Chapter 4

13 0 0
                                    

Chapter 4: Nobody

Humalukipkip ako habang iniinda ang init dito sa loob. Nararamdaman ko pa ang mga pawis na kumakawala ngayon sa aking mukha.

Hinawi ko ang mga takas na buhok sa aking mukha.

Tinignan ko si loser na kasalukuyang umaasang may signal dito. Idiot! Walang signal sa red area!

Napairap ako.

"Your hand" seryoso niyang tinignan ang kamay kong may dugo pa.

Umupo siya sa harap ko at kinuha ang handkerchief niya. Pinaikot niya ito sa aking kamay.

Pumukaw sa aking atensiyon ang malambot niyang palad na kasalukuyang dumadampi sa aking palad.

Habang ginagawa niya iyon. Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko sabay text kayla Thea.

Hey idiots I'm locked here at the abandoned storage room. Open the fucking door.

Agad kong itinago ang aking phone ng makitang paatras na siya.

*Click*

Isang mahinang tunog ang pumukaw sa aking atensyon kaya naman napatingin ako kay loser. Mukhang di niya napansin na bukas na ang pinto. hmm..

"Are you sure that we're locked here?" mahinahon kong tanong kay loser and he only give me a confuse look.

"I think it's open" tinuro ko ang pinto na medyo nakaawang na

"What?! That's impossible" Agad siyang lumapit sa pinto at napagtantong tama nga ako

Tumayo na ako at mahinahong lumabas. Napakamot na lamang ng ulo si Loser sabay labas na rin sa storage room.

"Your handkerchief" tinignan ko siya.

Luminga-linga siya sa paligid na para bang may hinahanap. Tss. Hindi niya ata ako narinig.

Tumalikod na ako at pinabayaan na lang siya.

Lex' Point of view

"YARI NA NAMAN TAYO KAY QUEEN!!"

"BAKIT KASI HINDI NIYO MUNA INALAM KUNG SINO YUNG NASA LOOB?!"

"HINDI NATIN MATATAGUAN SI QUEEN"

"PAANO NA?!!" sigaw ko sabay gulo sa buhok ko.

Hindi na namin alam ang gagawin dahil siguradong may parusa na naman kaming matatanggap kay queen.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Teka nasaan si Lianne?" tanong ko ng mapagtantong apat na lang pala kami dito sa HQ

"May pinapaasikaso daw sa kaniya si Queen eh" paliwanag ni Lisa

Hindi ko kayang magtagal dito. Maglalakad-lakad muna ako sa campus.

"Yung mask mo te?" tanong ni Jen sabay turo sa mask na nakasuot sa aking mukha.

Tinanggal ko ito at ibinato sa kaniya.

"Pakitago muna" pagkasabi ko nun ay agad ko nang tinungo ang pintuan para makalabas sa aming HQ.

Luminga-linga ako at iniisip kung saan pwedeng pumunta. Hindi ako maaaring mapunta sa mataong lugar dahil baka may makakita sa akin.

Bumuntong hininga ulit ako.

Siguro dun na lang ulit ko sa dating tambayan ko.

Nang makapunta na ako sa aking dating tambayan ay sinuri ko muna ito.

Tulad parin ng dati. Masagana parin ang mga bulaklak at kumikinang ang bawat dahon na aking nakikita.

Huminga ako ng malalim para langhapin lahat ng fresh air dito.

"HAYYYYY- *cough* *cough*"

Napalingon ako sa direksyon na pinanggagalingan ng usok na aking nalanghap.

Agad na pumukaw sa aking atensyon ang lalaking nakaupo sa isang bench malapit sa akin. Naka pang school uniform siya at hawak-hawak niya ang isang stick ng sigarilyo na talaga namang nakapag pa bwisit sa akin.

"Hoy Mister!" sigaw ko na naging dahilan ng paglingon niya

"Are you talking to me?" inosenteng tanong niya sa akin

"Don't english english me mister! Tayong dalawa lang ang nandito kaya sino sa tingin mo ang kakausapin ko?" tinaas ko ang aking kilay sabay cross ng aking arms.

"Shut up miss your voice is really loud" mahinahong sabi nito na agad namang nakapagpataas na dugo ko

"At talaga naman- Excuse me mister pero kaya pumupunta ang mga tao dito para makakuha ng fresh air but you're ruining the fresh air" tinitigan ko siya ng masama

"Well sad to say miss but I... don't really care" nginitian niya ako at bumuga ulit ng usok na naging dahilan ng aking pag-ubo.

Tinitigan ko siya ng masama habang palayo. Pero dahil hindi ko mapigilan ang aking inis ay tumakbo ako papunta sa kaniya.

"AHHHHHHHHHHHHH"

Addah's Point of view

"Natapos mo na ba ang pinapagawa ko?" Tanong ko kay Lianne.
Nilapag niya ang mga papel na kailangan ko.

"Are you sure about this?" napangisi ako at tumango

"Bakit biglaan?" seryosong tanong niya.

Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Queen's rule.

"Fine" tinaas niya ang dalawang kamay bilang sign ng pagsuko.

"I will go now" umatras siya at nagbow sa akin. Tumango ulit ako at ngumisi.

I will make sure that they will suffer.

Lumabas ako at pumunta sa office ni tita.

"My! What brings you here?" masayang bati sa akin ni Tita pagkapasok na pagkapasok ko sa office niya

Inabot ko sa kaniya yung mga papel na pina asikaso ko kay Lianne.

Napatingin si Tita sa mga papel and she gave me confuse look.

"My squad will transfer here" I smile devilish

Lianne's Point of view

"WHATTTTTT!!" sabay-sabay na sigaw nila pagkatapos kong sabihin ang pinapasabi ni Queen

"IT'S IMPOSSIBLE! EVERYBODY IS HAUNTING US! PAANO TAYO MAKAKAPAG-ARAL?!" natatarantang sigaw ni Jen

"Well atleast nilagay tayo ni Queen sa iisang section" mahinahong sabi ko

"How about our data? How come naasikaso yung mga papel ng wala manlang tayong data?" tanong ni Lisa

"Well she is a Kuin. What can you expect?"

"What? I don't get it" hinilot niya ang kaniyang sentido

"She use her power to secure our data but she make sure na makukumpleto ang mga papel natin para makapag transfer tayo so we're back to zero." Ngumisi ako. That's her plan.

"We will be nobody" Mahinahong sabi ko sa kanila

"N-nobody?" sabay-sabay na tanong nila.

---

Next Chapter
Chapter 5: The Queen is Back

The Lost CrownWhere stories live. Discover now