Panimulang Sulat

78.1K 1.7K 301
                                    

Dear Diary,

Hindi naman ako pangit pero bakit wala akong boyfriend? Ni walang manliligaw. Ni walang nagtatapat sa 'kin na crush nila ako. Ni walang inili-link sa 'kin.

Okay lang sana kung may isa akong outstanding feature e. Kahit sana hindi kagandahan, at least man lang sexy. O kung hindi sexy, maganda ang mukha. Kahit buhok lang!

Pero nabiyayaan ako ng plain na mukha, nothing special.

Dull ang buhok ko.

Average ang katawan. Hindi naman sobrang taba pero may fats. Hindi pa sexy.

Nagtataka lang naman ako kung bakit 'yung di hamak na mas pangit sa akin ay may boyfriend. May utak naman ako, may talent, may kaya. Mabait naman ako, mataray kapag kinakailangan... Hindi man ako palangiti, approachable naman ako.

May sense of humor ako. Quotang-quota na ako sa common sense. Pero bakit?

Bakit wala akong boyfriend, manliligaw o nagkaka-crush man lang?

Ano ang problema sa akin, diary?

Pakisagot please.

Nawiwirduhan sa sarili, 

Ingrid

The Misadventures of Finding Mr. Right 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon