You Needed Me (Chapter 1)

3.4K 47 0
                                    

"Saan ka galing?"Nakahalukipkip ang brasong tanong ni K sa asawa pagbukas pa lang nya ng pinto.A las dos na ng umaga ng umuwi ito mula sa kung saan at hndi maitago ang inis sa mukha ni K ng maamoy nya ang alak sa hininga nito.Gegewang-gewang na nlagpasan lang sya ni Vice  at tumuloy lang sa paglakad papasok ng bahay.
"Ang sabi ko sa'n ka gal-"pigil ni K sa braso nito pero  tnabig lamang ni Vice ang kamay nya.
"Ang ingay mo!"sigaw nito.Hindi agad nakasagot si K sa pagsigaw ni Vice.At gaya ng kanyang inaasahan,pumatak na lamang basta ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan ang galit na mukha ng kanyang asawa na nakatingin lamang sa kanya.
"Asawa lang kita,Karylle.Hindi kita nanay para pagpaliwanagan ko palagi ng lahat ng bagay na ginagawa ko!"dagdag pa ni Vice saka buong pwersang tinadyakan ang mini table sa sala.Tila manhid naman na sa ganitong eksena si K kung kaya hindi man lang sya nagitla sa pagkabasag ng salamin nito.
"Hindi ko na maintindihan kung bakit ganyan na lang katindi ang galit mo sakin.."mapait na ani K habang nakikipagtagisan ng titig kay Vice.Alam nyang batid nito ang labis na hinanakit sa tingin nya habang galit naman ang nakikita nya sa mga mata ng asawa.
"Gusto mong ipaintindi ko sa'yo ng paulit ulit?Pwes,sige.Ikaw lang naman,Ana Karylle,ang babaeng nagkalat sa pamilya ko na nabuntis kita kaya kailangan kitang pakasalan.Ikaw,na sumira sa mundo ko at ikaw na dahilan ng miserable kong buhay ngayon!AT HABANG NAKIKITA  KITA LALO KO LANG NAAALALA ANG PAGKAWALA NG ANAK KO DAHIL SA KAPABAYAAN MO!"
"Yan pa din ba Vice?Hanggang ngayon ba naman yan pa rin.."
"OO.KAYA KUNG HINDI MO NA KAYA AT HINDI KA NA MAKATIIS,UMALIS KA NA."Akmang papasok na si Vice sa kwarto nang magsalita si K.
"Lagi ko nalang yan naririnig sayo,sawang sawa na'ko.Pero wag kang mag alala.Ito na ang huling beses na sasabihin mo yan,at ito na rin ang huling beses na maririnig ko yan galing sa'yo.Ibibigay ko na ang gusto mo...ngayon din,aalis ako.."ani K sa mapanghamong tinig.
"Go.Hindi kita panghihinayangan"

ITUTULOY.

You Needed Me (A ViceRylle One-Shot Story)Where stories live. Discover now