Kabanata 2

33.9K 981 63
                                    


GUMUHIT ang nakakalokong ngiti sa labi ni Shawn nang makapasok siya sa opisina niya. Hindi na siya nagdalawang isip pa at agad tinawagan ang numero na nakakonekta sa Hiring office.

"Good Morning, Sir."

Tumikhim siya bago magsalita. "Can you check the application form of the girl named Selene?"

"Ay, Sir. Yes hawak ko na po."

Napatango siya, "Hire her."

"Po?" Rinig niyang sabi ng nasa kabilang linya. Bigla tuloy siyang nainis, bingi ba ang kausap niya?

"I said. Hire her."

"Naku, Sir!" Mabilis na sabi ng kausap niya, mukhang natataranta pa. "Na-reject po. Pinauwi na po nami—"

"What?!"

Tuluyan na nga siyang nainis. Bakit ni-reject ang mga katulad ni Selene na magaganda? At isa pa, mukhang may pinag-aralan ang isang iyon! Mukhang maaasahan rin sa mga gawain!

"Pasensya na po, Sir."

"Call her back," Nagpipigil sa galit na sabi niya, "Or else, I will fire you."

"MISS? Okay ka lang ba?" Tanong ng tricycle driver kay Selene.

Paano ba naman kasi, umiiyak siya dahil hindi na naman siya natanggap sa trabaho. Paano na nga ba ang kinabukasan niya? Panigurado, palalayasin na siya ng Land lady sa inuupahan niya kapag hindi siya nakapag-bayad.

"Okay lang po ako."

Malapit na siya sa kanyang inuupahan nang tumunog bigla ang cellphone niyang Android pero made in china naman.

"Hello?" Unknown caller ang tumawag sa kanya.

"Miss Castillo? I am Aika from Kompaniá Dé Mendoza. Please go back to the Hiring office. You're hired and We expect your appearance here in our office right now. Thank you."

Para bang tumigil ang mundo ni Selene sa narinig. Teka nga?! Hindi ba siya nananaginip?

"Kuya! Pakibalik po ako sa KDM, ASAP po." Mabilis na sabi niya habang hindi mapakali sa kinauupuan.

Sa wakas! May trabaho na rin siya, at sa Kompaniá Dé Mendoza pa. One of the top Companies in The World!

Nang makarating siya sa KDM ay agad siyang nagtungo sa Hiring office. Nangunot pa ang noo niya nang makitang tila natataranta ang mga nag-interview sa kanya kanina, pero nang makita nang mga ito ang presensya niya ay parang nahimasmasan ang mga ito.

"Oh god! You're here! Hulog ka ng langit!"

Nangungunot ang noong tinignan niya ang mga nag-interview sa kanya kanina. "Hello po, ako po si Selene. 'Yung tinawagan ni Miss Aika kanina. Tanggap na raw po ako eh."

"You're hired. Please go to the Presidential Office on 17th floor at the right side corner." Sabi ng babae sa kanya na sa tingin niya ang Aika ang pangalan.

Tumango-tango naman si Selene at nang makasakay siya sa elevator ay masaya siyang napatalon. Sobrang saya! Hindi niya inaakala na ito na pala ang araw kung saan magiging maswerte siya! Makakapagbayad na siya ng renta at pati utang niya!

Nang makarating siya sa 17th floor ay agad hinanap ng kanyang mata ang Presidential Office. Mabuti na lamang at agad niyang nakita ang sign na may nakasulat na Office of the President. "Wow! Parang malacañan lang." Sa isip-isip niya.

Kumatok siya nang mahigit tatlong beses sa opisina bago pinihit ng tuluyan ang seradura ng pinto.

Sa unang sulyap pa lamang ng tingin niya sa loob ng opisina ay agad nanlaki ang mata niya. Sobrang ganda naman kasi.

SHAWN {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon