More pa-sample na horror one shots

350 3 0
                                    

Alright, from the last chapter ng mahiwagang librong ito, nagpa-sample ako sainyo ng horror story na somewhat lame becus i'm still an amateur... lels

sino pang nakabitin sa oneshot ko kanina? (TAAS PAA!)

Meron pa akong isa pa saka ipopost ko ito when I'm running out of memes. bye. Belated Halloween ulet... >A<


******

KABABALAGHAN NG CALUNGSOD

2 - Kyle "Lola"

*****

Mag-aalas nuwebe nang gabi nang papauwi pa lang si Kyle Cerdon galing sa may park sa Pili. Mag-isa syang naglalakad sa napakadilim na sidewalk ng highway. Halos wala nang nakabukas na ilaw at kakaunti ang dumaraang mga sasakyan rito. Damang-dama ni Kyle ang napakalamig na simoy ng hangin kasabay ang pasimulang pagpatak ng ulan sa paligid. Sa ganitong panahon, isinuot nya ang black na jacket at binuksan ang asul nyang payong galing sa bag pampanangga sa masamang panahon.

Naka-ilang metro nyang nilakad nang tanaw na tanaw nya sa may kalayuan ang imahe ng isang matandang babae na nasa edad 70's, mag-isang nakatayo sa harap ng pedestrian lane, at mukhang basang-basa pa ata ito sa buhos ng ulan.

'Kawawa naman si Lola, dapat ko nga syang tulungan pagkat matanda na at hinang-hina na nya.' He thought. Saka kumaripas sya ng takbo sa direksyon ng matanda at isinilong niya ang lola sa ilalim ng kanyang asul na payong. Napatingin na lang ang lola sa katabing binata na nagpasilong sa kanya.

"Mano po Lola," Bati ni Kyle sa matanda at kasunod naman ang pagmano ng lola sa kanya. "Ayos ka lang po?" Ngumiti ang lola saka ito sumagot.

"Syempre iho, ayos pa naman ho ako. Salmat pala Kyle iho! Ang laki-laki mo na ang tagal-tagal nating di nagkita." Tumawa pa ang matanda na ikinasabay pa ng binata pagkat na-miss na ng matanda ang batang nakilala nya.

"Kilala mo pala po ako dati." Nakangising sabi ng binata. "Lola po, saan ka nga po ulit umuuwi?" Dagdag nyang tanong sa matanda.

Tinuro ng matanda ang direksyon ng daan pauwi. "Diretso ho ako dyan sa pinakamalapit na kalye sa harap, saka kailangan pang tumawid dito sa kalsada pauwi."

"Ah, Lola samahan na lang po kita. Hatid na lang po kita pauwi. Delikado dito pag wala ka pong kasama kahit habang madilim at umuulan pa." Tumango na lang ang lola sa pabor ng mapagtulunging si Kyle.

Inalalayan ni Kyle ang matanda at sama-sama silang tumawid sa kalsada at dumaan na sila sa sinabing pinakamalapit na kalye. Palakas nang palakas ang ulan kasabay nang nakakabinging kulog at kidlat na mismong nagliliwanag sa madilim na daanan.

Tumigil ang dalawa sa paglakad sa hindi magandang pangyayari. "Ay Lola, dun muna po tayo sa may waiting shed. Pahinga muna po tayo doon saka tayo uuwi na pag wala na pong ulan."

Sinamahan nya agad ang lola papasok sa may waiting shed para sumilong at umupo sila sa may mahabang bench sa ilalim nito. Habang naghihintay ay kinausap ng lola ang binata.

"Alam mo iho," Kuwento nito kay Kyle. "Naalala ko ho tungkol sa apo kong si Jorgie (kunwari apo nya), pag ganitong masama ang panahon palagi nya ho akong dinala dito para sumilong at magkwentu-kwentuhan habang gabi't umuulan pa..."

Nanlaki ang mga mata ng binata at saka nagtanong. "S-si Jorgie Infante? Yung kaklase ko po? Siya po yun apo mo?"

"Oo iho, malamang magkaklase't magkaibigan nga kayo, halata naman diba? Nagkita pa naman tayo noong PTA conference kasama yung apo ko. Binigyan mo pa nga ako ng isang boteng tubig." Pagpatuloy ng matanda habang tumatawa pa.

"Hmmm..." Ngumiti ang binata. "Sige baka bukas na bukas po kakausapin ko 'tong si Jorgie na nagkita po tayo. Nga pala po, uuwi po sana ako kaso ang boring, wala na po akong magawa pa pag masyado pang maulan." Bakas ang kalungkutan sa mukha nito.

"Kakantahan na lang kita iho ng aking pinamanang awit para sa mga naging anak at apo ko." Paanyaya ng matanda, at nanliwanag ang binata kaya ito'y tumango na lang.

"Sige na po, Lola" Sang-ayon nya.

Sinimulan nang umawit si lola ng isang kundiman, ang hele para sa buong pamilya. Nakikinig si Kyle sa hele nito at malinaw na malinaw itong pakinggan bukod sa pag-agos ng walang pigil na ulan. Napaiyak na ang binata sa kalagitnaan ng hele nang naalala nya ang mga alaalang nagmula sa kanyang pamilya't mahal sa buhay sa walang kapalit na pagmamahal na binigay sa kanya, gayundin sa pagmamahal na dala ng lola sa mga kamag-anak nya.

Habang ang lola'y umaawit pa, biglang natanaw ni Kyle ang dalawang lalaking naka-itim na may dalang payong na naglalakad papalapit sa shed. At di sya nagkakamali na paparating na sa kanila sina Giovanni Obligado at Paulo Agojo.

Lumapit ang dalawa para kausapin ang binatang umiiyak sa ilalim ng shed. "Kyle, malungkot na ka naman. Ano bang problema mo? Mag-isa ka nanaman" Bungad ni Paulo na ikinataka ni Kyle.

"Guys, may kasama ako dito." Reklamo ng binata.

"At sino yun?" Ani Paulo.

"Kasama ko ngayon yung lola ni Jorgie. Kayo pala, saan ba naman kayo nanggaling?"

Nagkatinginan ang dalawang lalaki bago bumaling kay Kyle. Napabuntong hininga na lang si Gio bago ito sumagot.

"Imposibleng kasama mo sya, Kyle. Nasisiraan ka na ba? Wala kang kasama dito. Kakagaling pa lang kami ni Paulo sa bahay ni Jorgie, nakikilamay lang sa burol ng lola nya."

Imposibleng kasama mo sya, Kyle. Nasisiraan ka na ba? Wala kang kasama dito. Kakagaling pa lang kami ni Paulo sa bahay ni Jorgie, nakikilamay lang sa burol ng lola nya.

Imposibleng kasama mo sya, Kyle. Nasisiraan ka na ba? Wala kang kasama dito. Kakagaling pa lang kami ni Paulo sa bahay ni Jorgie, nakikilamay lang sa burol ng lola nya.

Imposibleng kasama mo sya, Kyle. Nasisiraan ka na ba? Wala kang kasama dito. Kakagaling pa lang kami ni Paulo sa bahay ni Jorgie, nakikilamay lang sa burol ng lola nya.

Imposibleng kasama mo sya, Kyle. Nasisiraan ka na ba? Wala kang kasama dito. Kakagaling pa lang kami ni Paulo sa bahay ni Jorgie, nakikilamay lang sa burol ng lola nya.

"T-t...talaga???" Nagulat si Kyle sa di-makapaniwalang pangyayaring natanggap ng dalawa. Di totoong patay na ang kasama nyang lola kaya lumingon ulit siya sa likuran nang wala na ang lola. Sa sandali'y dinig na dinig nya rin ang walang-pigil na awit ng lola, papalakas nang palakas sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. At naging palalim nang palalim ang nakakapangbasag-salamin na boses ng lola na nakapangingilabutan sa tatlong binata.

Inangat ang ulo ni Kyle nang natanaw ang kaluluwa ng lolang kumakanta na lumilitaw sa ere sa gitna ng malakas na ulan na ikinamuhi ng tatlo. Nanlaki ang mata ng binata at binitawan ang kanyang asul na payong. Nagsitayuan ang mga balahibo nya sa kanyang nakita bago nyang inalarma sa mga kasama nya.

"Gio! Paulo! Mukhang wala na tayong mapapala sa kanya! Tumakas na tayo ngayon din bago pa nya tayong maabutan!"

Sigaw nya sa dalawang kasamahan nya at kumaripas nang takbo ang tatlo papalayo sa matandang aswang kahit basang-basa sila sa matinding panahon sa gabing ito.


********

~~AWOOOOOOTORITY!!! B>

lels

Ang Pinakamalupet na Memes! ~ ANG UNANG ALBUM!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon