(2) 3AM

40 0 12
                                    

Alvyn POV

Halos isang buwan na rin ng mangyari ang insidenteng iyon. Hindi ko na rin nasabi sa mga magulang ko at tiyak na magagalit ang mga ito. Parang gusto ko ulit malaman kung ano ba talaga ang nangyari noong nasa totoong magulang pa ako. Dapat ko pa bang balikan yun?

"Hey!" napatingin ako sa kamay ni Kent na winagayway sa harapan ko. Napa-atras ako ng kaunti at napasandal sa umupu.an. Nandito kami ngayon sa library para tapusin ang proyekto na ipapasa sa sususnod na araw.

"Ano ba ulit yun?" pagtatanong ko ulit. I'm spacing out again. "Ano plano natin next week?" summer na kaya't excited na rin kami para ditto.

"Dating gawi sa bahay bakasyunan." tanging sagot ko. Simula noong naging magbarkada kami ay doon na kami palagi pumupunta sa bahay bakasyunan. "Sorry guys pupunta kami kina lola may sakit kasi siya at kailangan kami doon." sagot naman ni Rieyne habang nagta-type sa laptop nito. Napahinto kami ni Kent sa ginagawa naming at tiningnan siya.

"Kailan?"

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Isa-isa naming pagtatanong sa kanya. Napahinto rin ito sa ginagawa niya at tumingin sa aming dalawa na naghihintay sa sagot nito.

"Kaninang umaga lang. Susunod naman kaagad ako sa bakasyunan niyo, B" tumango naman kami at hindi na rin nagtanong pang muli. Pinagtu.unan naming ulit ang ginagawa namin at para matapos na ito ngayong gabe. Di rin namin namalayan ang oras at biglang tumunog ang cellphone ni Kent. "Alis muna ako. Death anniversary pala ni mama ngayon." Dali-dali itong niligpit ang gamit niya at inilagay sa bag nito.

"Sama kami Kent" sabi ni Rieyne sa kanya at magliligpit na rin sana kami ng pinigilan niya kami. "Huwag na. Bukas nalang natin tapusin ito." hindi na kami nakapagsalita dahil dali-dali na itong umalis.

Minabuti naming na tapusin nalang ito ngayong araw dahil malapit na tin naman ito matapos. Mag-aalas otso na ng gabe ng matapos namin ang proyekto. Papunta na sana kami sa parking lot ng biglang bumuhos ang ulan. Aalis na sana ako ng bigla niya akong pinigilan.

"Huwag mo akong iwan dito" may kung anong takot sa boses nito. "Kukunin ko lang ang sasakyan mabilis lang ako, B. Baka kasi mabasa pa yang paper works na ginawa natin." Pagpapaunawa ko pa sa kanya at mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko. Mabuti nalang at may guwardyang dumaan at nakisuyo na rin kami para payungan hanggang sa parking lot.

Aalis na rin sana kami ng bigla niya naman hinawakan ang braso ko. Ano bang nangyayari sa kanya? Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil iyon.

"Tell me. Anong problema?" mahinang pagtatanong ko sa knaya. "Wala" tipid na sagot nito. Babae nga naman.

"Sasama nalang ako sa iyo." nagulat ito sa pagsambit kung iyon. Umiling ito. "Di ako magtatagal doon, B. Yung totoo kasi ayoko ng bumalik doon" nagtaka ako sa sinabi niyang iyon. May dapat ba akong malaman?

Minabuti muna naming pumunta sa isang fast food at doon niya na sabihin. Habang naghihintay ng order ay tinatong ko ulit siya sa doon sa sinabi niya.

"Ayoko ng balikan yung alaala na nangyari sakin noong bata pa ako." medyo nagugugluhan pa ako sa sinabi nito sa akin. "Ano bang nangyari?" ginagap ko ang kanyang mga kamay at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Naalala mo yung sinabi ko sayo tungkol sa bata? Napaniginipan ko kasi siya kagabe. B, galit na galit siya sakin. Hindi ko naman gustong iwan siya doon. Wala akong choice kung hindi sumama sa mga magulang ko." Mangiyak-ngiyak na sabi nito sa akin. Lumipat ako ng puwesto sa kanya at humarap. "Panaginip lang iyon, ok? Kung magkita man kayo doon sabihin mo sa kanya kung bakit nawala ka. Miintindihan niya naman yun siguru." pangiting sabi ko sa kanya at medyo gumaan ang pakiramdam nito.

3 AMWhere stories live. Discover now