Chapter 69

13.4K 395 30
                                    

Third Person's POV

Napa tingin si Kira sa kanyang relo at ng dumating na ang hinihintay na oras, ay tinignan niya ang mga naka handa na niyang mga kasamahan.

Tinignan din niya si Marcus na namumutla, na naka sandal sa puno.

Kinuha niya ang baril na katabi at tumalon mula sa mataas na unahan ng sasakyan, kinasa niya iyon at inilagay iyon sa kanyang likuran.

Napa lingon ang lahat sa kanya ng marinig ang kanyang pagkasa.

"Violet hindi mo pa kaya, kaya dito ka--"

"Ayos lang ako queen."

"No. You will stay here."

Magmamatigas pa sana si Violet ng hawakan ni Ox ang balikat niya. Nilingon siya ni Violet at nakita niyang umiiling eto.

Kaya kahit labag sa kanyang loob ay hindi na siya nagsalita.

Pinagmasdan naman ng maigi ni Kira si Violet na may ilang mga benda, na nilagay ni Ox habang nag hihintay sila na lumubog ang araw.

Hinarap naman niya si Scar at sinenyasan na buhatin na si Marcus.

Pagkabuhat ni Scar kay Marcus, nag tungo si Kira sa likuran upang makita niya ang itsura neto.

"Kung sana kumilos ka ng ayon sa gusto ko. Hindi ka sana ganyan na naghihintay na lang ng kamatayan mo."

Sa kabila ng hirap at iniinda ay na gawa pa ding ngumisi ni Marcus.

Hindi na iyon pinansin pa ni Kira at nag punta sa likod ng sasakyan ni Hunter at binuksan iyon at tumambad ang napakaraming mga armas.

Mula sa mga armas ay hinarap niya ang mga naka palibot na mga kasamahan.

"I don't know what to say to encourage you. I'm suck at this."

Napakamot siya ng noo at napa tingin sa ibaba, lihim naman na natawa si Knightly.

"But there is one thing I can say,"

Tahimik na naka tingin ang mga kasamahan niya sa kanya at nag hihintay sa sunod niyang sasabihin.

Inangat na ni Kira ang kanyang ulo, at isa-isang tinignan ng seryoso ang mga kasamahan.

"Don't die."


~~~~~~~~~~


"Ate Pamela."

Naka ilang ulit na sa pag katok si Ashton sa pinto ng kwarto ni Pamela. At sa huling katok niya ay binuksan na niya ang pinto at bahagyang sumilip.

Na kita niya ang tinatawag niya na naka higa at balot ng kumot.

Napakamot na lamang ng ulo si Ashton at maingat na sinara ang pinto at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan.

"Mommy!!"

Napa lingon si Elizabeth sa kanyang anak na tumatakbo, kaya na tigil siya sa pag lalagay ng mga plato sa mesa.

"Na tutulog po si ate Pamela."

"Ganoon ba? Sige tatabihan ko na lang siya ng pagkain niya. Kaso kanina pa siyang umaga nasa kwarto niya, gabi na hindi ba nagugutom 'yun?"

Napa kibit balikat na lamang si Elizabeth sa kanyang sariling tanong.

"BWISIT!"

Sabay na napa tingin ang mag ina sa sumigaw na si Sakura at napapa hampas sa mesa. Katabi niya sila Henry at Amy na tinatanong kung ano ang nangyayari.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Where stories live. Discover now