3

1.9K 73 8
                                    




**

"BAKIT kasi may practice agad?" Nakasimangot ko'ng tanong kay Kristoffer habang nakatayo siya sa harap ko, ako naman, heto, sinusuotan ng heels. Sanay naman ako kaya keri.

"Ganon talaga. You're exempted naman." Sabi niya habang may inaayos na papers. Busy talaga siya. President eh.

"Kahit na. Grabe." Kahapon lang ako nainform tapos may pa ganito na agad ngayon?

Nakita ko siyang tumawa tapos nagpatuloy nalang sa kung anong ginagawa niya.

"Uy, guys, sino may jacket sainyo?" Tanong ko sa mga kilala ko'ng naroon. Umiling yung iba, yung iba naman, sumagot ng, "Wala eh."

Hay, ang lamig talaga. Naulanan pa naman ako kagabi. Nung pauwi na kami ni Kristoffer. Hindi niya na ko nahatid eh. Nahihiya rin ako.

Pinaupo muna kaming mga candidates, jusmiyo, yung iba kaibigan ko. Yung iba naman kaibigan lang sa facebook. Apat kaming mga candidates. Partner ko naman, si Josh.  Ka edad ko lang din.

"Water?"

"Thank you." Sabi ko sakanya at tinanggap 'yong tubig. Bagong bili pa naman.

"Sanay ka magheels?"

"Oo, eh." Sagot ko matapos makainom. "Nakakapagod naman."

I heard him chuckle. "Pagoda gad? Haha, hindi pa nga sobra yung practice."

"Hindi rin naman kasi yata dapat sobrang yung practice, e." Sagot ko. Kasi naman, pageant lang naman 'to. Di naman 'to sayaw. Tsaka pwede kami magpratice on our own. Oh sige, push ko 'to.

"Sabagay." Sabi niya at nagkibit balikat.

Nanahimik na kaming dalawa. May inaayos pa kas yung event organizer kaya pinapahinga muna kami.

Chineck ko ang phone ko. Math class na naming ngayon. Buti nalang din exempted ako. Hihihi

May texts pala sila Arisse sakin. Susunod daw sila tapos manonood if ever kaya pa. Sana nga. I was about to lock my phone nang may isa pang text na dumating.

Where are you?

Ay si Sir DJ pala. Hindi ba siya nainform?

Nasa audi sir. Practice po for the pageant. :)

Ayan, may smiley pa.

Kasali ka? Bakit?

Aba, bastos 'to ah?  DI ko na nga lang nireplyan! Kainis.

So hindi ako katanggap-tanggap, ganon? Kala mo naman siya, sobrang pogi. Ew.

"Okay, balik sa pwesto!"

--

UWIAN na, akala ko di oa yung practice namin, eh! Inabot nga kami ng gabi! Pero buti nalang din kasi nakanood sila Trina.

Pero kahit na! Kapagod grabe! 5 hours?!

Yung next daw kasing practice is the day before the event. Final rehearsal daw. Hay. Nakaupo ako sa gilid ng stage. May chair kasi dito. Nakatayo sila Trina sa harap ko. Proud na proud pa nga sila.

Ang layo na raw ng narating ko.

OA no?

"Uy, Kath, napagod ka?" Natatawang tanong sakin ni Josh. Problema nito? Ba't laging nakatawa? Siya ba si Joy? Boy version?

Weh, corny.

"Oo, e" Sabi ko at tinignan yung paa kong medyo mamula-mula. Pagod na rin siya, e. Nakaheels pa nga ako hanggang ngayon.

"I'll help you." Lumuhod siya sa harap ko at tinanggal yung heels ko. Nanlaki naman mata nila Trina pero napakagat labi si Arisse tapos tinignan naman ako ni Trina na parang sinasabi niyang, "Alam na." Inirapan ko lang sila tapos sinamaan ng tingin. Mga mukha nitong mga 'to!

"Ah, okay na.." Sabi ko kay Josh at ngumiti.

"Ayun, sige, una na 'ko." Sabi niya sakin. Mabait naman talaga 'to, e. Mapapansin mong hindi siya bumibreezy. Sincere talaga tsaka walang halo ng kamanyakan.

"Sige, thank you." Sabi ko at ngumiti ulit.

Biglang nagvibrate yung cellphone ko. May text 'to. So, kinuha ko 'yon mula sa bag.

Tss.

At... 'yon ang unang pagkakataon na ginulo mo ang isip ko.

**

Hayaan Natin SilaWhere stories live. Discover now