CHAPTER EIGHTEEN

1.1K 33 0
                                    

Nilapitan ni JP si Rod. Ito ang tumawag sa kanya kanina, gusto daw siya nitong makausap. Dahil gabi na at may pasok pa sila kinabukasan niyaya nalang siya nito sa pinakamalapit na parke sa loob ng subdivision nila.

"I like her since first year high," umpisa nito. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa kabataang masayang nag swi-swing kasama ang mga parents nito. "I like her bago ko pa nalaman na engaged na kayo. I like her when I saw her secretly crying. I like her when she laughs and speak nonsense. Lalo na ang katakawan niya sa pagkain. I like her more for being simple kahit mabibili naman niya lahat ng bagay pero hindi ko siya nakitaan ng mamahaling bagay," ngumiti ito. "When I learned na isang kasunduan lang kung bakit kayo nagsasama, inaamin ko na ako ang pinakamasaya. I still have a chance to win her over you," humarap ito sa kanya.

"JP, kung hindi mo naman siya mahal. Please let her go, and I promise you. I will never make her cry and suffer. Ibibigay ko lahat ng mayroon ako sa kanya. Kung tatalikuran man siya ng lahat nandito ako sasamahan ko siya. Let her do the things she wanted. She deserves freedom to choose—what and who she likes. If you just afraid tungkol sa mamanahin mo, then I am willing to help you."

Tinabihan niya si Rod.

"I wanted to let her go and I tried to push her away from me. Pero hindi iyon nangyari. Nakatali na kami sa isa't isa hindi paman kami naiiluwal sa mundo. Do you think it is easy for me to live without her now? Walang araw na hindi kami magkasundo, walang araw na hindi siya nagagalit sa akin, she's the most nagger girl I ever met. But she's the only one who could understand and make me happy. Siya lang at wala ng iba. Tinuruan niya ako sa napakaraming bagay ng hindi niya alam. I've done stupid things just because of her. Rod, she's my fiancee but I will never use that tittle to win her heart or take advange on her. Sorry pero hindi kita mapagbibigyan."

"You can't make her happy! She doesn't like you."

Natahimik si JP. "Tigilan mo na si Casey dahil ikakasal kami kagustohan man namin o hindi and that's my final decision."

Isang suntok mula kay Rod ang natikman niya. "I don't want to see her suffer anymore, JP! Gagawin ko lahat para maging masaya at maging akin siya, tandaan mo yan!"

Gumanti ng suntok si JP kaya sumadsad si Rod sa lupa. "Gago ka pala, eh! Stay away from my fiancee! I am warning you."

Nilapitan sila ng isang gwardiya na nagpa-patrol. "Anong nangyayari dito? Okay lang ba kayo?" tinulungan nito si Rod na makatayo. Galit na tinalikuran niya ito.

Nauhaw si Casey kaya lumabas siya sa kanyang silid. Nagtaka siya kung bakit bukas pa ang ilaw sa salas at kusina. Gising pa si JP? Late na ah. Tinungo niya ang ref at kumuha ng tubig.

"JP?" inilapag niya ang pitsel at nilapitan si JP na nakayukyok ang mukha sa mesa. "Hey, why you are sleeping here?" niyugyog niya ito. "Wake up and go upstairs. It's cold here."

Umungol ito at nagtaas ng mukha. Napansin niya ang pasa nito sa mukha. "What... what happened? Bakit may pasa ka? Kanino ka nakipagbugbugan? Kailan ka pa natutong magkipagsapakan ha?" sermon niya.

"Ngayon lang," sagot nito.

Kumuha si Casey ng ice cubes at binalot iyon sa hand towel at idinampi iyon sa pasa niya sa mukha. How could he let her go? Hindi siya papayag na makuha ito ni Rod sa kanya.

"Huwag mo akong titigan, hindi ako ang kalaban mo!" mas diniinan nito ang pagdampi kaya napangiwi siya.

"May galit ka ba?"

"Wala naman. Sayang nga eh, dapat buong mukha mo nagkapasa ng matuto ka."

"Sabihin mo lang kasi kung nag aalala ka sa akin, pwede naman."

MARRYING MY BEST ENEMYWhere stories live. Discover now