Chapter 1

206 4 0
                                    

"Hi besprend!!!"
Masiglang bati sakin ni annie ang besprend ko.

"Oh"
sabi ko habang patuloy parin sa paglalakad.

"Ay gravee!ang aga aga bat ganyan ang mukha mo?"

"Baket?ganito naman palagi mukha ko ah?"

KRIIINNNNGGG!!!!!!

"Uy zaf,mauna na ako ah!may long test pa kasi kami eh bye!"
Kumaripas na agad siya ng takbo.

Oh by the way,ang pangalan ko nga pala ay si Zafirah Ravena and im 18 yrs of age, nag aaral sa St.Eclaire University at may dalawang makukulet na kapatid na kambal syempre meron ding magulang pero si papa nalang ang natira saamin namatay kasi si mama nung pinanganak ang kambal masakit man na iniwan kami ni mama pero ayus lang total blessing din naman ang kambal samin yun lang BOW ^_^

Pagkatapos ng klase dumiretso agad ako sa besprend kong may topak at nakikita ko na siya ngayon na may kasama nanamang lalaki tsk! -.-
Pero umalis naman agad ito.

"Wow ang sweet naman ng besprend ko!!thank you sa pagsundo saken!"
Sinimangotan ko lang siya.

"Ewan ko sayo!tara na nga!"
"Kahit kailan talaga napaka ano mo!"
"Ano nanaman?"
"Hay naku Zafirah Ravena,mag boyfriend kana nga!"
Haish!ayan na naman siya!
"Hay naku Annie Dela cruz bat kaya palagi mo nalang pinapakealaman ang lablayp ko?!"
"Hehe besprend ang akin lang naman eh..tumatanda kana!sayang ang beauty mo kung wala kanamang boyprend!"
Sabay kain niya ng chocolates.
"Psh!di pako ready noh!"
"Hahaha meganon talaga??"
"Teka sino pala yung lalaking nagbigay sayo ng chocolate kanina?"
"Ay oo nga pala zaf oh bigay mo sa kambal"
Sabay abot niya ng isang box na chocolate.
"Ah salamat.."
"Si Rikki Cruz yung nakita mo kanina at siya yung bagong bf ko"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Huwaat?!diba kahapon lang kayo nagbreak ni leo??!"
Ngumiti nanaman siya na parang sira.
"Well..sorry nalang siya dahil nakahanap na ako ng mas gwapo pa sakanya!"

Wala na sirang sira na ang utak ng besprend ko -.-

"Hmmp!bahala ka nga!"

(Sa Bahay)

"Magandang gabi"
Sabi ko at inilapag ang mga pinamili ko sa lamesa.
"Uy ate sungit ikaw pala!"
Sabi ni vince ang pinaka makulet sa kambal.
"Asan si papa?"
"Mabuti naman at dumating kana,ginabi ka yata?"
Sabi naman ni prince ang pinaka suplado at matured ang utak sa aming tatlo pakiramdam ko tuloy parang ako pa yung bunso sakanila eh!
"Sorry PO ah!kasi PO bumili pa PO ako ng makakain natin bukas!"
"Warever!" Sabi niya habang nagbabasa parin ng libro.
Haish!na hahighblood ako sa kambal na to!
Pinuntahan ko na agad si papa sa kwarto niya baka kasi inuobo nanaman siya.
"Pa.." Sabay bukas ko ng pinto
"Anak*cough*mabuti naman at dumating kana"
Naawa talaga ako kay papa kapag nakikita ko siyang nahihirapan sa pag ubo niya.
"Pa nabili ko na po pala yung gamot na sinabi ng doktor"
"Salamat anak ah.." Sabi niya habang naluluha pa.
"Haish papa!nag eemote nanaman po kayo eh"
"Hehehe proud lang naman ako sayo anak eh"
"Hehe bakit naman po?"
"Eh kasi nakakaya mo parin kahit na wala na si mama mo..tapos may sakit pa ako ngayon..at higit sa lahat kahit na makukulet yung kambal inaalagaan mo parin sila"
"Papa naman..syempre labs ko kayo kaya tama na yang kaka acting mo ah hehe"

Maya-maya may biglang bumukas ng pintuan.

"Pa,ate kain na po tayo nagugutom na po kasi kami ni prince eh"
Kahit kailan talaga napaka takaw nito!
"Oo na!uy vince diba sabi ko sayo kuya ang itawag mo kay prince"
"Eh ate sabay naman kaming inilabas sa tiyan ni mama eh" sabay kamot niya ng ulo niya.
"Kahit na!mas nauna parin siyang lumabas kesa sayo noh!"
Tinignan niya nanaman ako ng masama.
"Oh tama na yan kumain na tayo...shanga pala zaf yung parati kong pinapaalala sayo ha..wag ka munang magka boyfriend anak ha.."
Si papa talaga -_-!

"Syempre naman po!"

-----------------

A Deal In LoveWhere stories live. Discover now