Chapter 3
Neighbor
Monday and I was stalking Madox' Facebook. It's fucking morning and I am not in the mood to work. Nasa condo pa ako at tinatamad akong pumasok sa office. Wala namang bago sa facebook niya, she just posted a new profile pic while jogging. Showing her toned abs and sexy arms.
1562 likes? Really?
Bakit ba ganito siya mag jogging? Kailangan talaga ganon ka provocative ang damit? Napapailing nalang akong sinara ang FB app ko at nagdesisyong gumayak.
Pagkalabas ko ng building ay nakita ko ang isang transloco team. Mukhang may bagong salta sa building. Hindi ko na pinansin ito at pinuntahan ang kotse ko.
Matagal na ako sa condo kong ito at matagal narin na bakante ang katabing unit ko. Balak ko ngang bilhin dati tapos ipatibag ang division between the two units but I didn't need a bigger space dahil single naman ako at di naman ako laging nag i stay sa condo ko dahil nauwi rin ako sa space ko kina Mummy. May kamahalan ang mga units sa sa building kung saan ko nabili ang Unit ko kaya hindi rin agad agad talaga mabebenta ito. I wonder kung sino ang nakabili?
I was busy thinking of what to do with my life nang naisip ko na naman ang nangyari sa Republiq. She has changed. Akala ko ba mahal niya ako? Bakit ang bilis naman niyang makipagdate sa iba?
I tried to divert my thoughts to work when I arrived in the office. And what's new? Wala na naman akong Secretary. Ano ba namang buhay ito? Kelan ba talaga may tatagal sa akin na Secretary?
Naiisip ko tuloy, siguro ako talaga ang may pangit na pamamalakad sa lahat? Am I that bad boss? Bad Boyfriend? 'wtf is wrong with me?'
Tinawagan ko si Nadia at di pa man ay narinig ko ng sabi niya.
''I have your new secretary coming''
Tumawa nalang ako. ''Thanks Nadia, you're the best''
''Ako na ang magiging secretary mo if this one resigns''
''Hahahahaha'' Malutong na tawa ko. Saka ko binaba ang linya.
Hindi nga nagtagal ay may kumatok na sa office ko.
''Goodmorning Sir'' Bati ni Nadia
''Nadia'' Sabi ko at saka napako ang tingin ko sa babaeng nasa likod niya.
Sir Eric, I'd like you to meet your new secretary. ''This is Brey Jacinto''
''Ikaw?'' Sabay pa naming sabi.
''Do you know each other?'' Takang tanong ni Nadia.
''We've met last Saturday'' Sabi ko saka tumingin kay Nadia.
''Great so I hope you two get along well'' Sabi nito at alam kong hirap na siya sa kakahire ng secretary ng madalian. Hindi ko nga alam kung papaano ito nakakapaghire lagi ng kapalit ng mga nagresign kong secretaries.
Tinitigan ko lang si Brey, she has this angelic face pero mukhang ang lalim ng iniisip lagi.
''Alright Nadia, orient her on the things she has to do'' Baling ko kay Nadia after a while.
''Come on Brey'' Narinig kon sabi ni Nadia at lumabas na sila.
Madox' POV
Inis na inis lang ako sa kumag kong ex dahil sa nakakabwiset naman siya talaga. Agad akong tumayo at sinabing tipsy na ako para makauwi na. Mabuti at di na ako pinigilan ng mga bestfriends ko. All that fucking moment Eric was there to flirt with all the girls in the dancefloor. 'nakakabwiset'

BINABASA MO ANG
Finding Duology Book 2- FINDING THRESHOLD
RomanceFrom finding Mary Sue to this. Will Eric Hugo Riviera finally understand what's missing in him? Join him in his quests, heartaches and ways to understand the lacking piece to his happiness. Kung ang pamamangka ba sa dalawang ilog ay paraan para mala...