1. Unexpected Incident

278 5 0
                                    

Tea's picture above. 🙄

A/N: This is my first time writing a story. So I just hope no one will leave bad comments, thank you and God Bless. 😇

😡Tea's POV

I don't know why people these days are shameless, even in such exclusive malls. Kulang nalang kainin nila ang isa't-isa.

"Oh! Ba't parang uminon ka nang suka at sobrang asim yang mukha mo?" Inakbayan ako ni Frenz, ang isinama ko dito sa mall para magshopping.

Napairap ako. "Hay naku. Mga walang hiya kasi di alam kung saan ilagay ang pagkabastos nila." Ibinaling ko nalang sa ibang bagay ang mata ko para di ko ma-sita yung dalawang naghahalikan.

"Alam mo friend, wag mo silang pansinin. Punta nalang tayo dun sa H&M section." Hila-hila niya ako hanggang sa nakarating kami. Mabuti nalang at matiyaga tong kasama ko, ako pa naman ang nagyaya sa kanyang pumunta dito.
Ang reason lang naman kung bakit ako andito nagaaksaya nang oras eh para bumili ng isusuot ko sa 19th birthday nang classmate ko. Alam kong engrande ang party niya dahil nag-iisang anak lang naman siya ng university president namin.

Hindi kasi ako marunong pumili ng cocktail dress kaya isinama ko to si Frenz slash bestfriend slash fashionista kong roommate. Yes! Roommate, kasi nakatira kaming dalawa sa isang apartment. Malayo ang bahay namin sa school kaya kailangan magrent. Ayaw talaga ni mommy na humiwalay ako sa kanya pero talagang di ko kayang bumyahe nang malayo araw araw.

"Isukat mo nga to." Napa-angat ako at tumingin sa piniling dress ni Frenz. Isang white tube dress na may silver lace sa waist line. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan pero parang sobrang simple naman ata.

Sumunod si Frenz sakin papuntang fitting room section at nag-antay sa labas.
Sobrang nahirapan ako sa pag-angat ng zipper dahil nasa likuran ito kaya lumabas nalang ako at si Frenz na ang pina-zipp ko.

Feeling ko ang ganda ko tingnan kasi napa-nganga yung sales lady na nakatingin sakin at dahil sa maputi ako mas lalong pa akong pumuti dahil sa effect ng dress, na-emphasize pa ang boobs ko. Dyos ko Lord!
Pinaikot ako ni Frenz na parang isang model, feel na feel ko naman.

"We'll buy that." Walang pag-aalinlangang sabi ni Frenz habang kinindatan ako. So? Bagay talaga sakin. Dali-dali ako pumasok ulit sa fitting room at nagbihis.

Paglabas namin sa H&M section dumiritso kaagad kami sa ice cream parlor. I think two weeks na since last akong kumain ng ice cream.

"You know what Tea, this ice cream really tastes good. Baka maka-dalawang cone ako nito." She said while licking the ice cream.

"I know right." I respond.

Hindi pa nga nauubos ang ice cream ko nang may biglang bumangga sakin at napatapon ang ice cream sa chest ko. The worse thing is that I am wearing a white shirt right here, right now. Pansin kong napahinto siya at halatang galing sa pagtakbo dahil hinihingal pa.

My face turned beet red because of embarrasment, the crowd were looking not on my face but to my chest. Parang puputok ako nang wala sa oras at si Frenz naman halatang hindi alam kung anong gagawin.

Pagtingin ko nang diretso sa walang hiyang bumangga sakin, parang wala lang sa kanyang nakatitig sa chest ko at nakangiti. Aba't sobrang bastos niya ha? But.

Okay.

Fine. I admit he's hot but unfortunately pervert.

I was about to yell at him when someone clung his arm. "Please Tan, be my partner." She said pleasing and obviously she's also catching her breath from running after him. My eyes widened when I realized Im seeing Daphne, the one who invited me.

Hindi ko nai-tuloy ang paglabas ng galit ko dahil bigla siyang tumingin sakin. She was surprised when she saw me and my messed shirt.

"Oh! Tea, what happenn.." Hindi naituloy ni Daphne ang sasabihin niya dahil biglang sumabat ang walang hiyang bastos na lalaking katabi niya at kaharap ko.

"Nice boobs, Tea." Sabay takbo habang ako naman nagloading pagkatapos napanganga dahil sa sinabi niya. Aba't ang sarap patayin nang lalaking yun. Tinawag niya pa ako sa pangalan!

I got so irritated that I stomped the floor loudly.

"Tea, be there at my birthday. Bye!" Dali-dali niyang sabi at hinabol ang bastos na yun. Why is she running after him? Kilala niya ba talaga ang lalaking yun? Dyos ko Lord, nakalimutan ko pang andito ako sa mall nakatayo.

"Oh my god Tea, are you okay?" Pag-aalalang tanong ni Frenz sakin. Yung ibang tao nakatingin parin sa kin. Tinakpan ni Frenz ng shoulder bag ang chest ko para hindi ma showcase ang nadumihan kong damit.

Parang gusto kong matunaw katulad ng ice cream, sobrang nakakahiya talaga ang nangyari. Para akong artsitang sawi na pinagtitinginan ng mga tao. I swear, papatayin ko talaga ang lalaking yun pagnakita kami ulit.

"Tea, are you okay ba talaga?" Nag-aalala parin ang mukha ni Frenz na nakatingin sakin. Andito na kami sa apartment at nagpapatuyo na ako nang buhok. Pagkarating kasi namin dito agad akong naligo. "Tawagan ko kaya si Tita Yana." Aakmang kukunin na niya ang phone sa bag niya nang pinigilan ko. Tila nagising ako pagkarinig ko sa pangalan ni mommy.

"No, im fine. Hindi ko lang talaga kayang tanggapin ang nangyari kanina." Napa-buntong hininga ako. Hindi maaaring malaman ni mommy kundi sobrang mag-aalala yun baka nga wala pang isang minuto andito na siya.

Habang nag-aayos ako ng buhok may biglang sumagi sa isip ko. "Frenz, paano kung may nagvideo pala sakin at nakafocus sa chest ko? Mamatay na talaga ako." Mangiyak-ngiyak kong tugon. Maypagka-fit pa naman yung sinout ko.

"What? Wala naman siguro. At bakit ka ba na-woworry eh hindi naman kasing liit nang kamatis yang chest mo." Sinapak niya pa ako habang tawa nang tawa, aba't pinagtrippan pa ako sa sitwasyon kong to. Pambihira!

Binato ko siya nang hawak hawak kong unan. "Tss. Cege na nga kakalimutan ko na yung nangyari kanina sa mall pero hinding-hindi ko makakalimutan ang bastos na lalaking yun." Napatiim bagang ako.

"Ang sabihin mo hindi mo siya makakalimutan kasi gwapo siya."
Kinurot niya ang hips ko at tumawa ng malakas.

"Hindi ah!" Pagtanggi ko. Gwapo nga kasi talaga siya pero hindi naman nagmatch sa attitude niya. Ang bastos!

I SWEAR HINDING-HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA LALAKING YUN.

wristbandman©

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl's EnemyWhere stories live. Discover now