19.Girl's Talk

12.2K 172 3
                                    

A/N: Guys payo ko lang hihi habang binabasa niyo tong chapter na to makinig kayo ng music..:) Pakinggan niyo yung DIVINE by GirlsGeneration :) Yun lang.

Zia's Pov

Pagkapsok ng pagkapasok namin sa bahay hinila niya ko papunta sa sala.
Nahagip ko ang Vase kaya nabasag ito.

"Wala kabang ibang gustong gawin kundi ipahiya ako?"singhal niya

"Yan ba ang tingin mo sakin?Ipinapahiya kita?"

"Anong sa tingin mo ang ginawa mo kanina?"

"Panong hindi ko yun gagawin eh nakikipagkita ka dun sa maharot na babaeng yun"this time hinawakan niya ko sa braso ko ng mahigpit,

"Wag na wag mo siyang tatawaging maharot zia!"

"Totoo naman diba?She's a whore!Napakatanga mo!Ilang beses ka na nga niyang niloko tapos magpapaloko ka na naman ulit?"sabi ko sakanya ng harap harapan.

Kinuha niya ang isang peraso ng nabasag na vas sa lamesa at tinutok niya to sakin.

"GO!P-patayin moko..siguro matagal mo nakong gustong patayin..kaya sige na pagod na din naman ako"

"AHHHHHH!"napapikit nalang ako ng bigla siyang sumigaw

Handa naman na ako..Kung anong gusto niyang gawin go..Hindi ko siya pipigilan siguro kaylangan ko ng mamatay para maging masaya na sila ni Irish pero sana naman wag siyang magsisi sa huli..

Ilang sigundo ko hinintay na may patalim na tumama sa katawan ko pero wala..Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko..Nakita ko siyang nakatayo lang habang nakatingin sakin ng diretso hanggang sa tuluyan na niyang bitawan ang isang matalim na peraso ng vase,umakyat siya sa kanyang kwarto samantalang ako iyak ng iyak..

Kaylangan ko ng kaibigan ngayon..

Agad akong tumakbo palabas ng bahay.
Tinext ko ang mga kaibigan kong sila Rian,Hannah,Samantha,Frea at Trixie.
Naunang dumating sa Trixie sa lugar na tagpuan namin..Ang Sementeryo weird right?Tahimik kasi dito pero wag kayong mag alala hindi kami gumagawa ng kalokohan.Ayaw naming sundan ng mga kaluluwa dito.Palagi kaming nakatambay sa kaibigan naming si Karla,kaibigan namin siya kaso lang nagkasakit siya,nagkaroon siya ng cancer,sobra kaming nalungkot ng mawala siya kaya simula nun dito kami tumatambay,minsan nga nagdadala kami ng gitara at sabay sabay na kumakanta..kaya parang kasama namin si Karla.

"Sinaktan ka na naman ba ng asawa mo?"mahinahong tanong ni trixie ano kayang nakain nito at hindi nagsisisigaw?

"Hindi.."

"Psh..O ayan na pala sila"pinagmasdan lang namin sila habang papalapit samin may dala dala din silang kandila at bulaklak.Oo nga pala nakalimutan kong magbitbit,biglaan din kasi eh

Kaylangan ko lang ng mga advice mula sa kanila..Para gumaan gaan man lang ng kaunti tong nararamdaman ko..

"Hi Karla..Alam mo ba kung bakit kami andito?"sabay lapag ni Frea ng bulaklak kinakausap niya ang puntod ni Karla..

"Kasi sinasaktan siya ng asawa niya..Saka may kasalan to samin pagsabihan mo nga..Takbuhan ba naman kami nung birthday ni Trixie.."tapos sinindihan niya na yung kandila umupo kami sa damuhan at nagform ng circle

"Salamat at nakapunta kayo..Pasensya kana Karla inistorbo ka pa namin.."sabay haplos ko sa puntod niya..

"Bakit ka nagpatawag ng meeting babae?Sinaktan ka na naman ng asawa mo no?Patingin ng ang braso mo baka may pasa?"pinagbigyan ko naman si samantha na tingnan yung braso ko..

"Buti naman at wala..So bakit?"

"Alam ko na..Dahil ba sa nangyare kanina?"seryosong tanong ni Hannah..
tumango lang ako sakanya

"Hannah..Pasensya na..Hindi ko na talaga mapigilan,sobra akong nasaktan.."tinapik tapik niya lang ang likod ko at ngumiti

"Okay lang yun..naintindihan naman kita.."napaluha naman ako

may nakakaintindi pa din pala sakin?

"Teka ano ba yung nangyari kanina?"seryosong tanong ni Trixie

"Nahuli niya kasi si Sean at Irish na nag uusap sa Cafe"

"Aba gago talaga yun ha..Iwanan mo na nga yan.."

"Yun nga din ang naiisip ko.."sabi ko sakanila

Pero joke lang yun no.Alam kong may pag-asa pa kami.Pag-asang maging isang pamilya.

Nanlaki naman ang mga mata nila..

"Seryoso ka?Sigurado ka?"-Hannah

"Hmmm..Hindi ko kaya eh"napakamot naman sila sa batok nila

"Siguro hindi nalang ako magpapadala ng damdamin ko.."dagdag ko

"Ano ba yan"

"Bwisit naman.."

"Kala ko iiwan mo na!"

"Pag-ibig nga naman"

natawa nalang ako sa mga pinagsasasabi nila,sabik na sabik talaga silang iwanan ko na si Sean

"Sabihin mo lang kung may kaylangan ka.."-rian

"Kung matagal ka ng naghold on at wala pa ding nangyayari,hindi let go ang solusyon dun kundi acceptance..Kung yan ang gusto mo kaylangan mo ng tanggapin.."dagdag pa niya

"Kung pwede lang sanang maging bata ulit..yung tipong wala kang iisiping lovelife kundi puro laro lang"sabi ko sabay ngiti

"And maybe if i stop getting my hopes up I'll quit being disappointed"nginitian naman nila ako at dahil nga sa ang babaw babaw ng luha ko ayun naiyak na naman ako..

"Shhh..Wag ka ng umiyak lumaban ka para sa sarili mo..Kung mahal mo siya maging masaya kana lang kung san siya masaya..At kung saktan ka niya lumaban ka wag kang papatalo sakanya"-Samantha

"Never beg someone to stay zia..Dahil kung pinagpipilitan mo mas lalo ka lang masasaktan hanggang sa mamanhind na yang puso mo"-Frea

"You know what?I'm waiting for the day to come that someday i will be treated like a priority instead of just an option.."sabi ko habang umiiyak

niyakap naman nila ako ng mahigpit..

"Basta andito lang kami palagi zia..Wag kang mahiyang tawagan kami..Tutulungan ka namin.."sumangayon naman sila sa sinabi ni Samantha

"Salamat..Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo."

"Sus..Ihahatid ka na lang namin sa bahay niyo.."-trixie

"Oh pano ba yan Karla..Mauna na kami miss ka na namin,bibisita nalang ulit kami sa susunod"paalam ni Hannah

Ipinatong namin ang kanang kamay namin sa puntod ni Karla.

"Fight Fight Fight!"tapos nag highfive kaming anim

"Kumain muna tayo.."pag aaya ni Hannah

"Libre mo!"sabay sabay naming sabi

"GAGO!kanya kanyang bayad!"natawa naman kami sakanya

Marami pa kaming nagapag usapan..Nilubos lubos na namin ang araw na to saka ayoko pang umuwi..Masasaktan lang ako kapag  nakita ko si Sean.

His Martyr Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon