Miraculous 22

10.5K 370 6
                                    

Aezi's POV

Ang tanga Aezi. Ang tanga mo. Tangina.

Inis na sinipa ko ang nadaanan kong bato. Bumuga ako ng hangin. Dalawang araw na kami dito at hanggang ngayon hindi niya ako pinapansin o tinitingnan man lang. Sinubukan ko na rin siyang kausapin pero palaging parang wala siyang naririnig.

Ilang araw na akong hindi pinapatulog ng konsensya ko. Ilang araw na akong hindi makatulog... sa pagiisip kung sila na ba.

Inis na sinabunutan ko ang sarili. Kalma Aezi. Kalma. Napamura nalang ako sa sarili ko ng may malakas na bumangga sa akin. Automatic na inalalayan ko siya sa bewang at inikot ang sarili para protektahan ang sarili niya sa pagbagsak.

Bumagsak siya sa'kin. Kumunot ang noo ko ng makilala ang kulay abo na buhok nito.

"Uzziah."

Inangat niya ang mukha at isa iyong pagkakamali. Nagtama ang tungki ng ilong namin kasabay ng panlalaki ng mata nito sa gulat.

Ang gandang pagmasdan ng emosyon na naglalaro sa mga mata niya.

"Uh. O-oh. S-sorry." Mabilis siyang tumayo at tarantang inayos ang sarili. Napaupo ako at wala sa sariling bumuga ng hangin.

Ayoko talaga ng epekto niya sa akin. Ipinilig ko ang ulo.

"Uzziah, can we talk?" Napahinto ito sa tangkang pagalis. Nagkibit balikat ito at muling humakbang paalis. Now or never?

"Please." Nakita kong bumuntong hininga ito bago tuluyang humarap sa akin. Walang emosyon siyang tumango.

Pumunta kami sa burol. Sumandal naman siya sa puno na nandoon. Tumikhim ako.

"Sorry." Hindi niya ako tiningnan. "Alam kong mali ako, Uzziah. Nung ipakita sa'kin ni Queen ang pinagmulan mo, natakot ako."

This is not you, Aezi. Pumikit ako ng mariin.

"Natakot ako sa pwedeng mangyari. Hindi ko magawang magpakampante." Tumingin siya sa akin. Lumunok ako ng ilang ulit.

"I'm sorry."

Bumuntong hininga siya at umalis sa pagkakasandal sa puno bago lumapit sa akin.

"It's okay. Sanay ako, Aezi."

Naramdaman ko ang pamilyar na kirot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"No.. you don't deserve something like this." Umangat ang sulok ng labi niya bago marahang umiling pero hindi na siya nagsalita.

"You're so precious, Uzziah."

Don't go there, Aezi. Tama na. Itikom mo na yung bibig mo, huwag ka ng magsalita.

"Bumabawi ka ba?" Natatawang tanong niya.

"Bakit?"

"Effective e." Napangiti nalang din ako ng marinig ang tawa niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ng makarinig ng pamilyar na sigaw. Kumunot ang noo ko.

"Supremes." Magkasabay na banggit namin. Nagmadali kaming tinungo ang bahay,

"Nasaan na?!" Inis na sambit ni Uzziah sa tabi ko habang nililibot ang tingin. Sigurado kami na ito yung pwestong iyon ng kubo pero walang kubo.

Inilibot ko ang tingin at isa-isang sinilip ang mga kabo pero lahat ng nasa paligid namin ay walang laman. Magkakaparehas pa ng itsura. Kumakapal ang hamog sa paligid.

"HANZ!"

Pinakinggan ko ang mga salita. Malapit lang sila pero wala sila sa paligid. Naglakad lakad kaming dalawa pero para bang nasa kawalan kami. Walang bakas ng Supremes kundi ang mga boses lang nila na nilalamon ng paligid.

Iniangat ko ang kamay para magpalabas ng apoy. Blue green na apoy ang hawak ko. Nagiisa. Pero nagulat nalang ako ng ipatong ni Uzziah ang kamay niya sa kamay kong nakaangat kung saan lumabas ang apoy.

"Anong ginawa mo?!" Inis na sambit ko ng mawala ang apoy. Kinuha ko ang kamay niya at tiningnan ang paso na dulot nito.

"Shit. Shit." Hindi ko alam ang gagawin.

"Mawawala din yan mamaya, Aezi." Walang ganang sambit niya. "Nasa illusion tayo," natigilan ako sa sinabi niya.

Hindi basta basta ang illusion na nililikha ng Lolivon. Kaya pala naririnig namin ang boses ng Supremes, ang kalabog pero wala silang bakas sa paligid. Lalong mapagtitibay ng takot at galit ang illusion. Nakasalalay ito sa emosyon ng taong nasa illusion.

"Paano tayo makakalabas?" Tanong ko.

Nanlaki ang mata ko ng inisang hakbang niya ang distansya namin.

"Teka, anong gagawin mo?" Kunot noong tanong ko. "Hindi, Uzziah. Hindi pwede." Umangat ang sulok ng labi niya.

"Bakit hindi pwede, Aezi?" Gusto ka ni Hanz, Uzziah. Kaibigan ko si Hanz.

Nahigit ko nalang ang paghinga ng maramdaman ang kamay niya sa batok ko at hinila ako pababa para magtagpo ang labi naming dalawa.

Wala sa sariling napahawak ako sa bewang niya. Itulak mo palayo. Come on, Aezi. Pero hindi ako makagalaw. Hindi ako gumalaw.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa kumalas siya sa akin. The heck.

"See?"

Ipinakita niya sa akin ang kamay niya at nakitang wala na iyong paso na dulot ko sa kanya. Pero nakatayo parin ako doon, hindi kumakalma ang dibdib ko at para bang mabubuwal ako. Hindi ko na napansin ang pagkawala ng hamog at ng pagbalik sa dati ng lugar.

Did she purposely do it para makaalis kami sa illusion?

"Aezi!"

Nabalik ako sa wisyo ng sigawan niya ako. Napatingin ako sa bahay na sa tapat namin at sa kanya na nakikipaglaban sa hindi maipaliwanag na nilalang.

Mabilis na kumilos ako para sipain ng malakas ang nilalang na may hawak kay Nikyla. Inalalayan ko ito patayo ng mawalan ziya ng balanse. Tinapik ako ni Uzziah sa gilid ko.

"Relax. Umayos ka nga. Mamaya mo na ipagpatuloy yang gulat mo." Inirapan niya ako bago tulungan ang mga kasamahan namin.

Tumikhim ako at inayos ang sarili.

"Walang gagamit ng kapangyarihan!" Sigaw ko bago pinulot ang kahoy mula sa nasirang dingding ng kubo.

"Jaye Shi! Alalayan mo si Jassy!" Kaagad na pumunta sa likuran ni Jassy si Jaye Shi.

Lima silang malalaking nilalang. Kulay putik ito at payat. Butas sa mukha nito ang nagsisilbing mata.

Hinampas ko ito sa mukha. Pero bumaon lang ang kahoy sa kanya bago ito kusang niluwa ng katawan niya.

Anong klase silang nilalang?

"Sila yung sinasabi ni Espian! Yung nangagambala sa disoras ng gabi!" Tiningnan ko si Cyrill.

Sinabihan kami ni Espian na may kakatok sa kalagitnaan ng gabi para guluhin kami. Kahit sino daw ay hindi dapat pagbuksan.

"Sinong nagbukas ng pinto para sa kanila?!" Tanong ko.

"Aksidente! Nawala sa isip ko, Aezi!" Sigaw ni Zhyver. Naipikit ko ng mariin ang mata.

Isa lang ang sigurado ko, pahihirapan kami ng Lolivon.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now