Mensahe

43 8 2
                                    

Meron lang akong mensahe.
Mensahe para sa 'yo.
Mensahe na hindi ko masabi-sabi.
Alam mo yung feeling na ang daming nagkakagusto sayo.
Yung tipong lagi ka nilang kakausapin.
Lagi ka nilang tatabihan.
Tapos darating sa point na maiinis ka na lang.
Kasi masyado na silang papansin.
Ilang beses ko nang pinaramdam na ayoko sa kanila.
Pero pinipilit pa rin.
Ano bang magagawa ko eh hindi ko talaga sila gusto.
Ang gusto ko lang ay ikaw.
Ikaw na may gusto sa iba.
Parang tanga lang 'no?
Sila may gusto sakin.
Ikaw gusto ko.
Tapos may gusto kang iba.
Parang tanga lang talaga.
Gusto ko rin sanang magpapansin sayo.
Gusto kong iparamdam sa 'yo.
Kaso tangina may bakod na yang puso mo.
Sa tuwing titignan mo siya, ang sarap dukutin ng mata mo tapos sakin lang itututok.
Sa t'wing magkahawak kamay kayo, ang sarap hilain ng kamay mo.
Tapos babaliin ko yung sa kanya.
Para tayo lang ang magkaholding hands.
Sabihin mo nang sadista.
Ganito lang talaga ako kapag nagkakagusto sa isang tao.
Yung tipong kahit hindi pa tayo inaangkin na kita.
Anong magagawa ko?
Eh gusto kong kunin yang puso mo at ikandado sa puso ko eh.
May magagawa ka rin ba?
Sa tingin ko meron.
Sapat na sakin ang mahalin mo rin ako.

-Mensahe-

MensaheWhere stories live. Discover now