Chapter 10

2.8K 133 35
                                    

"Since 10pm palang akong naghihintay sa pag-uwi mo.. I got bored that's why naghanap ako ng malapit bar dito. I drink and get drunk. I'm too far from home that's why dito ako nagpunta." Kwento ni Solenn.

Nagulat naman si Glaiza.. Bakit naghintay siya? Pero bago pa siya makapagsalita, si Solenn ulit nagsalita.

"Kung ano man nasa isip mo, forget about it. Nag-alala lang naman ako sayo wala ka kasing reply sa mga message ko eh at alam kong ikaw lang mag-isa dito. Sige nah. Kain na tayo." Nakangiting niyang tugon.

Napailing nalang si Glaiza at ngumiti din.

3 months later..

"Hay naku friend, bakit kasi ikaw ang nagluto di ba usapan siya magluluto ngayon?" Tanong ni Rhian habang nagvivideocall sila ni Solenn.

"Sabi nga niya pero ayoko namang magutom friend eh kasing bagal sa pagong kumilos tong girlfriend mo." sabay galit na tingin kay Glaiza.

Ang isa naman seryoso sa nilalaro niya.

"Lab, mamaya na yan pwede? Sige kain na tayo.. Mula nung lagi kang pinagluluto ni Solenn naging tamad kana diyan." Paninita ni  Rhian sa girlfriend niya.

"Oo nah. Ito na nga oh.. kakain nah. Salamat bai. Kain na tayo. Kain kana rin diyan lab." Ngiti-ngiting tugon ni Glaiza habang naiinis ang dalawa.

It's been 3 mos and yes marami ang nabago.

Lalo na si Solenn na hindi na nagpapakita ng motibong may gusto siya kay Glaiza. At ginawan pa niya ng paraan na kaibiganin si Rhian. Tuwing may lakad sila kasama taga office lagi nakikipagvideocall si  Solenn sa kanya para ipakita ginagawa ng girlfriend niya. Mabilis naman nagtiwala si Rhian kaya ngayon malapit na sila kahit di paman sila nagkikita ng personal. Tuwing umaga, doon dumidiretso sa apartment nila si  Solenn at pinagluluto si  Glaiza minsan pagdating niya nakahanda na agahan. They lunch together through videocall pa rin. And everything.

"Tingnan mo gf mo ayaw na paawat sa pag iinum.. ako na naman kakarga sa kanya pauwi." Tugon ni  Solenn kay Rhian habang magvideocall sila sa loob ng bar. Nag-inuman kasi sila kasama taga office.

"I'm sorry friendship ha? Di ko nga alam sa kanya.. di naman solusyon sa pagka miss niya sakin ang pag-iinum. Haiz buti nalang nandyan ka. Thank you." Malumanay na sagot ni  Rhian habang nakatinging sabik sa girlfriend niya na nakukuha sa camera.

Tila nakaramdam naman ito at lumingon sa kanya.

"Lab.. I love  you! Miss na kita." Tugon ni Glaiza sabay taas sa baso at ininum ang laman nito.

"I love  you too lab.. I miss  you so much. Tama na yan pls?" Pakiusap ni  Rhian. Nagtawanan naman sila. Tawa na may halong kilig sa dalawa.

Malapit na 12mn ng matapos silang mag-inuman. As usual lasing na si Glaiza.

"I'll call  you later friend when we get home." Huling tugon ni Solenn kay  Rhian.

"Sige friend ingat kayo ha.." sabay patay na ng videocall nila.

Iniayos niya si Glaiza sa front seat bago siya naupo sa driver's seat at tuluyan ng nagpaandar ng sasakyan.

Pagdating sa bahay nahirapan siyang iakyat ito sobrang bigat si  Glaiza dahil as in lasing na lasing siya.

Tumawag siya kay  Rhian. Bago siya kumuha ng towel para ipunas.

"She's so drunk.. ayaw kasi paawat eh." Tugon ni  Rhian.

"Sinabi mo pa.." Sagot ni  Solenn habang sinimulan ng punasan si Glaiza.

"Thank you for always there for her.." biglang nabanggit ni  Rhian. Napatigil naman si Solenn. Nilingon at nginitian ito.

May Tayo Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon