.

133 9 6
                                    


Life is sweet. Life is good. It will always be the way you want it to be. Walang magsasabi na gusto na nilang mamatay, kahit na sa totoo lang, ang mga tao ay hindi titigil sa paghahanap ng paraan para mabuhay.

Iyon ang mga bagay na pinaniniwalaan ko bago ko makilala ang reyalidad.

I was never that pessimist until I woke up one morning and realized that glee just happens in fairytale. Who am I kidding? For an unfortunate nineteen year old bug like me, to be happy will never be an option.

Nasa pinakaperpektong panaginip ko ako noon nang magising ako sa ingay ng secondhand kong relo sa gitna ng kawalan.

Napangaga ako nang makita ang ninety-degree hand figure ng relo kong nakatutok sa nine na nagsasabing simula na ng klase ko.

Damn! Late na naman ako. Ulit!

At isa na namang frustration ang nagsimula nang makita ko ang anyo ko sa isang luma at basag na salamin. Galing sa pinakamaliit na bahagi ng utak ko (I'm too shy to say that I do have one), napansin kong mukha akong dork.

Maputi ang balat ko at fair naman ang complexion ko pero hindi ko lang maiwasang laitin ang mukha dahil sa mga nunal. Hindi malalaki kundi parang mga tuldok. Parang may constellation sa mukha ko pero itim ang mga bituin nito.

Siguro hinding-hindi ko maiimagine ang sarili ko na nagtatanong sa harap ng salamin ng 'Who's the prettiest of them all?', maybe 'Who's the lousiest of them all?' would do.

Ito lang palagi ang nangyayari sa akin sa loob ng kwarto ko sa apartment na ito. Magigising ako, magwawala dahil late na ako at magmamadaling mag-ayos kaya ang resulta ay hindi na ako makakakain ng almusal. At ang kamalasan ko ay magsisimula ng paulit-ulit, ulit, ulit.

Lagi akong bumibiyahe ng walong kilometro para lang pag-aralan ang mga bagay na hindi ko naman dapat malaman sa iskwelahan.

Tatlong minuto bago ako makarating sa apartment na tinutuluyan ko ay ang jeepney stop kung saan ang mga makasariling tao ay nagtatawag ng mga pasahero gamit ang makabasag eardrums nilang boses.

Bago ako sumakay, napansin kong puno na ang sasakyan pero obviously, ang kunduktor ay hindi pa kuntento. Sampo na kami sa bawat upuan pero ano? Mahuhulog na ang pwet ko pero gusto pa rin nila ng pasahero? Kamon!

My head was on the nearest explosive moment yet I have to be patient because this is one of the sacrifices a student must struggle to reach their Lamborghini dream. Finally, nahalata na ng barker na pupugutan na namin siya ng ulo kaya bumiyahe na kami. Answered prayer.

Habang nasa byahe kami, nakakita ako ng mga babaeng nagsusugal, mga batang naglalaro nang hubo't hubad at mga lalaking naninigarilyo sa lansangan.

Napaisip ako. Kuntento na sila sa ganoong buhay? My God, paano naman masusulusyunan ng presidente ang mga ganoong dilemma?

Dahil sa mga nakita ko, naging diterminado ako. However, naalala kong may sariling problema pa nga pala akong aayusin.

At last! Nakauwi din ako. Hindi ko narealize kung gaano ako katagal hindi huminga dahil sa scenario na yun. Another worthless and tiring day has passed. Nonetheless, exploring the world through education and with this institution filled with scholars (a school with deprived people yet packed with huge brain and talents as they suppose), I might say I'm starting to find my fate.

But then again, this so-called fate is selfish.

Gagraduate na sana ako noon sa two-year course nang ang last requirement ko ay nabulilyaso.

Umuulan noon ng malakas kasama ang kulog at kidlat habang iniisip ko na ayaw ng Diyos na makamit ko ang mga pangarap ko.

Namatay ang kuryente saktong isisave ko na sana ang research paper ko. How lucky.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

in saneWhere stories live. Discover now