Chapter 17: I'm Here

19 9 9
                                    

Chapter 17: "I'm Here Behind You"

Plagiarism is a Crime:)

Enjoy Reading

______________________________________________________________________

Shaira's Point Of View
Pagkagising ko, ginawa ko na yung morning rituals ko.

Pagkatapos, lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Cengie.

"Cengie, gising na"
Gumising naman siya agad kasabay niya si Zain.

"Maligo na kayong dalawa, at pagkatapos, mag impake ka na Cengie ha?"

"Bakit po?"
Kawawa naman tong mga batang to wala silang kaalam alam sa mga nangyayari.

"Basta sundin mo nalang si Ate Shai ah, at ikaw Zain dalhin mo yung mga damit mo dahil uuwi na daw kayo ni Kuya mo Chanyeol ok?"
Tumango naman siya at malungkot na pumasok sa Cr.

Lalabas na sana ako ng hawakan ni Cengie ang kamay ko.

"Ate Sh-shai wa-wag m-mong sabihing uuwi na tayo sa pilipinas"
Naiiyak na sabi ni Cengie.
At yan na nga umiiyak na siya.

Lumuhod ako at niyakap siya naiiyak din ako.

"Shh.. hindi tayo uuwi may plano ang ate shai mo ok? Wait lang ah"
Tinawagan ko si Clark, at sabi ko na suotin niya na yung costume.

"Maligo ka muna at may ipapakita ako sayo"

At yun Naligo na siya. Maya maya pa pagkatapos niyang maligo saktong dumating na si Clark.

Natawa nalang ako sa kanya. Balot na balot siya sobrang laki ng jacket, naka mask siya at naka shades.

"Sino po Siya ate Shai?",
Tanong ni Cengie, si Zain naman natatawa.

At YUN NGA SINABI KO NA SAKANILA YUNG PLANO.

Nagpaiwan si Clark sa kwarto dahil kasama yun sa plano namin.

Bumaba na kami dala yung mga maleta, saktong pagbaba namin nakita ko si Chanyeol, hingal nas hingal siyang dumating.

Teka? Saan naman siya galing?

Eh 9:47 pa naman at mamaya pa ang sayaw nila.

Hinila niya si Zain.

"Talaga bang aalis ka na?"
Tanong saken ni Chanyeol.

Tumango naman ako, Cold niya akong tiningnan at hinila si Zain palabas at umalis na sila.

Sinundan ko siya ng tingin, nakita kong nagkasalubong sila ni Hoya, may sinabi si Chanyeol kay Hoya pero Hindi ko narinig.

"Hi! Babe! Let's go?"
Ngumiti naman ako sa kanya at lumabas na kami.

After 2 Hours na biyahe

Nakarating na kami sa airport.

"Hayy, babalik na kami ng mahal ko",
Sabi niya saken sabay akbay.

Dati kapag ganito siya saaken, kinikilig ako pero ngayon? Parang wala na lang saken.

Kung Di mo Lang talaga alam nandito lang si Clark sa gilid gilid.

Papaakyat na kami sa hagdan ng eroplano.

5



4


3



2



One!,
Tumakbo ako pabalik!

Exo CHANYEOL is My DESTINY  (✔)Where stories live. Discover now