Sorry,I can't love you

7.9K 114 6
                                    

I'll hold your hand and never let you go

I will serenade you 

I will hug you and I will always say

"I love you,hon"

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Nagulat ang dalawa ng bumukas ang pinto at tumambad ang ina ni Aly at si Marge peru mas nagulat  ang  ina nito ng makita ang anak na nakapatong sa babae na may ginawang kabulastugan.

"M-Ma ,ah let me explain" kabang sabi nya at tinakpan kumot ang hubad nilang katawan.

"ALYSSA,MAG-USAP TAYO ,NGAYON NA,MAGBIHIS KA DALI"sigaw ng mama nya at lumabas sa kwarto nito.

"Lagot ka, ate "pang-asar naman ni Marge akmang aalis na sya nang humabol ito.

"Hi Ate Den,welcome sa family namin" tawang sabi nya, namula naman si Den .Kinakabahan din sya sa mangyayari sa kanila ngayong galit ang ina ng mahal nya.

"Den,akong bahala ,ipaglalaban kita ,mahal na mahal kita"sabi ni Aly at masuyong hinalikan ito sa noo.

Di nya alam paano sisimulan ang pag-eexplain sa nangyari peru alam nya mahal nya si Den at ayaw nya mawala ito sa piling nya.Bumangon sya at kumuha ng t-shirt at cargo shorts.Nag punta naman sa cr si den dala ang kumot para takip sa katawan nya.

"Den ,ok lang ba na nauna na ko na kausapin si mama ?Papakalmahin ko muna sya"paalam ni Aly kay Den.

"Sure ka ba Ly sabay nalang kaya tayo ,bibilisan ko lang ito "nag-alalang sabi ni Den dito.

"Ayos lang ako Den,pwede ka humiram ng damit ko sa aparador at sa drawer na una ang mga bagong biling undergarments ko.

Kinakabahan si Den sa loob ng cr ayaw nya magkasira ang mag-ina dahil sa kanya .Natatakot sya na ilayo nito si Aly sa kanya.Naiisip palang nya yun parang naubusan na sya ng hininga at puno ng sakit ang puso nya.

Mabilis syang naligo at nagbihis suot nya ang damit ni Aly.Huminga sya ng malalim saka binuksan ang pinto at lumabas syang kwarto nakita nya ang mga ito na di nagkikibuan.

"Iha,halika dito"utos ng ina ni Aly.Tumabi sya kay Aly at hinawakan ang kamay nito.

"Ma,naman wag mo -"naputol ang sasabihin ni Aly nang sumigaw ang mama nya.

"Anong wag Aly,nahihibang ka na ba?Nakipagtalik ka ng di pa kayo kasal"sigaw ng mama nya.Nagulat naman ang dalawa sa sinabi nito.

"Hindi ako papayag na di mo panagutan ang ginawa mo sa babaeng ito"galit na sabi ng ina nya.Napangiti naman ang isa at tumingin ng direstso sa ina.

"Balak ko naman po na pakasalan sya ehh,pagkatapos ko mangligaw at ma, Denden po pangalan nya"may sayang sabi nya sa ina.Alam nyang di naman galit ito ,nadismaya lang .Tumingin naman sya kay Den ,nakita nya ang pagtataka at takot sa mga mata nito.Niyakap nya ito at bumulong ng"everything will be alright,hon".

"Den,pasensya kana sa anak ko,wag kang mag-alala bukas na bukas din mamanhikan kami"hingeng patawad nito sa ginawa ng anak nya.

"Ma,grabe bukas agad di pa handa si Den dun"hirit naman ni Aly.Ang inaalala nya ang ama nito .

"Manahimik ka Aly,ikaw may kasalanan nito ,kaya mamanhikan tayo sa ayaw at gusto nyo."malakas na sabi ng ina ni Aly.Wala ng nagawa  dalawa kundi yumuko.

Umalis muna ang mama ni Aly para bumili ng kailangan nila kasama si Marge at yaya nito.Habang ang dalawa naiwan at gulo ng isip nila.Si Alyssa na nanliligaw pa kay Laura at  lalo na si Den na may boyfriend pa.

Nothing's Gonna Change My Love For You(SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon