· Chapter One ·

16 0 0
                                    

· My fake Boyfriend ·

" mikka do you still remember kyle and janna?" natigilan ako sa pagtatype sa computer dahil sinabi ni patricia.

pano ko makakalimutan ang mga pangalang yun?

kahit ilang siglo pa ang magdaan hinding-hindi ko makakalimutan ang mga pangalang ng mga tadong yun

Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. ayokong makarinig ng kung ano sa sasabihin ni pat tungkol sa dalawang yun.

"hey" tinapik nya ko sa balikat "bitter ka pa rin dyan teh. move on move on din....anyway they getting married" natiglan ako sa ginagawa ko.

parang may kung anong tumusok na bagay sa dibdib ko..

it's been 6 years pero parang kahapon lang nangyari ang lahat

at ngayon magpapakasal sila??!!!

napataas ang kilay ko at unti-unti kong nilingon si patricia. "oh tapos?? alam mo itigil mo na nga nyang pagiging tsismosa mo dahil lalong humahaba yang nguso mo...bumalik ka na nga sa pwesto mo"

napasimangot naman sya at naglakad pabalik sa pwesto nya habang bumubulong -bulong pero ewan ko ba kung talagang bumubulong tong babaeng to..

"sus bitter ka lang kasi..tsk ma'li maghanap na ng papa"napailing na lang ako at muli kong itinuon ang diwa ko sa aking ginagawa.

pero litsi naman bakit hindi na ko makapagconcentrate..

napasabunot ako sa buhok ko.. hayss bakit ba hanggang ngayon affected parin ako??

napabugtong hininga ako.. ano ngayon kung magpapakasal sila??

"goodmorning miss pretty"napairap ako.. hay sus ito na naman sya. sinubukan kong ituon ang diwa ko sa ginagawa ko para hindi ko mapansin ang mokong na to

"sus ang sungit naman ni miss ganda" narinig kong tumawa sya. inilapag nya ang isang mug sa table ko.

"cge see you later. miss pretty"nang narinig ko ang yabag ng paa nyang papalayo sakin saka ko lang nilingon ang mug na inilapag nya.

may sticky note pa itong nakadikit sa gilid. tinaggal ko ito.

*For you princess♥*

nilukot ko ang sticky note pagkabasa ko rito at inihagis sa trash can.

dinala ko sa bibig ko ang mug at hinigop ang laman nito..

hmmmmmm..

napapikit ako sa sarap ng matikman ko ang familiar na lasa... nestquick

"mikkaela!" halos maibuga ko ang iniinom ko dahil sa gulat. ibinaba ko ang mug na hawak ko at nilingon ang tumawag sakin.

tinignan ko sya na 'nakakainis-na-look'

"umm, sorry nagulat ata kita.." hindi. hindi ako nagulat."kasi sabi ni sir kung pwede daw ikaw muna ang magcheck sa boutique ng mga stocks.. absent kasi si riah"

-------

maayos naman ang lahat kaya madali akong natapos. palabas na sana ako ng boutique pero natigilan ako..

hindi..

Nanlaki ang mga mata ko

Ipinikit ko ito at idinilat muli

Pero hindi nagbago ang nasa harap ko

bakit sa dinami dami pa ng taong makita ko sya pa ang makikita ko?? teka hindi lang pala sya..

Accidentally YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon