Tala

155 8 1
                                    

Ang mga alaala ay 'di parin kumukupas
Mga tatlo o apat na taon na ang lumilipas
Noong nananahimik pa ang aking puso't diwa
Noong basta basta nalang may nagsabi sakin ng isang balita
Isang balitang dumating sakin ng pasalin dila
Na totoo raw ang kapangyarihan ng mga tala

Noong una hindi ako naniwala
Pero bigla kong naisip ano nga bang mawawala
Kung sa chismis ako'y panandaliang magtiwala

Kaya simula noon ako'y umasa
Na ang pangarap ko'y mababasa
Na dumating na sana
Ang babaeng aking mamahalin
at puno ng aking nasa

Ngunit 'di ko napansin na ang bigay ng mga tala
Ay katabi ko na pala
At nalaman ko na sya ang hulog ng langit
Kasi binuo nya ang puso kong dati nang napunit
Kasi muli nyang napatibok
Ang puso kong puno ng alikabok
At ang kanyang mga mata'y nanunuhog
Kung kaya't ang puso kong dating bato'y
Ay bigla nalang nadurog

Ang laki ng aking tuwa
Sa kumikislsap na mga tala
Dahil ako'y lubos na pinagpala
At bilang lalaki akong unang nagpakilala

Sinimulan ko yun sa chat
Pero kahit kami'y naguusap na
kinimkim ko parin lahat
Kinimkim ko ang akin nadarama
Upang ang relasyong pinalalakas ay 'di na humina

At simula noon araw-araw kong pinagmamasdan ang kanyang ngiti
Araw araw kong pinagmamasdan ang kanyang mga pisngi
Araw-araw akong nagpapasalamat sa mga tala sa tuwina
Araw araw akong nagpapasalamat kay tadhana

At tila bumaba ng langit si San Gariel upang ipabalita
Noong bigla mong sinabing "mahal kita"
Di makapaniwala ang aking tenga't mata
Sabay sabi "pano yan, mahal din kita"

Araw-araw, gabi-gabi pinapadalhan natin ang isa't isa ng pagibig
Pumikit man ang aking mga mata
Bumuka man ang aking bibig
Ipagsisigawan ko na mahal kita
Sa dinami dami ng mga tala
Kaya mamahalin kita
Kung meron ka mang pagibig sakin o wala

Habang nagtagal ang pagibig natin ay tila naging kape
Na paunti unting nanlamig
Umunti ang pagtitimpi
Umunti narin pati pagibig
At ako ito'ng si tanga
Akala ko'y ako'y kapos kapalaran
Kung kaya't humanap na ng iba

Nahulog sa iba ang pagibig ko'ng dati'y sayo
Nahulog sa iba ang damdamin ko
Hinihintay ko lang ang sa ibang oo
Pero lahat ng ito'y nalaman mo
Hanggang sa sinabi mo
"Break na tayo"

Bigla akong natulala
Sabay patak ng mga luha
Hindi ko parin matanggap
Ang katotohanang hubad
At lumipas man ang mga araw
Ang puso't utak ko'y nananatiling lipad

Wala na akong magagawa kundi ang pakawalan ka
Mula sa pagibig nating tila naging kadena
Mula sa dati nating storya na bigla nalang kinulam
Kaya wala akong magagawa pa kundi ang magpaalam

Lumipas ang ilang buwan
'Di na tayo nagusap
Pero nanatili parin sakin
Ang sakit at hirap
Para akong kumain ng panis
Na mamon
Na kahit anong tamis
Nasa loob parin ang lason

Yayayain sana kita para gumala o gumimik
Pero pinili ko nalang na
Wag nang kapalan ang aking mukha at manahimik

Damdamin ko'y kinimkim
At tinago kong lihim
Taon man ang lumipas
Ang sakit at hinagpis
Ang bumubuo sa puso ko
Kung kaya't ito'y labis-labis
Ngunit ngayon hindi ko na ito matiis
Kaya aaminin ko, mahal parin kita
At araw araw namimiss

Mahal parin kita
Dahil sa'yo ko naramdaman ang saya
Mahal parin kita
Dahil ikaw yung pumilit saking magbago
Miss na kita at patawad
Dahil ikaw lang ay aking dinaya
Miss na kita at patawad
Dahil ikaw lang ay aking ginago

Ikaw yung lobo na helium ang laman
Na noong aking binitawan
Lumipad sa kalangitan
Kung kaya't ngayon ako'y hanggang tingin na lang

Ikaw yung kape kong tama lang ang tamis at pait
Yung tipong bubuo ng aking araw
Katangahan ko na ang hindi kumapit
At simula noon ang buhay ko'y nangginaw

Ikaw itong si tala
Na lumipad sa kalangitan
Iniwan akong nakatingala
Iniwan akong luhaan

Minsan gusto ko nang mamatay
Ayoko nang mabuhay
At araw-araw nanghihinayang
Sa laki ng aking sinayang

Ngunit hindi, magsisimula ulit ako sa umpisa
Noong ang puso ko'y 'di pa gaanong napisa
Magsisimula uli ako sa umpisa
Noong di ako takot na mayroong lumisa
Magsisimula uli ako sa umpisa
Magsisimula uli ako ng mag-isa

Magsisimula nanaman ako sa umpisa
Kung saan ako'y hihihiling
Sa mga talang tumatagingting
Na ika'y muling darating
Sa himbing ng aking piling
End.

TalaWhere stories live. Discover now