Chapter One

13 0 0
                                    

"Lapitan mo na kaya," kinukulit si Nina ng kaklase niyang si Sarri na lapitan ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanila, sa kaniya. Halatang matagal-tagal na itong nakikipagtalo sa sarili kung ito ba'y lalapit o hindi. Inirapan lang niya ang kaklase at nagpatuloy sa pagkain na sangkapat pa lang ang nagagalaw. Kalahating oras na lang ang natitira sa lunch break nila, pagkatapos klase na naman sa asignaturang pinaka-ayaw niya, ang Agham, kaya kailangan niyang kumain ng marami dahil siguradong gugutumin lang siya sa kakaisip.

Naramdaman ni Nina na may mga matang sumusunod sa bawat galaw niya, maiilang sana siya kung hindi lang siya nasasarapan sa kinakain niyang lasagna. Eksaktong pag-angat niya ng kaniyang ulo ay nagtama ang mga mata nila nung lalaki, sa halip na magkailangan ay nagkatitigan sila nang matagal. Hindi pa sana iiwas si Nina kung hindi lang siya kinurot ni Sarri dahilan para mapagtanto niyang nagngitian pala sila nung lalaki at nag-init ang kaniyang pisngi.

Tawa ng tawa naman ang kaniyang katabi sa mga nagaganap at kahit gaano ka sama ng tingin ang ginagawad niya dito ay wala pa ring epekto, kapag si Sarri na talaga ang kinikilig wala ka ng ibang magagawa kundi ang pabayaan ito.

Umiiling na lang si Nina at nagpatuloy ulit sa pagkain, sakto namang natapos siya ay tumunog ang kampana bilang hudyat na tapos na ang break at pasukan na naman.

Akmang tatayo siya nang lumapit ang lalaki sa kaniya at bumulong, "Sabay tayong uuwi mamaya," ngumiti ito sa kaniya habang ginugulo ang buhok ni Nina, tinanguan lang niya ito pero bigla na namang nag-init ang mukha niya at minabuting itago ito.

"Bye-bye Andrew," pagpapa-alam ni Sarri sa lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil sa kakangisi habang papa-alis.

"Tayo na nga Sarri!" padabog na sabi ni Nina. Abo't hanggang tengang ngiti na sumunod ito sa kaniya at wala nang ibang sinabi kundi, "Uyyy."

♦♦♦

"Sa wakas uwian na," hugyaw ng mga estudyante na nag-uunahang makalabas ng paaralan.

"May naghihintay sa'yo," sabi ni Sarri kay Nina habang ngumunguso sa may pintuan.

Patay! Palpak na naman tatakasan ko sana 'to.

Nininerbiyos na nilingon ni Nina sa lalaking lumalakad papalapit sa kaniya habang nililigpit ang mga gamut niya.

Matipid siyang ngumiti dito, "H-," "Tol Hindi ako makakasabay sa ito pag-uwi ngayon," singit ni Aljon. Wrong timing ka naman tol.

Tinitigan niya ito na mukhang nagpapatulong ngunit hindi nito nakuha ang ibig niyang ipahiwatig at nawala na ito sa kaniyang paningin.

"Ahem," may tumikhim at natataranta niyang sinunod ang pinagmulan ng boses, "Lumayas na nga kayo sa harapan ko," Kunwa naiiritang saad ni Sarri pero napakalapad ng ngisi sa kanila.

Pinandilatan niya ito ng tingin at iginulong lang nito ang mga mata sa kaniyang ginawa.

"Dito ka lang diba?," tanong ni Andrew kay Nina na hindi namamalayan na nakarating na pala sila sa tapat ng bahay niya matapos ang ilang minutong paglalakad at walang imikan.

"Palaka! Este oo, s-salamat," wala sa tamang pag-iisip na sagot niya at kumaripas ng takbo papasok ng pintuan.

Bahala nang mag-mukhang nakaka-insulto. Bulong niya sa sarili at pilit na pinapakalma nag nagririgodon niyang puso.

Nakapagbihis na siya ng pambahay ng mag-ring ang cellphone niya, habang binabasa ang mensahe'y hindi niya mapigilan na mapangiti.

Sabado naman bukas kaya babawi ako, see you at 7 p.m., may sasabihin ako. -A.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Nov 02, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Sirang PlakaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora