Kabanata 1: Ang Bagong Reyna ng Lireo

3.7K 56 15
                                    

Opening Theme: Uweeh! Uweeeh! Mashna duva nush kaeh ivo pashne lireo liva! Inaawit ni Alena ang Himig ng Lireo habang ang lahat ay nasa lireo upang masaksihan ang pagpuputong ng korona ni Amihan kay Sang'gre Danaya. Tila masaya at sabik ang lahat.Dahil sa pagkakaroon ng bagong reyna ay isang bagong simula sa lahat ng mga nilalang ng Encantadia.

Amihan: Avisala eshma sa inyong lahat! Mga Diwata, Mga Sapiryan, Mga adamyan at mga mulawin,Kapatid ngayon na ang araw na itinakda upang humalili na sa akin ang aking nakakababatang kapatid na si Danaya. Ating saksihan ang isang bagong simula ng yugto ng kapayapaan.

Umakyat si Danaya sa Trono at siya ay umupo at tinanggal ni Amihan ang korona sa kanyang ulo at isinuot niya ito kay Danaya.

Amihan: Kagaya ng sinabi sa akin ng ating ina naway maging makatarungan at maging mapagkalinga kang pinuno. Hasne Livo Danaya!

Reyna Alena & King Ybrahim: Hasne Livo Danaya!

Pirena: Hasne Livo Danaya!

Crowd: Hasne Livo Danaya! Hasne live Encantadia! Mabuhay ang bagong reyna!

At pagkatapos mailipat kay Danaya ang korona nagulat ito sa magandang balita na dinalaw siya ng kanyang Ama na si Enuo na nagmula pa sa mundo ng mga tao. Niyakap niya  ito at si Alena at naluha.Buong Encantadia ang diriwang sa bago nitong reyna pero tila Nawawala si Pirena at siya ay nagtungo sa Hathoria at sinundan ito ni Amihan.

Amihan: Pirena? Anong ginagawa mo dito sa Hathoria?

Pirena: Naalala ko lang ang aking ama. Hanggang ngayon di pa rin ako mapaniwala na wala na siya.

Amihan: Naiintindihan kita Pirena dahil tulad mo naging biktima din ang akin ama sa digmaan.

Pirena: Napakasakit sa akin na bakit kailangan niya maging masama at sakim. Kung di lang siya naging masama siguro naranasan ko rin ang pagmamahal ng isang ama. Mabuti ka pa Amihan napakaswerte mo sa iyong amang si Raquim kahit sandali lang kayo nagkasama naranasan mo ang pagmamahal niya.

Niyakap ni Amihan si Pirena at naluha ito.

Amihan: Tama na Pirena, nandito naman kami mga kapatid mo para sa iyo di namin iiwan kaya't tara na at bumalik na tayo sa lireo at magdiwang tayo.

Agad silang naglaho at bumalik ng lireo.

Sa Kaharian ng Lireo Nagsasaya ang lahat ng mga Encantado,Encantada at Si Lira ay umawit para sa kanyang Ashti Danaya. At ito ay lubhang nagustuhan ng lahat.

Sa Ayleb sa bayan hilaga ng lireo nakarating ang balita kay Adhara at sa mga kampon niya na May Bagong Reyna na ang Encantadia at si Danaya ito.

Adhara: Tamang tama Panahon na para wasakin nating ang kapayapaan. Matagal na tayong nanahimik. Oras na masakatuparan ko ang aking paghihiganti sa apat na anak ni Minea.

Lilasari: Tama ka Adhara! Sabik na akong pumatay ng mga diwata!

Cassiopea: Ano ito tila dumdilim ang aking panigin. Nakikita ko muling nagbabadya ang dilim sa buong Encantadia kailangan kong balaan ang mga sang'gre.

ITUTULOY...........

Encantadia (2016) Ang Ikalawang YugtoWhere stories live. Discover now