Chapter 22

10.1K 276 1
                                    

Hellistine's POV

"P*nyeta" naririnig ko na lang ang kaniya-kaniya nilang mura.

"Last thirty seconds" pagpapaalala ko sa kanila.

Natataranta na rin si Alexa at Tamara pero si Jessica at Kiana ay nakafocus lang sa target nila.

"Twenty seconds"

Mas lalo pang inigihan ni Jessica ang pagtarget sa bote ng yakult.

"Ten, nine, eight" bilang ko

Hanggang sa tumigil na si Kiana at binaba nito ang kaniyang hawak na baril.

"It's yours" sabi niya kay Jessica at tinapik pa ito sa kaniyang balikat.

"I'm still focusing on it" sabi ni Jessica

"Five, four, three, two...."

"One/Yes!" Kasabay ng pagbilang ko ng huling segundo ay siya namang pagtama niya sa target niya.

"Good job Jessica but you need more training" sabi ko at tumango lang siya.

"Fight me" halata namang nagulat sila.

"What!?" Sabay-sabay nilang sabi

"I said fight me" napalunok naman na sila. Ako naman ay napangisi na lang.

"Juice colored! Ayaw ko pang mamatay!"

"Gutom na ako eh!"

"Seriously? Kakalabanin natin si Hell?"

"Malupit yan eh! Mag-expect na kayo na sobrang sakit ng katawan niyo pagkatapos"

Kung ano-ano pa ang sinasabi nila hanggang sa pinalibutan nila akong apat.

Matagal na rin since nung huli nila akong nakalaban at wala namang masama kung gagaiwn ulit.

Third Person's POV

Pinalibutan na ng apat si Hell at lahat sila ay nakafocus lang sa kanilang reyna. Napangisi na lamang si Hell at hinihintay kung sino ang unang susugod.

"Are we allowed to use weapons?" Tanong ni Jessica

"As you wish my dear cousin" napalunok naman sila ng bahagya ngunit hindi na nila na ito pinahalata.

Nakakatakot ang itsura ni Hell ngayon at masisigurado nilang hindi lang ito normal na laban dahil kakaibang lumaban si Hell.

Nagkasa naman ng baril si Jessica at Kiana at sinimulan na nilang paputukan si Hell. Samantalang si Tamara ay hinahagisan ng mga knives si Hell at si Alexa naman ang naghahagis pa ng mga shurikens kay Hell.

"P*ta!"

Napapamura na lang sila ng lahat ng ginawa nilang tira ay naiwasan ni Hell.

"Hay nako, ang lakas pa din talaga niya" iiling-iling na sabi ni Kiana at naglagay ng bala sa baril na hawak niya.

"What do you expect? Si Queen kaya yan!" Pahayag naman ni Tamara

"Woy! Ang ingay niyo! Mamaya na yan! Nawawala si Queen!" Tarantang sabi ni Alexa

Lahat naman sila ay nakiramdam pero sobrang tahimik at wala kang makihaan ng clue kung nasaan nga ba si Hell.

"I'm here"

"T*ngina!" Napamura na lang si Kiana ng biglang sumulpot sa likod niya si Hell at sinipa ang tagiliran nito.

Muli na naman nilang pinaulanan ng mga kung ano-ano si Hell pero gaya ng kanina, wala ni isa doon ang tumama sa kanya.

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now