Tip Numero Cuatro Y Cinco

2.4K 96 11
                                    

Tapos na ang klase ko. Next week magsisimula na ang bar exams. I felt pressured pero ito na yung time na hinihintay ko. I always pray to God na gabayan ako lagi sa laban na 'to. Gusto ko talagang maging abogado. Please God, tulungan mo po ako.

Papalabas na ako ng classroom at lumilipad pa ang aking isipan ng bigla akong nagulat sa kung sinumang nag-"boo" sa harapan ko. Muntikan ko ng masampal sa kanya ang notebook na hawak ko.

I just clenched my teeth ng makita kong nakangiti pa ito sa ginawang pang sisira ng thoughts ko and walk away.

As usual, para na naman itong asong nakasunod sa akin. Titigil ako kunwari at titigil din ito. Maglalakad ako uli tapos maglalakad din ito. Stop. Walk. Stop. Walk. Ginagaya nya ang ginagawa ko.

I'm starting to get annoyed. Ang kulit nya talaga.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko ng hindi na ako nakatiis sa kakulitan nya.

"Alam mo na yun," nakangiti pa ding litanya nya. Hindi ko yata nakikitaang nakasimangot ang taong 'to.

I rolled my eyes. Ano ba kasing naisip ko't pinatulan ko ang tanong nya. Mas mabuti pa nung hindi ko inientertain yung mga tanong nya at pagsinabi kong wag nya akong disturbuhin, umaalis ito kaagad.

And one thing, paniwalang-paniwala si bruha sa mga tips ko sa kanya. Eh gawa-gawa ko lang naman yun.

Anyamettin!

"Seriously? Ngayon mo talaga ako kinukulit?" Tumango lang ito. Tinignan ko ito ng matagal at ngumiti lang ito. "Nagugutom ako," pagsuko ko ng hindi talaga ito natinag sa tingin ko sa kanya.

"Sandwich!" Abot nya sa akin. Aba, ready?

"Ayoko nyan. Gusto ko ng ramen." Demanding 'no? Mayaman naman yan si Claud.

"Korean restaurant tayo!" Sabi ko sa inyo eh.

"Yung super spicy ramen. Tsaka kakain ka." Biglang sumama ang timpla ng mukha nya. Hindi kasi ito mahilig sa maanghang. I mean, she despised chili or spicy.

"Ha??? Eh, ano... libre na lang kita ha..."

Ngiting tagumpay ako ng patago ng makita ko ang reaksyon nya. Ang bilis lang talagang itaboy ni Claud. Hahaha! Buti nga sa kanya.

"Ay, no. Kung hindi ka kakain.... walang tip!" Tsaka ako nagpatiunang lumakad.

"Hala, wait!" Habol nito. Matigas din ah. "Sige na. Payag na ako."

Kitang-kita ang pag-aalangan sa mukha nito pero push pa din ang bruha. For the sake of that made up tip, she will sacrifice in doing what she dislikes. She must really into that crush of her.

Matagal kaming natapos kumain dahil parang sasabog na yung mukha ni Claud sa sobrang anghang. Tatlong kutsara lang nga nasubo nya'y akala mo mauubos nya na ang isang drum ng tubig.

"Ang init ng dila ko..." inom na naman sya ng tubig. Kanina pa kami tapos kumain. Nagpipigil naman ako ng tawa.

"At dahil sobrang tapang mo ngayon, dalawang tip bibigay ko sa'yo,"

"Talaga?" Excited na tanong nito. Biglang nawala ang nararamdamang anghang? Ano yun, acting?

"Yeah," pathrill muna. Inom tubig. "Hmm, tip number four, landiin mo ang crush mo at paggumanti ng landi, edi bet ka din nya."

"What? So, vulgar?"

"Tungang! Hindi naman kailangan maghubad ka! Ang green din ng utak mo. Hmp!"

"Ahw. Okay. Akala ko ano. So, ano yung isang tip?"

"And it will fall to tip number five, kung nalandi mo na at gumanti, edi mababasa mo na yung body language nya. Body language."

"Ano daw? Pareho lang naman yun."

"Walang ng ibang tanong. Bayaran mo na. Bye!" Tsaka ako umalis. Magtatanong pa kasi eh.

"Peachy naman!"

Paano mo malalaman na crush ka ng crush mo? (GirlXGirl) - CompletedWhere stories live. Discover now