Horror Story 3

296 10 1
                                    

Reincarnation?

Kagabi lang to nangyari sa akin. As in kagabi lang. At hindi ako nagbabasa ng mga creepy story or what so ever. Hindi din ako matatakutin. At hindi din ako nag iimbento ng kwento. It was my 1st time, encountering yung ganitong dream.

Kasi ganito yun. Bago ako matulog nagprapray ako palagi para lagi akong gabayan ni God kahit na natutulog ako.

So, eto na nga tandang tanda ko pa kagabi. Nasa isang bahay ako. Alam nyo yung bungalow na bahay ganun sya at maganda yung bahay. Alam kong mayaman ang may ari nito dahil ang gagara ng mga gamit. At hindi ito moderno, nasa 60's, 50's some what like that basta vintage style sya.

Malawak yung bahay kumbaga kung ikukumpara sya ngayon, mansyon na worth 5M. Sa paglilibot ko sa bahay, may mga paintings ata ba yun or litrato na malaki na nakasabit sa wall ng bahay nila. Isang pamilya. Ang nanay mukhang maldita, yung tatay parang wala lang kaso mukha syang general dahil sa suot nya. Tapos yung sana gitna ang mag isang babaeng anak at duon ako nagulat dahil ako yun!

Tho, may braces ako ngayon. Pero I'm sure. Ako talaga yung nasa litrato. Sa mukha, ako talaga. Lalo na yung buhok! Jusme ako yun! Sa takot ko tumakbo ako palabas ng bahay nila. Ewan ko din bat ako nakalabas sa sobrang lawak ng bahay nila. Paglabas kong ganyan andun yung tatay, oo namukhaan ko sya dahil sa bigote nya. Ang akala ko nga din sa mga TV lang yung ganun. Madaming gwardya sa labas na nakabantay.

At somewhat nakita ko sa peripheral vision ko yung kamukha ko. Nasa may lamesa na may payong. May kasama syang dalawang babae. Siguro kasambahay kasi nakatayo lang sila sa gilid nung babae.

Dahil sa pag kakaalam kong hindi naman nila ako nakikita. Nilapitan ko sila. Ako talaga yun. Hindi lang physically ko sya kamukha, mentally din. Dahil pareho kaming tamihik at palaging nilalaro ang kuko.

Ilang minuto ang lumipas tumayo sya at parang may pupuntahan. So ayun sinundan ko na lang. Parang papunta syang kusina nila. Pagpasok namin dun, grabe ang lawak ng kusina nila. Ang daming kasambahay at taga luto. Parang may handaan atang gaganapin at napakadami nilang niluluto at hinahanda. At abalang abala silang lahat sa kani-kanilang trabaho.

Sinundan ko ng sinundan yung kamukha ko. Kaso wala ng nakasunod sa kanyang mga kasambahay (yung dalawang babae). Tapos tumigil sya. Sa may bandang sulok kung saan dun naghahati at nagtataga ng mga karne, yung mga taga luto na lalake. Madaming nakasabit na karne. Alam mo yung naka hook sila ganun. Parang karnehan lang. Sa laking gulat ko tumakbo yung babae at nasabit yung panga nya sa may hook. Grabe!

Walang nakapansin sa kanya kasi busy ang lahat. Natakot ako! Hindi sya makasigaw. At walang lumalabas sa bibig nyang ingay. (Siguro pipi sya? Yun ang pagkakaalam ko kasi kanina pa sya walang imik). Tapos nangingisay na sya at ang daming dugo. Bumabaon ng bumabaon yung hook dahil sa galaw sya ng galaw.

Mga ilang minuto pa ang lumipas napansin ng isang lalake na nakasabit yung babae. Nagkaroon ng chaos sa buong kusina. Nataranta silang lahat dahil sa nakita nila. Dali dali nilang tinulungan at ibinaba yung babae. Nung naibaba na sya hindi na sya gumagalaw. Naisip ko hindi ba nila alam magcheck ng pulso kung buhay pa ba o hindi?

Biglang pumasok yung papa nya sa kusina. Nagsisisigaw. Grabe nakakatakot. Pag luhod nyang ganyan chineck nya ata pulso ng anak. Tapos bigla na lang syang umiyak. At alam ko sa parteng iyon patay na sya. At nalamin ko ding kaarawan nya. 

Sabi nila kung saan daw yung balat mo, dun yung sanhi ng pagkamatay mo. May balat ako sa may panga. So posible ngang ako yun?

Spooktacular Real Horror StoriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt