34

30.1K 656 60
                                    

Abala si Zea sa pag aayos ng mga detalye para sa kasal nila ni Ravin. Pagkatapos kasi nilang makuha si Vienna ay sinabi na ni Ravin na simulan na nilang ayusin ang kasal. Gusto kasi nito na mapag isang dibdib sila sa lalong madaling panahon. Ngayon nga ay namimili na sya ng desenyo ng flower bouquet.







"Mommie fewie where is daddy?" paglalambing sakanya ni Vienna. Naka kandong ito sakanya at nakapulupot ang kamay sa kanyang leeg.







Kanina ay nag paalam sakanya si Ravin na aalis saglit. Babalik daw ito bago pa dumating ang coordinator nila sa kasal ngunit mag iisang oras na ang bisita nila ay wala parin ito.







"He went out sweetie. Maybe he is with your tito Nick."







"Hmm. Ok." Bumitiw ito sa kanya at tinignan ang kanyang ginagawa. "What is that mommie?"






"Flowers sweetie."






"For your wedjing?" masayang tanong nito. Bumaba pa ito sa kanyang hita at tumayo sa gilid ng lamesa.






"Yes sweetheart." Bahagya nya pinisil ang pisngi nitong napaka cute.




"Can I see?"





Nang ibigay nya dito ang catalogue ay tuwang tuwa itong nag buklat ng nag buklat. Bawat isang pahina ay masusi nitong tinitignan. "They're so beautiful mommie fewie, jut like you."





Hinaplos ang kanyang puso sa sinabi nito. Kahit kelan talaga ay napaka sweet ni Vienna.





"Thank you Baby. You are beautiful too. Just like me."





"Lilly? So I can also melly someday?" she said hoping. Sya naman ay halos maubo sa sinabi nito.






Bago pa sya makasagot ay narinig na nya ang boses ni Ravin.





"Hell no!" nakita nya itong malalaki ang hakbang na papunta sa kanila.





"Ravin!" pagalit nya dahil sa pagmumura nito. Isa sa lagi nyang ipinaaalala dito ay ang hindi mapigilang pagsasabi ng hindi kaaya ayang salita kahit nasa harap ng mga bata.







Nang makalapit ito sa kanila ay nakanguso itong yumakap sa kanya. "Sorry." He whispered. "Kasi naman narinig ko yung kasal ni cupcake ko." Humarap ito sa bata at pinangigilan ang pisngi nito.






"Daddy!" naiirita nitong tinangal ang kanyang kamay. "You don't want me to melly?" she said pouting. Muka na rin itong iiyak na ikina taranta ni Ravin.







"No!" sagot nito. Dahil doon ay tuluyan ng umiyak si Vienna.






"Why don't you want me to melly?" Nagpapadyak nitong tanong. Pinipilit itong hawakan ni Ravin ngunit umiiwas ito.







"Cupcake its not that. Its just-"






"You don't love me?" Nakatingin ito sa ama at pinipilit paluhain ang mata.





Tumingin sa kanya si Ravin. Nanghihingi na ito ng tulong sa kanya.







"Shhh. Stop crying sweetheart. Mommie would allow you to marry but, you have to promise me one thing." Pag salo nya sa natataranta na talagang binata.







Para naman itong nahimasmasan sa kanyang sinabi. Lumapit ito sa kanya at kumandong.





"Lilly?" she said. Pinupunasan nya ang luha nito mula sa pag arteng iyak.




Sa kanyang gilid ay naka upo si Ravin na hindi na ipinta ang muka.







" wifey don't allow her!" bulong nito. Pinandilatan na nya lang ito bilang tugon.






"Yes sweetheart. Like mommie you can also marry someone you love someday but-"







"Only when you turns 40." Ravin interjected.


"40?" tila nag isip ito saglit bago ulit bumaling sa ama. "My next birthday?"



"No!" Ravin was in panic now. Para itong mauubusan ng ipapaliwanag sa anak.

"But, I am three now Daddy. And my next birthday will be forth-eh."


Hindi na napigilan ni Zea ang matawa sa usapan ng mag-ama. Lalo na sa kakulitan ni Vienna. Pati narin ang coordinator ay nakitawa sa kanya.








"Enough with that Ravin!" sasagot pa sana ito ng panlakihan nya ulit ng mata kaya naman tumahimik nalang ang lalaki. Ngunit nakanguso naman ito na parang nag dadabog sa kanya.







"Sweetheart listen to mommie. You can marry someday if." Binulong na nya lang dito ang kanyang kondisyon na ikinatawa ng bata. Si Ravin naman ay nakaangat ang kilay na nakatingin sa kanila. Nakikita nya sa muka nito ang kyuryosidad ngunit hindi nya ito sinagot.










"WIFEY ano ba kasi yun?" patuloy na pangungulit sa kanya ni Ravin. Tinatanong parin nito sa kanya kung ano ba ang sinabi nya kay vienna kanina.







"Rav, di ka pa maka move on dyan? Matutulog na tayo yan parin? Hala move on na Mr. Lockheart ok?"







Para naman itong nainis sa kanyang sinabi. Alam nyang gusto talaga nito iyong malaman pero hindi nya sinasabi dito. Natutuwa syang makitang naiinis ito dahil sa unang pagkakataon ay hindi sya ang nasunod sa bahay.






"Ayaw mo talaga sabihin?" nakatayo ito malapait sa kama.






Umiling sya bilang tugon at naupo sa kama.







"Ayaw mo talaga?" ulit nito.








"AYAW." Natatawa nyang sagot. Kahit kelan talaga napaka pilit nito.






"Ayaw pala ah. Let us see."






Naiiling syang nakatingin dito. Makikita talaga sa muka ni Ravin ang determinasyong alamin ang kanyang sinabi.







"Ano namang gagawin mo aber?"








Nag angat lang ito ng balikat sakanya. Natatawa na lang sya dito. Pero ng makita ang ginagawa ng lalaki ay nag simulang uminit ang kanyang katawan.

Lalo na nang hawakan nito ang zipper ng pantalon at sinimulang ibaba iyon.





Holy molly mukang balak nitong gamitin ang art of seduction malaman lang ang gustong malaman.










_________________________________

A/N: Sorry sabaw!

Happy halloween


Lockheart Series 3 - Ravin's Revised RuleWhere stories live. Discover now