1 | the outside

66 4 26
                                    

Sa isang madilim na bilangguan, kung saan ang sinag lamang ng araw ang tangi naming liwanag. Mga ingay at iyak ng mga bata ang maririnig mo sa bawat selda. Sila 'yung mga pinabili at iniwan ng kanilang magulang para lamang sa makasarili nilang kagustuhan, ang pera. At isa na ako sa mga batang iniwan. Tanda ko pa din ang araw na iniwan niya ako dito.

Nakita ko na naman ang nakakadena kong paa at leeg. "Kailan kaya ako mabibili?" sabi ng isang babae. Naka-upo siya sa sulok ng selda at nakayakap sa paa niya. Pinagmasdan ko ang batang nagsalita at kung titingnan ang itsura niya ay mukhang matanda na ito at matagal nang nakakulong sa selda. Bakas sa damit niya ang dumi at may halong dugo. Madumi din ang mukha nito at magulo ang buhok.

Bibilhin. Yan lamang ang tanging paraan namin para makalayas sa madilim na lugar na 'to. May ginagawang subasta at doon kami pinagbibili bilang alipin sa kung sino man ang magbayad sa amin ng malaki.

Narinig ko ang pagkuliling ng mga susi. At dahil sa tunog na 'yun, lahat ng bata sa selda ay nabuhayan. Lahat kami ay pumunta sa harapan ng aming selda para abangan kung sino ang susunod na ipagbibili. Mas lalong naging maingay ang bilangguan salungat sa mukha ng lalaking papalapit na nakangiti ng masama. Siya ang nagbabantay ng bilangguan at isang rason lamang ang dahilan kung bakit siya nagpunta dito, 'yun ay kukuha siya ng mga batang ipapabili niya sa subasta.

"Dito! Dito!" sigaw ng mga bata sa kabilang selda.

"Kami naman!" sigaw naman ng ibang bata.

Nakita kong papalapit ang lalaki sa selda namin at mukhang dito siya kukuha ng batang ipabibili niya. Nagsimula nang kumuha ang mga lalaki sa likuran. Pormal ang kasuotan nila at halatang may kaya sa ayos ng pananamit. Mas lalong umingay at ang mga batang hindi kinukuha ay nagmamakaawa ngayon sa lalaking may ngiting masama pa din sa labi.

"Kunin mo din ako!" sigaw ng bata doon sa lalaki at lumapit siya dito. Hinawakan niya ang paa ng lalaki at nagsimula na siyang magmakaawa. Nawala ang ngiti ng lalaki at napalitan ang mukha niya ng disgusto at pagkasuklam sa nagmamakaawang bata. Dahan-dahan niyang nilabas ang espada sa kaluban nito. Nang makita ito ng bata ay nagbago ang anyo niyang parang isang lobo. Agad siyang sinugod ng batang lobo at mabilis ding naiwasawis ng lalaki ang kanyang espada at natabas ang ulo ng lobo. Lahat ng mga batang nagmamakaawa sakanya kanina ay at nagsilayuan papuntang pinakadulo ng selda.

Hindi ko siya gusto.

Iba ang bumabalot sakanyang aura. Isang napakatinding maitim na aura ang pumapalibot sa lalaki. Walang awa niyang pinatay ang bata kahit pa pinoprotektahan lamang niya ang sarili niya sa balak gawin ng lalaki sakanya kaya iniba niya ang anyo kanyang.

Ganito karahas ang mga tao sa mundong ito. Hindi ito isang ordinaryong mundo. Maraming itim na mga higanteng ibon ang lumilipad at mga taong nababago ang anyo. Hindi ko alam ang pangalan nila ngunit nakakita ako nito sa himpapawid bago ako makulong dito. May mga tao ding kayang gumamit ng masasamang mahika.

Ang lugar na ito ay ang kalahating parte ng mundo at tinatawag nila itong Dark Continent. Hindi madaling mamuhay dito dahil sa sistemang ginawa ng sinaunang reyna na tinawag nilang Slavery System. Ipinagbibili ka sa mga taong may matataas na posisyon o may kaya at kailangang sundin mo ang lahat ng utos nila.

Nagulat ako nang bigla akong buhatin ng isa sa mga kasamahan ng lalaki. Pilit akong nagpupumiglas sa kapit nila sakin ngunit hindi ako makawala palibhasa'y mas malaki ang katawan nila sa akin. Balak ko na sanang ibahin ang anyo ko ngunit natigil ito nang itapat ng lalaki sa leeg ko ang espada niya. Hindi ko na napigilan ang paghila ng lalaki palabas ng selda.

Pinalakad na kami ng lalaki at agad tumambad sakin ang sinag ng araw na matagal ko na ding pinagmamasdan mula sa loob ng bilangguan. Hindi ko inaasahang ganito ito kaliwanag kaya lahat kami ay napapikit. Sa tingin ko ay mahigit 20 kaming mga bata. Linya-linya kaming nakakadena. Ang dating kulay itim na kadena ay naging ginto pagtapak namin sa labas. Sa pagkaka-alam ko ay isa itong kadena para mapigilan ang pagbabago namin ng anyo.

Unit-unti na din akong nasasanay sa liwanag sa labas pati na din ang iba kong kasamahan. Karamihan sakanila ay mga babae at kaunti lamang ang lalaki. Lahat kami ay manghang-mangha sa paligid, hindi maiiwasang ngumiti sa nasisilayan. Dahil siguro sa matagal na nilang pinangarap ang makalabas mula sa madilim na bilangguang iyon.

Kulay abo o di kaya nama'y itim ang mga bahay at ang puno sa paligid ay halos wala nang mga dahon. Napatingin ako sa taas at nakita ko na naman ang mga higanteng ibon na iyon. Nakakahindik ang itsura nila dahil sa nagsisislakihang mga pakpak at pangalmot sa dulo ng pakpak. Ang iba'y merong dalawang sungay sa ulo samantalang ang iba ay wala. Karamihan sa nakikita ko ay mga may itim na kulay o di kaya pula.

Tumigil kami sa paglalakad sa harap ng isang malaking gusali. Mukhang luma na ito dahil may mga parteng sira-sira na. Masukal ang daanan at nagkalat ang mga kemikal sa paligid. Pinapasok kami ng mga kasamahan ng lalaki sa tig-iisang pintuan.

Pumasok na naman ako sa isang madilim na lugar. Pinakiramdaman ko ang paligid ko at mukhang ako lang ang mag-isa. Umupo ako sa sahig at niyakap ang tuhod kohabang nakayuko at umiiyak. Sanay na ako sa dilim dahil ito na ang kinalakihan ko, simula nung araw na iniwan niya ako.

Ilang minuto din ang nakalipas at nakaramdam ako ng paggalaw. Tumayo ako at hinanap kung saan ito nanggagaling ngunit natumba ulit nang naramdaman ko ang paggalaw at pagbaba ng kinatatayuan ko. Mukhang ito ngang kinatatayuan ko ang gumagalaw. Nakarinig ako ng mga paghiyaw at pagpalakpak.

Lumiwanag na ulit ang paligid nang makita kong dahan-dahang inaalis ang telang nakapalibot sa kinatatayuan ko. Napansin kong nakakulong na naman ako. Maraming tao ang tumambad sa harapan ko at lahat sila nakatitig sa akin na para bang may binabalak. Ang suot ko pala ang dahilan ng mga titig nila. Ang maputik na damit ko ay napalitan ng napakaikling palda at kaunting tela lamang ang nagtatakip sa aking hinaharap, para ngang bra na lamang ito. Agad kong niyakap ang aking sarili dahil sa kahihiyan at takot.

"Simulan na natin ang subasta!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Evil Inside FystianaWhere stories live. Discover now