A.A#5

5.3K 112 2
                                    

-Joshua Pov-

"Alam niyo may kakaiba doon sa lampa girl na iyon." napatingin naman ako kay Chun chu na ngayon ay nagbubukas na naman ng lollipop.

"Tama ka," pagsang-ayon ko.

"H-Ha? Ano bang kakaiba sa kaniya?" napailing na lang ako dahil parang kinakabahan si Devvy sa sarili niyang tanong.

"Wala akong makuhang kahit anong information sa kaniya," I said.

"Baka naman naka private lang,"

"Curios kayo?" tanong ni Junsen.

Itong mga piping ito, pag si lampa girl ang pinaguusapan lumalabas ang bibig.

"Pasok na nga tayo, kaysa naman intindihin niyo iyang lampang iyan!" saad ni Trixie.

TRIXIE GAIL SY (DARK QUEEN)

Hindi siya kasama sa gang namin dahil may sarili siyang gang, girlfriend lang talaga siya ni Dave kaya palagi siyang nakasunod sa amin.

Deatherry Ai, napailing naman ako sa nahanap ko. Nakakatakot naman ang pangalan ni lampa. Agad kong sinearch kung ano ang ibig sabihin nito at hindi nga ako nagkamali.

Death(erry) — Kamatayan.

How about Ai? Tsk.

Ilang sandali pa ay bigla kong naalala iyong paulit-ulit na sinasabi ng ex-girlfriend ko.

"WO AI NI, JOSH."

It means I love you, so the word Ai ay Love, what the.

"Ang galing!" tanging na sabi ko.

"Baliw ka na ba?" 

"Gago, may nalaman lang ako." sagot ko kay Chun chu.

Hindi na ako nagdalawang isip at agad na lumabas sa hideout namin para puntahan si lampa girl.

"Death, Death, Death," agad ko siyang tinawag nang makita kong mag-isa siya.

"Mamatay ka na." she said.

Aba!

"Gusto lang naman kitang maging kaibigan eh," nakangiting saad ko.

"Napakabitch talaga niyang lampang 'yan" Girl 1.

"Oo nga, ang landi." Girl 2.

"Ano ba? Alam mo ba na pag naging kaibigan kita guguluhin na naman ako ng mga babaeng may gusto saiyo! Alam mo rin bang sawa na akong mabugbug?! Halos araw araw na lang masakit ang katawan ko, kaya pwede ba? Layuan mo ako."

Napatulala na lang ako sa sinabi niya, k-kasalanan ko pa???

"Hi, Cy—I mean, Death." bati ni Corrine kay lampa.

Cy?

"Ang lakas talaga ng loob niyang lampang iyan! Namumuro na siya sa akin!" Girl 3.

"Mamaya iyan sa akin!" Girl 4.

"TUMIGIL NGA KAYO!" sigaw ni Corrine na ikinatahimik ng lahat.

"Nakakainis, ano bang dapat kong gawin para bumalik ka sa dati?" tanong niya kay lampa.

Darn, anong relasyon niyo sa isa't-isa?!

ANGEL ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon