Chapter 6 The Start

76 5 3
                                    

Sheen.

"Arf!!Arf!!Arff!!" Halos mapatalon ako sa gulat dito sa hinihigaan ko ng marinig ko ang tahol na yun,then i've notice that my face was so sticky.I opened my eyes then nakita ko ang tuta sa harapan ko.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi.
"What are you doing here cute little puppy?" Malambing kong tanong sa kanya halata pa rin sa boses ko na bagong gising.
Lumapit sya sa 'kin at humiga malapit sa hita ko.What a cute.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto. "Nakita mo ba si Coco?" Saglit akong napaisip.sino si Coco? Agad akong napatingin sa tuta malapit sa hita ko. Bago pa ako makapagsalita lumapit si Sam sa 'kin "C'mon Coco what are you doing here?Kagabi pa kita hinahanap ah" Tumahol si Coco sa harap nya.

Umalis na si Sam sa kwarto.Naiwan akong nakatunganga dito.
Ano nga palang meron ngayon?

Patay!!

Agad akong tumayo at pumunta sa banyo hindi ko na tinignan ang oras baka mas mabilis pa ako kay Superman kung titingnan ko pa kung anong oras na.Ano ba naman yan hindi ko man lang agad naisip na may pasok pala ngayon.Si Samantha naman hindi man lang ako sinabihan tsk.Alam ko naman sa sarili ko na kahit bata pa 'ko masyado na akong ulyanin,joke!

Pagkatapos kong maligo agad akong bumaba.Agad na bumungad sa 'kin si mommy.
"Akala ko wala kang balak pumasok ngayon," Sabi ni mom habang naghahanda ng pagkain. "Hello mom,first day ko 'to sa college life ko noh" Sagot ko nalang sa kanya. "Kumain ka na,yung kapatid mo nag paalam sa 'kin mauna daw muna sya,nagmamadali pa kanina eh," Ano ba naman 'yan,pati ba naman sa college life namin.Gusto ko pa naman ng kasama. "Sge mom,mauna na ako" Lumapit ako kay mommy para mag beso. "Nagluto pa naman ako ng breakfast para sa inyo" Kita sa boses ni mom ang pagkadismaya. "Ibabaon ko na lang 'yan" Nilagay ko sa baunan ang niluto ni mommy at nagpaalam na para umalis.

Naglakad na lang ako papunta sa sa Academy. Malapit lang naman ang 'McAldrich Academy' dito sa subdivision na tinitirhan namin.

Si Samantha? Gaya nga ng sabi ni mommy,maagang umalis, kung sabagay sanay naman ako.

Ilang minuto rin naman sa paglalakad nakarating rin ako sa 'McAldrich Academy' muntik ko ng makalimutan na sa kabilang building na pala ako.Nasanay lang siguro ako nung high school pa 'ko.

Agad akong nagtungo dun,
"Grabe mas lalong gumanda si Samantha ngayon," Dinig kong sabi ng isang babae.
"Oo nga,unlike dun sa kapatid nya!" First day ko pa lang 'to,kaya kailangan ko ng masanay.Totoo naman eh,pero wag naman sana nilang ipaglandakan yun.

Binilisan ko na lang ang paglalakad.Hahanapin ko pa ang room ko.Ano na bang oras ngayon?

Lagot! 15 minutes na 'kong late.

Tumingin ako sa bulletin board kung saang section ako na belong pero temporary lang naman ang section namin ngayon because we need to take an exam kung saang section kami ma belong.

Nakita ko rin naman agad ang name ko.Section 1 ako nag base kasi sila sa  previous grades namin.

Tumakbo na 'lang ako dun sa classroom ko.Tiningnan ko ulit ang relo ko 20 minutes na 'kong late.

Sa di kalayuan nakita ko ang room ko binilisan ko pa ng takbo hindi naman ako runner,dahil sa sobrang bilis ng takbo ko, yung parang nawalan ako ng break.Dire-diretso akong pumasok sa loob ng classroom.

←_←→_→

-_-

Nagulat na 'lang ako ng bumungad sa 'kin ang Prof.namin at mga classmates ko.

Lagot! Sa totoo lang hindi alam kong anong gagawin ko.NAKAKAHIYA!

Ano ba naman kasing nakain ko.Nakakahiya talaga promise! Parang natutunaw na tuloy ako sa mga titig nila.

I'm Secretly In Love With YouWhere stories live. Discover now