Chapter 43

788 28 1
                                    


[Leah]

"Peste! Peste talaga!" Naibato ko ang hawak kong pandakot.

Naalala ko na naman kasi si Miguel.

Ang hinayupak na iyon. Matapos naming tulungan, iiwan lang kami ng gano'n gano'n nalang.

"Iyong babae. Iyong Atty. Ashley Lorenzana na bukambibig ng kapatid kong si Lendy. Alam kong siya ang dahilan ng paglayo ni Miguel sa amin."

Napagkamalan daw niyang asawa si Miguel dahil kamukha niya ito.

"Tang*na! Mukhang pera rin ang gago!"

Alam kong sumama lang siya doon sa babae dahil mayaman ito. Kung sabagay dadali naman talaga ang buhay ng hinayupak. Hihilata nalang ito dahil halatang sobrang yaman niyong Ashley na iyon.

"Hindi ako papayag na ganoon nalang, Miguel. Ang lagay eh, ikaw lang ang makikinabang? Hindi pwede iyon." Nagpupuyos talaga sa inis ang damdamin ko.

"Oh, ano'ng nangyayari sa'yo, Leah? Tingnan mo nga iyang mga basura. Nagkalat na. Akala ko ba naglilinis ka?" Puna ng kakarating lang na si Bogart.

"Naalala ko lang si Miguel." Sabi ko sabay walis ulit ng mga basura para itapon sa siga bago umupo sa papag.

"Kaya nga rin ako naririto. Simula ng umalis 'yong tarantadong Miguel na iyon wala na tayong nadelihensya. Ang hirap kasing lumakad ng tayong tatlo lang nina Peter."

Napaisip ako. Ito na siguro ang tamang panahon para makaganti ako kay Miguel.

"Masaya na siguro ang gago doon sa pinuntahan niya. Iyong naikwento ko sa inyo na mayamang babae pumunta dito kasama ang Miguel na iyon? Jackpot siya doon. Kaya nga niya tayo iniwan. Tsaka niloko tayo ng hinayupak. Naalala mo iyong batang sabi niya anak ng katulong? Anak ng babae iyon."

"Put*ng*na! Hindi nga? Sigurado ka ba, Leah?"

"Oo. Kaya nga sila nagkatagpo niyong babae eh. Kasi isinauli ng gago ang bata sa nanay niya."

"Amp*ta! Siguro siya din ang dahilan kung bakit tayo nakulong no? Baka iyong nanay ng bata ang nagpakulong sa atin."

"Malamang. Pinyansahan lang tayo ng gago para hindi natin paghinalaan na siya ang nagsumbong sa atin sa mga pulis."

"Walanghiya! Gaganti ako, Leah! Gaganti tayo! Hindi ako papayag na maisahan ng Miguel na iyon. Papatayin ko siya, Leah. Papatayin ko siya."

Naghuhuramintado na ang uto-utong Bogart na ito. Ang galing ng natahi kong istorya. Malay ko ba kung totoong anak niyong babae ang bata o anak talaga ng katulong. At sigurado rin akong hindi si Miguel ang nagpakulong sa amin. Hindi niya magagawa iyon.

Epektibo naman ang gawa gawa kong kwento dahil nakikita ko ang sobrang galit ni Bogart kay Miguel.

Ito lang ang alam kong paraan para makaganti sa gagong Miguel na iyon. Marapat lang sa kanya na mapatay nina Bogart kagaya ng nangyari kay Anton dahil sa pagliligtas sa kanya.

"Paplanuhin natin ang pagpatay sa gagong iyon, Leah."

"Makakaasa ka sa tulong ko, Bogart." Nakangisi kong sagot.

[Niel]

"Hindi ako makakapayag na ganituhin lang tayo ng Tristan na iyon, Leo!" Sabi ko habang pabalik-balik sa sala ng bahay namin, hawak ang isang basong alak.

"Sinabi ko na naman kasi sa'yo, cous. Mautak ang Ashley na iyon. Who knows? Baka pekeng Tristan lang talaga iyong nagpunta sa board meeting kanina."

Napatigil ako sa paglalakad-lakad at napaisip.

"Isipin mo nga, Niel. Iyong binanggit niya tungkol sa iyo kanina, alam yata ng buong sambayanan. Kahit Janitor at tindera doon sa labas ng L-Holdings, binibiro ka sa pambababae mo. Maaaring alam lang ni Ashley iyon. Alam mo cous, duda talaga ako sa nagpakilalang Tristan kanina."

Bodyguard in DisguiseWhere stories live. Discover now