Chapter X (Almost Perfect)

320 96 177
                                    

"Tulala ka naman. Ano bang meron?"

Napabalik ako sa wisyo ng mag-salita sa Steph. "I'm sorry, may iniisip lang, ano nga pala sinasabi mo?"

Nag-patuloy ulit siya sa pag-sasalita pero 'di talaga ma-absorb ng utak ko dahil laging lumilipad ang isip ko. Hindi ko talaga makalimutan! Ba't kasi gano'n ang panaginip ko diba?! Para pang totoo kasi hindi matanggal sa utak ko.
Napa-sabunot na ako sa sarili kong buhok sabay sigaw. Napa-tigil ako ng makitang mag-kasalubong ang mga kilay ni Steph.

"S-sorry." sabay peace sign.

Napa-buntong hininga siya at naupo sa katapat kong upuan. "What's bothering you?"

"W-wala pagod lang ako." pag-sisinungaling ko ulit.

Ayokong sabihin sa kanya. Mamaya asarin pa niya 'kong pinag-nanasaan ko si Andro eh.

"May fashion show mamaya, so--"

"Victoria's Secret?!" gulat kong tanong.

Napairap siya. "Sabi na nga ba't 'di ka nakikinig eh. Tsk. Hindi, okay? 'tsaka baguhan ka pa lang kaya! Kumbaga parang-practice mo lang 'to, gano'n. Pero 'di ito VS."

Napatango ako "Okay, so kailangan ko ng beauty rest diba? Una na 'ko." paalam ko.

Ang aga-aga kasi niya akong pinatawag. Para kang naman dito. Tsk. Na-istorbo pa tuloy ang tulog ko.

Patayo na sana ako ng paupuin niya ulit ako. "Wait kasi!"

"Ano na naman?"

"Andro is here for--"

"Ano?! Ba't nandito siya?!" gulat na gulat na tanong ko.

Omg! Ba't ngayon pa?

Pinanliitan ako mata ni Steph kaya agad akong nag-behave. Baka makahalata 'to.

"Ngayong araw kayo aamin. Ipapaalam natin sa buong mundo na you two are dating."

Napanguso ako. Ngayon na pala 'yon? Ugh.

"How?" tanong ko hanggang sa ipaliwanag niya sa'kin kung pa'no. Kainis naman.

Muntik pa akong umangal nang sabihan niyang kaikangan kong maging sweet kay Andro kung ayaw kong mabulilyaso ang plano. Tsk. Ba't pa kasi kailangan pa naming gawin 'to? Eh parehas naman kaming sikat, mas sikat pa yata 'yong lalaking 'yon eh.

Pagkatapos na naman akong pangaralan ni Steph sy ss wakas hinayaan na din niya skong umuwi.

On the way na ako sa condo ko sakay ng kotse ko nang makatanggap ako ng message.

'OTW to New York. Let's have a dinner date later ;)'

Unknown number. Pero for sure kay Andro 'to. Jeez. What's with the emoticon?

I saved his number bago ako mag-patuloy sa pag-d-drive. Habang nakahinto ang kotse ko nang mag-red light ay napaisip ako.

Tama pa ba 'tong ginagawa ko? Para kasing nakaka-guilty. Nanloloko kami ng mga tao. Mga taong gusto kaming makitang mag-kasama. Tsk. Dapat talaga hindi na ako pumayag sa setup na ganito eh. Ang gusto ko lang naman kasi mag-model. Malaking blessing na nga 'yong pagiging sikat ko. Hindi na naman ako naghahangad ng sobra pa dito.

Kung umurong na lang kaya ako? Pero baka naman mag-taka ang mga tao at lalo pang maging issue.

Napahawak ako sa sintido ko 'tsaka ko lang namalayang nandito na pala ako sa harap ng building.

Pinarada ko ang kotse ko 'tsaka ako dumiretso ng condo. Saktong pag-kapasok ko naman ng mag-ring naman ang phone ko.

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko dahil si Kate ang tumatawag. Pero sa huli ay sinagot ko rin.

Almost PerfectWhere stories live. Discover now