Oneshot

69 1 0
                                    

November 1, 2015
10:59 AM

"Arshi, handa ka na ba?" Napatigil ako sa pagsintas ng aking sapatos at napatingin kay Tita, nakasuot ito ng black dress na hanggang talampakan, may puting kwintas at puting sandalyas. Huminga ako ng malalim at tumango.

"Yes tita, andyan na ho ba si Mang Edgar?" Tanong ko, si Mang Edgar ay ang driver namin. Pupunta kasi kami sa sementeryo. Dadalawin ko si papa at mama na limang buwan ng patay. Namatay sila sa isang aksidente, car accident. Sabi ni kuya Ershin ay may nakitang tao si mama at papa na tatawid sana sa kalsada kaya nataranta si papa at iniliko agad ang kotse. Ganun na lamang daw ang gulat ni papa nang biglang nawalan ng preno ang kotse kaya hindi nila naiwasan na malaglag sa bangin. Sa oras na 'yon, si kuya Ershin at silang dalawa lang ang nandoon sa kotse. Nagpapasalamat nga kami sa Diyos dahil nakita ng mga pulis ang katawan ni kuya Ershin bago sumabog ang kotse. Puno ng bubog ang mukha ni kuya at hindi na humihinga kaya isang milagro talaga nang mabuhay siya noong dinala sa Hostpital.

"Arshi? Nakikinig kaba?" Napatigil ako sa pag iisip at napatingin kay Tita. Andito na din si kuya.

"A-ano po 'yon?"

"Ang sabi ko, andyan na si Edgar. Hali kana't aalis na tayo. Hay Arshi, ilang beses ko bang sasabihin na 'wag mo nang isipin ang nangyaring iyon." Napangiti nalang ako ng mapait. Palibhasa kasi hindi niya nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Okay. Tara na po." Sabat ni Kuya kaya hindi na ako umimik. Naglakad na kami at sumakay sa sasakyan..

Tahimik lang kami sa loob, tila ba mayroong malaking yelo na nakaharang sa bawat isa. Ang bigat ng atmosphere.Hindi ko makausap ng maayos si Kuya dahil hanggang ngayon na trauma pa rin siya sa nangyari. Si Mang Edgar naman ay malayo sa direksyon ko, nakakahiya sa kanila na lalakasan ko pa ang aking boses para lang makapag usap sa kanya. Napatingin naman ako kay tita na ngayon ay nakatulala lamang sa labas ng bintana, napangisi ako. Mas pililiin ko pang manahimik nalang kaysa kausapin siya, hindi kami ganun kalapit sa isa't isa ni Tita Diera medyo may pagka strikto kasi siya at parang galit palagi sa mundo, ibang iba siya sa ugali ni papa na kanyang kapatid.

"Arshi?" Tawag ni kuya Ershin.

"Bakit?"

"So-sorry.. H-hindi ko naligtas sila mama at papa.. S-sor--"
Mahina at utal utal na sabi nito.

"Shh.. Kuya, walang may kasalanan ha? Walang may gusto na mangyari iyon." Paga-alo ko at lumapit sa kanya. Niyakap ko ito at ipinasandal sa balikat ko.

"Sorry. Hindi ko man naligtas sila mama at papa, pangako.. Aalagan at po-protektahan kita. Hindi hahayaan ni kuya na masaktan ka." Pabulong na sabi niya at ako naman ang pisandal sa dibdib niya. Napangiti ako. Kahit wala na sila ay mayroon naman akong kuya na mag aalaga sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SementeryoWhere stories live. Discover now