Her Last Message

171 25 20
                                    

A/N: please read first the story info. Thank you

Lay P.O.V's

Limang taon na ang nakalalipas, ngunit hindi ka parin nagpapakita sa'kin, bigla ka na lang na wala; ni hindi ko man lang alam kung magkikita pa ba tayong muli?

Ang tagal ko ng nag antay. Hindi ka man lang ba magpapakita sa akin.

Alam mo bang miss na miss na kita? Iniisip ko pa lang na hanapin ka kaso ni hindi ko nga pala alam kung nasan ka. 

Kahit ganon ay excited akong lumabas ng banyo at sinuot ang plantsado kong uniporme.

Sa wakas kolehiyo na tayo kaya hindi ako mawawalan ng pag-asang makita kang muli. Hindi ba nga nagpromise tayo sa isa't isa na pagdating ng nitong taon ay magsasama na tayo. Yung mga plano natin na sabay nating tatapusin yung pag-aaral natin at parehas tayong magiging Engineer pag tapos ay bubuo tayo nang pamilya. Lahat ng pinagusapan natin ay na nanatili  sa aking isip at puso ko.

Para 'kong baliw ngayon alam mo ba yon? Kakaisip sa'yo kung may nagbago ba sayo o wala ? Kung mahaba na ba buhok mo o maikli na pa rin? kung maitim kana o maputi parin.

I miss you, I still remembered our first kiss when we are in grade 6; in our graduation, it's one of my Unforgettable moments with you.
Para na akong sira dito sa tapat ng gate pano ba naman kasi bigla bigla akong ngumingiti. Ikaw kasi hilig magpakilig. Kainis!

Nasan kana ba? Naiisip ko na ba ka na traffic ka lang. Wag kang mag-alalala aantayin kita dito sa school na pinag-usapan natin Kanina pa ko nag-iintay dito sa gate ng school na pinagusapan natin, pero hindi ko rin maalis sa isip ko na kilala mo pa kaya ako? Yung mga pangako ba natin ay natatandaan mo na nga ba ? o limot mo na .. Sana wag naman!

Narinig ko na ang bell kaya muli akong lumingon sa daan. Oras na ng klase, siguro baka bukas ka pa papasok. Ayokong mawalan ng pag-asa kaya laban lang.

Ikalawang araw, matiyaga parin akong nakatayo dito at naghahantay, basta ikaw hindi ako mapapagod. Na buhayan ako ng may lumagpas sa aking babae, hinabol ko siya at hinawakan sa balikat, sobra akong natuwa ng huminto ka, at dahan-dahang lumingon sa akin at onti- onting na pawi ang aking tuwa. Hindi pala ikaw, kahawig mo lang siyang maglakad dati. Tinaasan niya ako ng kilay at humingi ako ng paumanhin.
Hindi parin ako nawalan ng pag-asa kaya bumalik ako ulit sa harap ng gate.

Kaso...

Makalipas ang ilang taon naging ganon ang aking routine , 
Naiisip ko na ring sumuko pero sabi ng puso ko "Sige, laban lang."
Kaya sa tuwing maaalala kita mas lalo akong nagiging matatag. 

Hanggang sa makapagtapos ako. Sa wakas naging Engineer na'ko natupad na din kahit ito lang.

Yung saya ko na wala, nang bigla kitang maisip, paano ba naman hanggang ngayon ay hindi parin kita nakikita.

Nakakalungkot man isipin pero heto ako nag-aaantay parin sa'yo. 
Nag paka busy na lang ako sa aking pag tratrabaho upang hindi kita hanap hanapin. 

Ito na nga ba ang panahon para kalimutan ka? Na aawa na 'ko sa sarili ko. Naiisip ko na para bang nag-aantay ako sa wala.

Kaya kailangan kong mag pasiya.
Irene I love you, but I'm sorry. I need to do this.

I want to tell you this, I met these women in the company that I work. She's so kind, pretty and marami siyang pagkakatulad sa'yo. Alam kong maling ipagkumpara ka sa kaniya dahil kahit kailan ay hindi siya magiging ikaw pero may pinagkaiba kayo na mas nagustuhan ko sa kaniya. I told her our love story and she said "It's okay."

Her Last MessageWhere stories live. Discover now