Audrey

3 0 0
                                    


"Mm, ang sarap! Tikman mo, Sage!" Pagkatapos makipaglaro ng ilan pang minuto kay Heidi at sa iba pang man's best friend, inaya mo akong kumain. Café pala itong pinuntahan natin at konsepto nito ang pagbobonding ng amo at alagang aso lalo na sa pagkain.

Pero dito na lang tayo sa baba para mas makakain ng maayos. Sa taas kasi ay puro mga aso at ayaw naman nating malagyan ng balahibo ang pagkain na ganito kasarap.

Tinikman mo rin 'yung cake na kinakain ko at ngumiti ka sa akin. "Masarap nga."

I grinned back but when I saw your face, I frowned. Mukha ka kasing nagpipigil ng tawa.

"Bakit?" I asked.

Uminom ka ng shake mo para siguro pigilan ang ngiti. "May..." Pinagdikit mo ang labi mo at pinilit na magseryoso. "May chocolate ka sa ngipin."

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na hinanap ang phone ko para makapagsalamin. True enough, may chocolate sa gitna ng dalawa kong ngipin sa harap. Waaah! Kahiya!

"CR lang." Mabilis kong sabi saka tinungo ang ladies' room.

Nagmumog na lang ako ng mineral water na dala ko hanggang sa luminis na ang ngipin ko. kahiya talaga!

Pagkabalik ay nginitian mo lang ako ngunit nakikinita ko ang pang-aasar sa mga mata mo.

"Ang sama mo." I accused you jokingly.

"Ikaw maganda." I rolled my eyes upward at what you said. 'Wag mo kong binobola at baka maniwala ako.

Nagpatuloy tayo sa pagkain nang mag-vibrate ang mesa. Nakareceive ka pala ng text sa phone mo. Napasilip ako na sa tingin ko ay hindi ko dapat ginawa.

Bakit 'yun ang wallpaper mo?!

"A-ako ba 'yun?" 'Di ko napigilan ang magtanong. And I can't stop the turmoil growing inside me, too.

"Um." I saw your eyes flicker to mine then back at the phone. Finally, you met my eyes and gave me a sheepish smile. "Ang... saya mo lang kasi tignan kanina. 'Di ko napigilan kuhanan ka. I can delete it, if you want."

I don't like having my picture taken, especially if it's a stolen one. Pero bakit... ayos lang sa'kin kahit ilang beses mo pa akong kuhanan?

Why is it okay? Why am I not mad at you? Why... why am I feeling this way?

"Pwede kong tignan?"

You hesitated for a second before giving me your phone. Mukhang kanina mo nga lang 'to kinuhanan. I was rubbing Storm's belly with a big goofy grin plastered on my face. I looked really really happy. Very far from what I feel in my "home".

"'Wag mo ng i-delete." Sabi ko sa'yo pagkabalik ng phone mo.

"You sure?"

"Yup." Dahil gusto ko ang picture na 'yun. Gusto ko ng katibayan na for once, I made a choice for myself that made me very happy.

Not just the choice of spending time with you here; simply the choice of going here in the Philippines and meeting you, Sage.

"Good, because I like the way you look there." Oh no, why am I suddenly grinning like an idiot now?

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at baka mahalata mo pa ang nangyayari sa mukha ko. What is this feeling?!

"Audrey."

I looked up and met your gaze. "Yeah?"

"Masaya ka ba talaga na... dinala kita dito?"

"Sobra. Bakit mo nga ba ko dinala dito?" Naalala ko lang kasi na biglaan ang pagpunta natin dito.

"Mukha ka kasing malungkot kanina. Kahit na kausap mo na si Saga, parang... may iniisip ka pa." Napansin mo pala 'yun? "Pambayad lang rin sa pagpapasaya sa akin nu'ng kinailangan ko." Bakit... parang disappointed ako sa sagot mo? Something's wrong with me.

But then, you added something and my heart went crazy.

"Gusto ko ring lagi kang nakikitang nakangiti—it makes me happy, too." It was barely a whisper that I think you don't want me to hear it. But I did. And a frenzy of emotions bursted inside me.

I have a little idea what this fluttering and this fast beating mean. And maybe, this is truly risky. But I know in my heart that I absolutely have no plans on stopping this... whatever feeling this is.

PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon