Chapter Three

27 1 0
                                    

Chapter Three

Nagulat ako kasi agang aga may nagtext sakin na hindi ko naman kilala. Ayoko silang replyan pero masyado akong curious kaya tinatanong ko narin kung sino at pagnalaman ko na, di ko na rereplyan.

 Unknown:

Hi. Ü

Tinanong ko muna kung kilala nila kung kaninong number yon para di na ko magrereply. 5 mimutes break naman kaya okay lang. Pero walang nakakakilala sa number na to.

Me:

Sino 'to?

Unknown:

Czian. Grade 12.

Sinong Czian naman ito? As far as I know, kilala ko lahat ng batchmate ko, since tatlong class ang meron kami at nirereshuffle every school year at naging kaklase ko halos lahat.

Me:

Czian?

Unknown:

Czian Gomez.

Anak ng pitumpu't pitong pitugo naman!! Ito na naman? Landi naman nitong Gomez na to.

Me:

K. Saan mo nakuha ang number ko?

I can't believe na nagtetext ako sa class hours! Yes, I do that. Pero para sa lalaking ito? Katapusan na ba?

Czian Gomez:

Kay Iya. Anong ginagawa mo?

Siraulo ba sya para di malaman na naglelesson? Akala ko ba nagtransfer na sya rito?

Me:

Wag mo kong itext nagdidiscuss ang adviser namin.

Pagkatapos nun ay di ko na pinansin kung nagreply yun o hindi. Basta nilagay ko sa bulsa ko at nakinig kay Ms. Regalado.

Dumating ang lunch break at ayokong kumain dahil busog pa naman ako sa kaninang umaga.

Pinuntahan ko muna yung mga ka-groupmates ko nung sayaw. Di ko naman sila kaklase, isa lang sa kanila.

"Hi Kai!!" Bati sakin ni Clare.

"Hello. Miss ko na kayo." Sabi ko naman.

"Di na tayo magkakasama no? Haay." Sabi ni Clare.

"Di rin. Lagi na akong pupunta sa room nyo dahil kay Layt." Magkaklase kasi sila.

Sanay na sanay na ko na tumatambay sa ibang classroom. Lalo na pag ayaw ko sa amin. Sanay narin naman ako pagalitan kasi bawal yun at dati ko pa ginagawa.

"Uy Kai! Sorry ha. Binigay ko kasi number mo kay Red." Sabi ni Iya na galing naman sa isa pang class.

"What?! Sinong Red?" Panibago na naman ang magtetext sakin?

"Si Czian. Type ka yata nun eh. Ayiiiiie." Panunukso nya sakin na nakakaasar.

"Ah. Nasabi nya nga sakin. Pwede ba, Iya. Tigilan mo ko at dun ka na sa Jiro mo." Edi siya na may boyfriend na kasing sweet ng candy.

Pero sinasabi ko sa inyo. Maghihiwalay din yan kahit na mag-iisang taon na sila. Diba nga walang happy ending? Tss.

"Kinikilig ako, Kai. Wag kang ganyan!" Sabi nya na medyo tatawa tawa at halatang kinikilig.

"Tss. Oo na. Mauuna na ko." Umalis na ko. Kinikilibutan kasi ako kay Iya. Hahahaha.

Medyo nagitla ako. Bigla na naman kasing nagvibrate phone ko. Madaming nagtetext sakin pero kadalasan GM lang. Pero at this hour? Wtf.

Reasons Why I Don't Believe in Happy EndingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon