Chapter 30• Childhood friend

1.3K 55 0
                                    


Aze's POV

Pag-uwi ko ay di pa rin maalis sa mga labi ko ang ngiti.

"Mukhang masaya tayo ngayon ah!" Halos napatalon ako ng biglang magsalita si Kuya sa likod ko.

"Ano ba Hyung aatakin ako sa'yo sa gulat eh!"

"Sus! Parang di naman mukhang aatakin ka pa sa saya kaysa sa gulat e kanina ka pa kaya ngiti nang ngiti." Pagbibiro niya.

"Ewan ko sayo, Aakyat na nga ako. Gusto ko ng magpahinga." sabi ko

"Nga pala gusto ka raw maka-usap ni Chairman bukas."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya."Bakit? Nandito ba siya?" Taka kong tanong

"Bukas nang umaga nandito na sila. Kaya maghanda ka. Matulog ka na." Sabi niya saka ginulo ang buhok ko.

Tulala akong pumasok sa kwarto ko nagtatanong sa sarili kung bakit uuwi si Chairman wala naman akong naalalang kasalanan.

KINABUKASAN nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa kwarto ko.

"Ano ba! Ang aga-aga pa e!" pikit mata kong sabi habang dahan-dahang tumayo sa kama.

Pagbukas ko ng pinto halos di ako magkadaugaga sa pag-aayos.

"Ch-Chairman?" utal kong sabi

"Fix yourself at bumaba ka agad."maawtoridad niyang sabi.

Hindi na ako nakasagot dahil tumalikod agad siya.

Nagmadali akong naligo at nag-ayos ayaw pa naman ni Chairman na pinaghihintay siya ng matagal.

Pagbaba ko naabutan ko silang lahat na tahimik na kumakain.

"Sit down."- Chairman

Tahimik akong umupo,

"Zach and Jassie I know you already know my plans for the both of you." sabi ni Chairman.

Wala akong naiintindihan sa sinabi niya napalingon ako bigla sa mga kapatid ko na nakayuko hindi ko alam kung bakit ang tahimik nila pareho.

"And for Chantell."

"Please Chairman huwag na si Aze. Kami nalang ni Jassie huwag lang sila ni Ayesha." Biglang sabi ni kuya.

"Bigyan mo ako ng rason para pagbigyan kita sa gusto mo."

"Gagawin ko po lahat ng iuutos niyo." sagot ni Kuya.

Hindi na nagsalita si Chairman. Ayoko di magtanong baka pagalitan niya ako.

Nang matapos ang seryosong agahan. Naunang tumayo si Chairman.

"Zach,sumunod ka sa'kin." Utos ni Chairman.

Pag-alis ni Chairman ay kinuha ko ang pagkakataon para tanungin sila.

"Anong nangyayari?Ano iyong sinasabi ni Chairman?"

Ilang minuto silang nanahimik.

"Ano!?wala man lang ba kayong sasabihin sa'kin. Alam kong hindi umuwi si Chairman ng walang dahilan."

"Gusto niyang ipakasal ka sa isa sa mga anak ng business partners namin."- sabi ni Dad.

"Anong karapatan niyang magdesisyon sa buhay ko at wala man lang kayong ginawa para pigilan siya."

"Huminahon ka. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat."

"..." Tumahimik lang ako.

"Malaki ang binagsak ng sales ng kompanya nitong taon. At para makabawi kailangan ni Chairman tanggapin ang alok ng mga Hyu. Malaki ang ininvest ni President and CEO Laurent Hyu sa kompanya natin."

A Beautiful Disaster [ EDITING ]Where stories live. Discover now