Prologue

11.2K 149 4
                                    

Third Person's POV

"Alejandra pinabagsak na ng Mortífero ang escúdese natin sa Ajman, Philadelphia, Mexico, Spain, at China. Napag alaman ko din na nakipag sanib pwersa ang Triad sa China para pabagsakin ang escúdese natin doon at mahigit limang libo na ang tumiwalag sa ating organisasyon sa pamumuno ni Nicola Tommaso naki anib sila sa Mortífero." pagbibigay impormasyon ng isang lalake sa  babaeng kasalukuyang nakatingin sa bilog na buwan, ang Empress

Humarap ang babae sakanya at bago pa sya mag salita ay tumunog ang telepono nito sa lamesa kaya dali dali nitong sinagot ang tawag nang marinig nya ang boses na mistulang naghihingalo ang nasa likod ng telepono, tila nabuhusan sya ng malamig na tubig lalo pa syang namutla nang malaman nito ang dahilan kung bakit ito tumawag. 

Dali dali syang lumapit sa kama at buong lakas na tinulak ito sa gilid at pinindot ang pulang buton na nakausli mismo sa likod ng side table at unti unting nag bigay ng siwang ang sahig hanggang sa tuluyan itong bumukas at tumambad sakanila ang matataas na kalibre ng baril, bala at granada.

"Allejandra, What are you doing?" tila naguguluhang tanong ng lalake dito dahil sa kanyang ikinikilos. "They're  coming here." malamig na ani nya habang inaayos ang mga aramas. Nilapitan nya ang babae at akmang tutulong ngunit sinamaan sya nito ng tingin. 

"What are you doing?" malamig na tugon ng babae sakanya. "If you fight, I'll fight as well." madiing ani nya sa babae at ipinagpatuloy ang pag aayos sa mga armas ngunit natigilan sya nang bigla syang  makaramdam ng malakas na suntok sa kaliwang panga nya at muntik pang mawala sa balanse, ibinaling nya ang kanyang paningin sa babae habang nakahawak sa kanyang pangang napuruhan.

"Hindi ba't napag usapan na natin to?" mariing ani sakanya ng babae. "Wala akong natatandaang pumayag ako sa napag usapan natin, Alejandra." mariin ding ani nya. "Hindi ko kakayaning magkalayo tayong pamilya, Hindi ako makakapayag. May oras pa tayo! Aalis tayo, Ikaw, ako at ang mga anak nat----"  at sa pangalawang pag kakataon ay natigilan ulit sya dahil sa isang malakas na sampal.

"Alam mong may mga responsibilidad akong hindi ko maaaring talikuran Luca!" at sa unang pagkakataon ay sumigaw ang babae at kailan man ay hindi nanaisin ng isang nagmamahal na asawa ang halo halong emosyong nakikita nya dito; lungkot, galit, at takot.

"Nagmamakaawa ako sayo mahal ko, kailangan ninyong lumayo ni Ammarah dahil yun lang ang alam kong paraan para maligtas sya! Ikamamatay ko kung isa man sainyo ang mawawala saakin, Ikamamatay ko..." lumapit ang lalake sa kanyang asawa at hinawakan ang magkabila nitong pisngi at sa oras na dumapo ang mga palad nito sa kanyang pisngi ay sunod sunod na butil ng luha ang pumatak sa kanyang mga mata.

"Mas nanaisin kong malayo kayo saakin kesa mawala kayo ng tuluyan.." pag papatuloy nito sa kanyang sinasabi ang tanging tugon lamang ng lalake ay ang mahigpit na yakap na iginawad nya sa kanyang asawa. 

----------

Pumasok ang  lalake sa isang silid na kinaroroonan ng dalawang sanggol na mahiming na natutulog.

"I'm sorry, but we'll have to separate you two. This is for your own protection." malungkot na litanya nya sa dalawa at hinalikan nya ang anak nyang lalake sa noo.

"Our family will be complete one day, I promise that." whisper to his son, take her daughter, and exit the mansion by the secret passage under the mansion.

-----------

Ang babae ay kasalakuyan ngayong naka dungaw sa kanyang bintana at natatanaw nya ang sunod sunod naa malalaking sasakyan patungo sa kanyang pinakamalaki at malakas na  escúdese at nakatatak sa kanyang isipan na hindi hindi na sya makakapayag na mapabagsak kung ano ang pinangangalagaan nya. Nakahanda na ang mga taohan para sa nararating na digmaan, nakalabas na ang mga matataas na kalibre ng baril na alam nyang ang organisasyon nya lang ang nagmamay ari.

Pumasok sya sa kwarto ng mga anak nya at tanging ang anak na lalake na lamang ang naiwan doon binuhat nya ito at ipinasok Ito sa isang sekretong kwarto sa luob din ng kawartong kinaroroonan nila.

"Kent, I love you Mommy will come back here later." bulong nya sa mahimbing nanatutulog nyang anak at hinalikan Ito sa nuo at tuluyan ng lumabas para pamunuan ang pakikipag laban sa mga taksil, Ang Mortífero Mafia. 

___________________

-major major editing.

The Gangster Queen Is a Mafia Heirs Where stories live. Discover now