies especially for you. Masarap yan sana magustuhan mo. Promise walang gayuma yan." Nilagpasan ko lang siya. Yun lang naman lagi ang ginagawa ko kapag may lumalapit sa akin at ibibigay nila ang token of affection nila pero lahat sila nireject ko. Wala akong tinanggap maski isa.

Nakalabas na kami ng classroom nang biglang magsalita si Jason.

"Nako Sean. Ewan ko ba sayo. Mukhang masarap naman yung cookies ni Freya. Di mo pa tinanggap." Ito na naman siya. Napakalalaking tao, napakadaldal.

"Kung gusto mo sayo na lang tutal mu---ARAY!!" May bumatok lang naman sakin. Ang sakit non teka sino ba to.

"Hoy! Anong---" Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla na lang may naghagis ng box ng cookies sakin. Buti na lang nasalo ko.

"Made specially for you." Ngiti niyang sabi sakin sabay alis.

"Ano bang problema mo ha?" Buti na lang di pa siya nakakalayo. Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Ikaw at ang ego mo." What the hell? Ano ba talagang problema nito?

"Hindi naman masama tumanggap ng mga bagay lalo na kung yung ibibigay sayo ay pinaghirapan. Nakita mo ba na tinipon nung ate girl yung lakas ng loob niya maibigay lang yan sayo. Kung di mo kayang tanggapin yung feelings nya kasi halata namang may gusto siya sayo eh hayaan mo namang tanggapin yung pinaghirapan niya. Atleast alam niya sa sarili niya na naappreciate mo yung efforts nya para sayo." Mahabang litanya nito sabay alis. Natunganga lang ako dito na nakatingin sa kanya habang papalayo siya sa amin.

"Wow. First time to Sean." Pagbabalik sakin ni Jason sa mundo.

"First time?"

"Oo. First time kang nakinig sa babae ng ganyan na hindi natin teacher. Very rare moment. Lalo na nung para kang tangang nakatunganga diyan." Dahil s ainis ko sa huling sentence na sinabi nya sinapak ko na lang ito. Agad naman itong nasaktan kaya itinaas na lang niya ang kanyang mga kamay na tila ba sinasabing talo na siya.

Tinignan ko ang box of cookies na nasa harap ko. Pansin ko naman yung babae na nagbigay nito sakin ay nasa likod ko lang nanonood. Ano nga ulit name nya? Faye? Pia?

"Sorry. Di ko alam na gagawin niya yun." Nagsalita siya mula sa aking likod.

"Ah okay lang wala kang kasalanan." Tumingala siya sakin na para bang nagulat gayun din si Jason. Si Jason na tuloy ang may very rare moment ngayon na nakatunganga na parang tanga. Kala nya ah.















"Thank you Pia."

Next TimeOnde histórias criam vida. Descubra agora