Seventy-One: Foggy day

5K 182 47
                                    

Sa malapalasyong tirahan ni Princessa Olivia...

"Prinsessa Olivia?"  Mahinang tawag pansin ng isa sa mage na nautusan na dalhin ang scroll sa palasyo. 

"Magsalita ka." Utos ni Olivia.

"Ipinabibigay po ito sa inyo ng babaeng mage." Nakayukong sabi ng mage habang nakalahad ang dalawang kamay na may hawak na scroll.

Suminyas si Prinsessa Olivia sa isa sa dalawang pinagkakatiwalaan nitong attendant.  Pagkatapos kunin ang paper scroll ay bumalik ang attendant sa tagiliran ni Olivia at binuksan ang scroll pero hindi nito iyon binasa.  Iniharap nito iyon kay Prinsessa Olivia para mabasa nito ang laman. 

Habang binabasa ni Olivia ang nilalaman ng scroll ay unti-unting napakunot noo ito.  Maya-maya ay nalilisik ang mga mata nito.

"Lapastangan!" Galit na sigaw ni Prinsessa Olivia sabay tingin sa mage na nagdala ng scroll.  Lahat ay naghihintay sa susunod na gawin nito.

Magsasalita na sana si Olivia ng matigilan.  Nag-iisip.

Tahimik naman ang lahat ng makitang nahulog sa malalim na pag-iisip ang prinsessa.  Pagkaraan ng ilang sandali ay biglang tumayo si Prinsessa Olivia saka tumingin sa mage na may dala ng scroll. "Sumama ka." Utos nito.   Saka nauna na itong naglakad palabas ng malaking manor. 
Agad na naging alerto ang mga tauhan ni Prinsessa Olivia at mabilis na sumunod dito.

Nanginig ang mage na nagdala ng scroll. Kaya nito dinala ang scroll at ibinigay kay Princessa Olivia dahil malaki ang takot nitong humarap sa hari, pero mukhang doon din ang patutunguhan nito.

"I need to see my father." Pagbigay alam ni Olivia sa apat na guwardiyang nasa labas ng silid ng hari. 

Magalang na sumauludo ang mga ito kay Olivia saka ipinaalam sa hari ang prisensiya ng prinsessa. 

Sa loob ng silid ng haring Archibald.

Ibinigay ni Olivia ang scroll na natanggap sa hari.  Naroon din sa silid na iyon ang dalawang lalaking tagabantay ng hari.  Sina Hugo at Rocco.  Masasabing sa buong Baltaq ay ang dalawa ang pinakamalakas na mga mages. Naroon din si Captain Velex. Hindi pa man  natapos basahin ang nakasulat sa scroll ay namula na ang mukha ni Haring Archibald sa galit.

"Sino ang baliw na nagpadala nito?" Galit na tanong ng hari.

"Ayon sa mage na nagdala nito ay nanggaling ito sa babaeng mage na ipinapahanap ninyo." Sagot ni Princessa Olivia.

"Hugo, Patayin mo ang babaeng ito bago sumikat ang araw bukas." Galit na utos nito. Sabay bigay kay Hugo sa scroll.  Pagkatapos basahin ni Hugo ay ibinigay naman nito iyon kay Rocco.

"Masusunod mahal na hari." Pagkatapos sumauludo ay umalis na ito.

Naiwan si Prinsessa Olivia, si haring Archibald, Captain Velex at Rocco sa silid.

"Anong nangyari Ama?"

Hindi sumagot si Hari g Archibald ngunit tumingin ito kay Captain Velex.

Si Captain Velex na mismo ang nagkuwento kay Prinsesa Olivia sa nangyari sa paghahanap ng babaeng mage.

"Akala ko ba AirMage ang babaeng iyon? Bakit ngayon may kapangyarihan siya sa tubig?" Labis ang pagtatakang tanong ni Princessa Olivia.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Where stories live. Discover now