Chapter 2: Behind those Smiles

38 3 2
                                    

'Hoy denise'- tawag ni Tita

'Po?'- kahit nman medyo magaspang ang ugali ni Tita syempre may respeto parin ako sakanya siya kasi ang tumatayong guardian ko since palaging wala si mama busy kasi sa trabaho Pero okey lang nasanay na ata ako. Siguro? Iniintindi ko nlang para din nman sakin yun ehh.

'Nagpadala na ba ang magaling mong mama?'- Tita na may sigarilyo pa sa bibig habang nagbibilang ng kita niya ngayong araw, gabi na kasi at oras na para mag sara.

'Wala pa nga po eh! Tatawag kasi yun kapag nakapagpadala na siya. Ay teka Tita Baka nman po uuwi na si mama. Ayieee Tita Ano sa tingin mo? Excited na kong makita si mama'- napapatalon pa tlaga ako sa naiisip ko na uuwi si mama, di ko na nga halos tanda kung kelan siya huling umuwi eh palagi nalang business trip sa abroad Sige nlang din ako wala din nman akong magagawa ehh.

'Abay pambihira nman yang mama mo. Anong akala niya sayo di lumalamon? Tsaka asa kapa na umuwi yun'- napatigil pa tlga siya sa pagbibilang para sabihin yun napa pout Tuloy ako

'Tita nman lamon talaga di pweding kain nlang?'- ako Sabay buhat ng upuan.
'Pareho lang yun gaga at least nilalamanan ang tiyan'- balik ulit sa pag bibilang

'Tsaka kung di narin siya magpapadala maganda din na umalis kana dito. Tanda-tanda muna nga eh dapat sayo bumukod na'- pagpapatuloy niya

'Grabe ka nman Tita tsaka ayaw mo nun may mag aalaga na sa inyo'- Sabay ngiti ng malapad Kay Tita pano kasi tatanda pa yata 'tong dalaga xD

'Kilabutan ka nga sa ginagawa mo!'- Tita sabay alis

'Teka San po kayo pupunta?'- pasigaw Kong tanong

'Matutulog malamang, bilisan mo at isarado mo na to'- Tita sabay talikod

'Ah okey po. Huwag niyo pong kalimutan magdasal'- ako sabay ngiti ng napakatamis tinignan ako ng masama ni Tita Pero syempre di ako nagpasindak

'Ay oo nman. Sa subrang madasalin ko ipagdadasal ko pa pati kaluluwa mo'- ganting tugon ni Tita.

'Huh?'- Ano daw?

'Ewan ko sayo'- Tita sabay talikod

'Bye Tita goodnight tsaka GOOD LUCK'- pasigaw kong sabi sinadya ko talagang diinan yung huli para mainis na siya at nag bilang na ko ng palihim 'in 3. 2. 1'

'L*tseeeeee *Blag*Crack*'- bwahaha 1 points for denise, and for Tita - 0 .

'Hahaha good night tita'- pahabol ko pa. After ko magsara syempre naglinis na ko ng katawan.

*Bbrrzzzzzzt* (calling Mama ❤)
Dali-dali ko nmang kinuha ang phone ko actually kinakabahan ako half of me kasi is hoping na uuwi siya pero yung half Hindi na.

'H-hello ma'- nag shutter pa tlaga ako. Miss na miss ko na tlaga siya

'Hello anak'- sagot ni mama Pero Bakit parang ang tamlay ng boses niya may problema na nman kaya?

'Okey ka lang po ba ma?'- ako

'Oo nman anak'- sagot niya

'You sure?'- paninigurado ko

'Yeah, sa totoo niyan may good news and bad si mama para sayo anak, Ano gusto mo unahin?'- she's trying her best to make me smile Pero mas matutuwa ako pag presence niya mismo ang makikita ko.

'Good news po'- I'm a bit tense

'Okey, ang good news may dagdag na ang allowance mo medyo marami rami narin kasi ang investors and good thing yun sa company natin'- tugon niya, Alam ko na to . good news Pero mukhang bad news parin

'And the bad news'- but I'm still hoping. Medyo humina na ang boses ko trying to compose my self mahihirapan kasi si mama pag narinig niya kong umiyak kaya as much as possible pipigilan ko muna to ngayon. Naging Workaholic kasi si mama simula nung mawala si papa dun niya na binuhos lahat kaya Hindi ko siya masisisi subrang mahal nila ang isat isa eh ako nlang ang magpaparaya.

'Ayun na nga dumami ang investors at kailangan ako dito so Hindi na nman makakauwi si mama diyan. I'm sorry anak'- sabi na ngaba eh lagi din nmang ganito mangangako siya na uuwi siya tapos di nman pala

'Okey lang ma naiintindihan ko po'- pagsisinungaling ko

'I'm really sorry tlaga anak'- pagsusumamo ni mama

'S-Sige po, Salamat nga po p-pala'- I'm really trying my best not to cry.

'Youre welcome, oh Sige I have to go'- pagpapaalam ni mama

'Okey Sige po b~ (toot-toot) bye, magingat kayo Diyan ma, I l-love you po'- nagsalita parin ako kahit na Alam kong binababa na ni mama, unti unti ko naring binababa ang cellphone ko at pinunasan ang mga luha na naghahabulang lumabas na kanina ko pa din pinipigilan

'Ano ba yan Denise ang iyakin mo tlaga *sob* para din nman s-sayo yan eh *sob* anong iniiyak iyak mo? Nakakainis ka nman eh *sob* tama na kasi uuwi din si mama uuwi siya kasi nangako siya'- para na kong baliw kinakausap ang sarili habang umiiyak. Biglang nawala ang lakas ng tuhod ko kaya napaupo nlang ako at hinayaan nlang ang mga luha ko na kanina pa gustong lumabas. Bakit ganun subrang hina nating mga anak lalo na kung magulang ang pinaguusapan. Bakit kaya?

*chapter 2 done ^_^
Plss vote and comment. Love lots :*

My One Wish (When Nerdy Meets Mr. Popular)Where stories live. Discover now