MBB 42.

170K 1.6K 143
                                    

Chapter 42.

Daniel's POV.

Hindi ako nakapag-paalam kay kath na pumunta kami ni aling bebang sa bayan para kunin yung mga inorder namin. dito kinukuha ang mga order namin atsaka kami nalang ang maghahatid elizabeth's market. well, hindi kasi kasya ang malaking truck dahil maliit lang ang daanan papunta sa compound.

Alas-9 narin ng gabi ng matapos kami sa kakahakot ng mga orders. NAKAKAPAGOD. pero atleast day off ko na bukas. Isang araw na pahinga.

Pagdating ko sa bahay ay nagulat ulit ako dahil hindi nakapatay lahat ng ilaw kaya nakita ko kung gaano kalinis ang bahay. WOW!! naglinis ang reyna beb ko? kelan pa siya natuto maglinis?

Pero MAS nagulat ako nang makita ko siyang nakahiga sa matigas na 'sofa' namin. nakaupo lang siya habang natutulog at naka-awang pa ang bibig niya.

nilapitan ko siya agad at hinalikan sa pisngi. buti hindi nagising. kilala ko ito, tulog mantika.

kahit sobrang sakit ng katawan ay binuhat ko padin siya papunta sa kwarto namin. halatang halata sakanya na kulang siya sa kain. dati pag binubuhat ko siya, nabibigatan ako. ngayon, parang ilang pounds ang nag-lose sa weight niya.

Hays. nalulungkot talaga ako kapag ganyan siya. parang hindi siya yung kathryn na kilala ko noong nasa manila pa kami....

Hiniga at kinumutan ko siya bago ako naligo. pagtapos ko maligo ay tumambay muna ako sa terrace at ininom yung kapeng tinimpla ko.

Napaisip ako bigla..

Paano ba? Paano ko ba bibigyan si kath ng maayos na buhay dito?---- Sa CALOOCAN. Sa lugar kung san nagti-tipon ang mga snatcher, magnanakaw, holdaper, kidnapper... at ang mga wanted na adik. 

Though, MEDYO maayos naman ang trabaho ko dahil kumikita ako ng isang libo kada lingo. pero kulang na kulang sa amin yon dalawa. tsk tsk. kaya dapat talaga pigilan ko ang sarili ko at hindi siya galawin. hindi ko siya bubuntisin hanggat alam kong wala akong sapat na pera para bigyan ang magiging mag-ina ko ng masaganang buhay.

"mahal ko...." halos mapatalon ako sa gulat ng naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likuran.

Napa-pikit ako ng mariin. shit, she's too close. damang dama ko yung katawan niya...... at naaakit ako. 

My Brat BrideWhere stories live. Discover now